"ISANG LINGGO kang nawala, Dr. Isaac. Saan ka na naman naglagalag?"
Halos takpan ni Margaux ang mukha habang kausap ng asawa ang babae sa front desk. Kahit unti-unti na siyang nakaka-recover from her phobia, hindi pa rin siya sanay na lumabas ng bahay at makihalubilo sa ibang tao. Sabay pa na maalala niya ang pangit na karanasan niya sa ospital na iyon kung saan unang nagkrus ang landas nila ni Isaac.
Narinig niya ang tawa ni Isaac sa tanong na iyon ng babae sa front desk. Nasa likod siya ni Isaac, dahil halos balikat niya lang ang asawa ay halos hindi siya napansin ng kausap nito.
"Nang dagit ng mapapangasawa," natatawang sagot naman ni Isaac.
Narinig naman niya ang malakas na pangsinghap ng kausap nito. "You got married?! Seriously?"
Laking gulat naman niya nang bigla siyang hilahin ni Isaac at hawakan siya sa balikat. Hindi naman siya makatingin sa kausap nito at napatungo na lamang.
"Meet my wife, Margaux Panganiban."
Alanganin namang tiningnan niya ang kausap nito at pilit na ngumiti. Nakita naman niya ng excitement s mukha nito. "H-Hi," bati niya.
"For real?! Oh my god, hi, Margaux!" bati naman nito sa kanya. "Didn't expect na may mabubulag si Dr. Isaac."
Hindi naman niya alam kung paano magre-respond sa sinabi nito. Hindi niya rin alam kung papuri ba iyon o insulto.
"Naku! Maraming malulungkot sa balitang 'yan. Ang sexy doctor ng St. Peter's may asawa na."
Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang natahimik sa sinabi nito. May kung anong kirot siyang naramdaman sa isipang maraming babaeng nagkakagusto sa 'asawa' niya.
"Oy, huwag kang ganyan. Baka awayin ako ng asawa ko," natataaang sagot ni Isaac.
"Biro lang naman!" ani naman ng kausp nito. "Huwag mo pala kalimutang dumaan kay Dr. Galvez. Noong isang araw ka pa hinahanap n'un. Si Jen lang tuloy laging nakakaharap ni dok."
"Sige. Sige. Salamat."
Hindi naman alam ni Margaux ang ikikilos. Nakaupo na siya ngayon sa loob ng clinic ng asawa. Pinagmamasdan niya lamang ito habang binabasa ang ilang files na kanina'y nakita niyang nakapatong sa ibabaw ng table nito. Sa tingin niya'y maraming naiwang trabaho ang asawa. Hindi naman niya maiwasang isiping naabala ang trabaho nito dahil sa kasal na pinagpilitan ng kanyang lolo.
"Smile."
Biglang nagtama ang mga mata nila ni Isaac nang magsalita ito. Hindi naman niya alam ang ibig sabihin nito. Napatitig lang tuloy siya sa asawa.
"Smile, baby. You look so sad. May problema ba?" Nababanaag niya ang pag-aalala sa boses ni Isaac.
Mabilis namang napailing siya. "W-Wala. Okay lang naman ako. Pagpatuloy mo lang 'yan."
Pero imbes na magpatuloy ay tumayo ito at lumapit sa kanya habang hila-hila ang upuan nito. Nasundan na lamang niya ito ng tingin hanggang sa umupo sa harap niya. Nagkatitigan pa silang dalawa wari'y binabasa ng asawa ang isip niya.
"Nagseselos ka ba?"
Nanlaki naman ang mga mata niya sa tanong nito. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon. Hindi naman niya alam kung anong isasagot. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng asawa.
"Nagbibiro lang naman si Ate Karen. Huwag mong isipin 'yon. Hindi naman totoo 'yon," pagpapaliwanag naman nito sa kanya.
"Ate Karen?" wala sa sariling tanong niya.
"'Yung babae sa front desk. Si Ate Karen. Close ko 'yun. Pero hindi totoo 'yung sinasabi niyang maraming babaeng masasaktan sa balitang kinasal na 'ko. Palabiro talaga 'yun."
Sunod-sunod na tango naman ang ginawa niya bikang sagot dito.
"Kanina ka pa kasi walang kibo. Baka awayin mo ko sa bahay pag-uwi natin."
Hindi naman niya akam kung matutuwa o maaasar sa pag-aalala ni Isaac sa kanya. "Hindi naman ako nagseselos."
"Talaga?"
"Oo."
"Kiss mo nga ako?"
"Ha?" nabigla naman siya sa sinabing iyon ni Isaac.
"Kung hindi ka nagseselos, ikiss mo nga ako?" sabay turo nito sa sariling pisngi.
Hindi niya alam kung bakit kusa naman siyang lumapit rito. Gusto niya lang sigurong matapos na ang usapan tungkol sa selos. Napahawak pa siya sa magkabilang balikat ng asawa bilang suporta. Pero laking gulat niya nang hindi sa pisngi nito dumampi ang mga labi niya kundi sa labi ng asawa.
Napasinghap siya nang makabalik sa pagkakaupo at ang nakangisi ng mukha ni Isaac ang tumambad sa kanya.
"Yes! May energy na ulit para magtrabaho!" sabay tayo nito at bumalik sa harap ng office table habang hila-hila pa rin ang sariling upuan.
Naiwan siya roong tulala at hindi pa rin nakakahuma sa panlilinlang sa kanya ng sariling asawa.
"Kain tayo sa labas after my duty."
Katulad rin kanina, wala sa sariling tumango-tango lamang siya sa sinabi ng asawa. Pinanood na lamang niya itong tapusin ang mga naiwang trabaho. Hindi naman niya napansin na napapangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang nakakunot nitong noo.
BINABASA MO ANG
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood days, she was afraid to play with her classmates and friends. She used to stay at home and never to com...