Chapter 24

3.1K 63 5
                                    

Author's note! Slightly mature-content! Read at your own risk! Kapag ako nainis, ipa-private ko 'to! HA-HA-HA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"MARGAUX?"

Kinabahan siya sa katahimikan ng buong unit. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang kabang nararamdaman sa mga oras na iyon. Binaba niya ang bag sa sifa saka dumiretso sa kwarto kung saan natulog ang asawa niya kagabi pero tumambad sa kanya ang maayos na pagkakatiklop ng mga kumot roon. Sinara niya iyon at kinatok ang pinto ng comfort room pero walang sumasagot. Binuksan niya iyon pero wala siyang nakita.

"Margaux?" Ayaw niyang paniwalaan ang tumatakbo sa isip niya. Iniwan na niya ako? Nanlulumong napaupo siya sa sofa at napasabubot sa kanyang buhok. "Margaux." Nangingilid na ang mga luha sa gilid ng kanyang mata nang marinig niyang tumunog ang main door ng unit. Mabilis na tumakbo siya roon. Halos kumabog ang dibdib niya nang bumukas ang pinto at iluwa n'on ang asawa niya. "Margaux!" mabilis na tinakbo niya ito at kinulong sa nga bisig niya. Halos balutan siya ng takot na baka nga iniwan na siya ng asawa. Bigla siyang napasalamat na hindi ito umalis.

"Isaac," tawag nito sa kanya. "Hindi ako makahinga."

Saka niya na-realize na napahigpit pala ang pagkakayakap niya dito. Bigla naman ang dako ng tingin niya sa mga bitbit na plastic bag nito. Kinuha niya iyon gamit ang isang kamay at isa pa para hawakan ang kamay nito at hinila niya ito palapit sa mesa.

"Saan ka nanggaling? Nag-alala ako. Akala ko iniwan mo na ako," malungkot ang boses niya. Kinulong naman niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha ng asawa.

"Sa labas. Hindi ako marunong magluto kaya umorder na lang ako ng makakain natin."

Bigla namang lumihis ang ngiti sa labi niya. "Nakalabas ka? Hindi ka ba kinabahan?"

Umiling-iling si Margaux. "Hindi. Sa first floor lang naman kasi 'yung fastfood chain, e."

Bigla naman niyang nahalikan sa labi ang asawa. "Good. Nakakasalamuha ka na ng ibang tao."

Tumango-tango ito. "Kain na tayo?"

"Ako nang maghahanda. Maupo ka na lang," iginiya niya ang asawa para makaupo at siya na ang kumuha ng mga platong gagamitin. Paminsan-minsan siyang sumusulyap sa asawa habang sinasalin niya ang mga binili nito.

"Kumusta ang trabaho mo?"

Natigilan naman siya sa tanong na iyon ni Margaux. Nakita niya ang maliit na ngiti nito. Hindi niya alam kung bakit naman siya kinabahan. "O-Okay naman. Wala naman masyadong pasyente. Tinapos ko lang 'yung summary ng pasyente ko last month."

Laking pasalamat naman niya na hindi na ito nagtanong pa. Pinaghandaan na niya ito. "Anong ginawa mo maghapo---." Naputol ang tanong niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa. Napakunot-noo naman siya nang makita ang pangalan ng tumatawag sa screen ng cellphone. Napatingin naman siya kay Margaux na kumakain na.

"Bakit?" tanong naman nito nang mapansing hindi pa niya sinsagot ang tawag.

"Tumatawag ulit lolo mo."

"Sagutin mo," nakangiting sagot nito sa kanya.

"Sir?" aniya nang sagutin niya ang tawag. "Kumakain na po kami." Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa tawag ng lolo ng asawa niya. Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi sa kanya ng kausap sa kabilang linya. Halos hindi naman siya nakapagsalita. Napatingin siya sa asawang abalang kumakain sa harap niya. "Sige po, Sir. Thank you." Naputol na ang tawag sa kabilang linya.

Para naman siyang tuod na hindi makakilos doon. Napatitig na lamang siya sa asawa. Mukhang nahalata naman nito ng pananahimik niya.

"Okay ka lang?"

"S-Saan ka galing kanina?" wala sa sariling tanong niya kay Margaux.

Uminom naman muna ito ng tubig bago sumagot. "I will never let someone take away my husband from me."

Hindi naman niya alam ang ire-react sa sinabing iyon ng kanyang asawa. Once and for all, Margaux fights for him. "Babayaran ng lolo mo ang utang ng mga magulang ko kay Mr. Herbert?"

"My wealth is your wealth. Kung dahil sa pera kaya ka nagkaroon ng arrangement sa ibang babae, e 'di gagamit rin ako ng pera para manatili kang akin."

Hindi niya alam kung paano kiligin pero sa mga oras na iyon ay gusto niyang ambagan ng halik ang asawa dahil sa ginawa nito. Halos dumugo ang labi siya sa sobrang pagpipigil sa tuwang nararamdaman.

"Kumain ka na. Binili ko 'to para sa'yo,  hindi mo naman ginagalaw."

Nakangiti lang siya buong oras ng pagkain nila. Hindi niya naman naalis ang tingin sa asawa habang abala ito sa pagkain. Siya na rin ang nagligpit ng mga pinagkainan nila pagkatapos. Nag-agawan pa silang dalawa kung sino ang maghuhugas ng mga plato.

"Can I sleep beside you?" Naka-pout pa siya nang lingunin siya ni Margaux. "Hindi na ako sanay ng hindi ka katabi matulog." Awtomatik namang lumawak ang ngiti niya nang hawakan nito ang kamay niya at hilahin siya sa loob ng kwarto.

SHE ADMITTED that once in her life, she felt that she did the right thing. Kahit papaano, alam niyang may ginawa siya para ipaglaban ang asawa niya. At ngayon nga'y pinagsawa niya ang sarili na pagmasdan ang nakangiting mukha ng asawa na halos dangkal na lang ang layo sa mukha niya habang magkatabi sila sa kama.

"Thank you," mahinang sabi ng asawa niya. Iniangat naman nito ang ulo niya para umunan siya sa bisig nito samantalang ang isang kamay nito'y dumampi sa kanyang pisngi. "For making me feel that I am worth fighting for."

Ngiti lang ang tanging naibalik niya para sa asawa. Sisiksik sana siya sa dibdib nito nang mapanain niyang unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya. Hindi naman niyang maiwasang mapalunok nang mapansing sa labi niya nakatutok ang mga mata nito. At kusang pumikit ang mga mata niyang maramdaman niya ang malambot na labi ng asawa sa mga labi niya.

She gladly welcomed and gave back the kisses to him. She felt that he's kissing him passionately until it's got deepen. She even rolled her arms around Isaac's neck. She noticed that her body was getting warmer. She couldn't explain this feeling but she didn't want to stop it. She knew that Isaac wanted her to feel his love to her in every kisses that they were sharing right now.

Her heart trembled in tense when Isaac's kisses went down to her neck to her shoulder. She bite her own lips when she felt like Isaac was putting kissmarks on her shoulder. She put her arms on Isaac's shoulders trying to stop her but he catched her arms and put it above her head. Almost a small moaned skipped from her mouth when she felt something went down under her loose blouse.

She admitted that they couldn't stop their feelings anymore. She closed her eyes and just let this night will be the most memorable experience she will have.

BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon