PILIT TINUTUON ni Margaux ang tingin sa ginagawang lumpiang shanghai. Nakailang tikhim na siya pero ayaw siyang tantanan ni Isaac. Nakatunghay ito sa mesa at halos isang oras na siyang tinititigan. Pigil naman ang tawa niya nang bigla itong batukan ng sariling ina.
"Baka naman matunaw 'yan. Wala kang naitutulong. Doon ka sa sala," pagtataboy dito ng ina.
"Ma!" tawag ni Isaac sa ina. "Dito lang ko. Nandito asawa ko!"
Tinulungan siya ng ina ni Isaac sa pagbabalot ng lumpiang shanghai. "Tulungan mo ang Papa mo! Malapit na rin dumating sina Ethan at Janelle."
Pabirong nagdabog naman si Isaac na tumayo at iniwan sila doon. Ngumiti naman siya nang napasulyap siya sa 'biyenan'. Nandoon sila ngayon sa bahay ng mga ito na dati nilang tinutuluyan. Masaya naman siya dahil ayos na rin ang relasyon ni Isaac sa mga magulang nito.
"Salamat."
Napatitig naman siya sa biyenan nang magpasalamat ito. Hindi naman niya mahagilap ang salitang dapat sambitin.
"Alam kong pangit ang unang impression mo sa amin. Nagawa lang naman namin iyon dahil sa pagkakautang."
"Okay lang naman po," aniya habang nakatitig pa rin sa kasama. Pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang matandang babae.
Mukhang nailang naman ito sa pagkakatitig niya. "B-Bakit? May problema ba?"
Napailing naman siya. "Wala naman po. Parang pamilyar po kasi kayo. Nagkita na po ba tayo dati?"
"H-Ha?" gulat naman na saad nito. "B-Bukod doon sa nakaraang araw na pagkakagulo natin. H-Hindi ko naman matandaan na nagkita na tayo d-dati. Matagal kami sa California dahil kailangan magpagaling ni Ethan. Kailangan niya ng magaling na psychiatrist."
Bigla naman siyang nagtaka hindi dahil sa paminsan-minsang pagkangarag nito kundi sa pagpapagaling ng kapatid ng asawa. "May sakit po si Ethan? Bakit po niya kailangan ng psychiatrist? Bakit hindi po si Isaac?"
"A---a--ano... kasi n--nagkasakit siya," medyo tarantang sagot ng biyenan.
"Ng ano po?" usisa naman niya.
"B-Bipolar disorder."
Napatango-tango siya. Hindi niya akalain na may ganoong sakit ang kapatid ng asawa. "Pero magaling na po siya?"
Tumango-tango ang matandang babae. "Oo. Magaling na naman siya."
"Mabuti naman po," aniya. Napatingin siya sa ginagawang lumpiang shanghai pero naibalik niya rin ang tingin sa biyenan. "Nagkaroon rin po ako ng sakit."
Nakita naman niyang nagulat ito sa sinabi niya. "Ga---ganoon ba?"
"Gelotophobia," aniya. "Medyo natataranta ako at minsan hindi ko makontrol ang emosyon ko kapag may ngumiti o tumatawa sa harap ko. Minsan pa, nawawalan po ako ng malay."
Napahinto sa paghahalo ng buko sald ang biyenan niya sa sinabi niya. Hindi naman ito nakapagsalita.
"May nam-bully po kasi sa akin noong elementary days ko. Medyo nagkaroon ng psychological trauma. Noong lumipat ako ng bagong school, nag-umpisang lumabas 'yung mga sintomas ng gelotophobia. Halos hindi ako nakalabas ng bahay. Napilitan akong maghome study. Pero okay na naman po ako. Unti-unti na akong nakaka-recover dahil kay Isaac. Siya ang nagsilbing psychiatrist ko bago kami kinasal."
Nagulat naman siya nang biglang mabitawan ng biyenan niya ang hawak na sandok. Mukhang hindi naman ito mapakali na kinabahala niya.
"Okay lang po kayo?"
"Ahm. T-Tingnan ko lang 'y-yung mag-ama. Baka mali na ginagawang pag-iihaw."
Hindi na siya nito nahintay na sumagot at mabilis na lumabas ng kusina. Nakanguso namang sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng kusina.
Anong problema?
PINAPAYPAYAN NI Isaac ang mga iniihaw na bangus nang bigla siyang hilahin ng kanyang ina papunta sa likod ng bahay. Tiningnan naman niya nito na may mga nagtatakang mata.
"Iniwan mo si Margaux? Wala siyang kasama?" aniya sa ina. Pero nahalata niya ang pagkataranta sa mukha nito. "Bakit?"
"H-Hindi ko sinasadya," ani ng ina niya. "Nabanggit ko ang tungkol sa sakit ni Ethan."
Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ng ina. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan sa tono nito na parang may mali. "T-Tapos?"
"Kinuwento niya ang tungkol sa sakit niya. Na parehas daw pala sila ni Ethan."
Hindi siya nakapag-isip. Biglang nablangko ang utak niya. Nabalot ng takot ang puso niya. Hindi niya kakayanin na kamuhian siya ng asawa once na nalaman nito ang nagawa niya rito.
Hinawakan siya ng ina sa braso. "Darating din ang araw n malalaman niya kaya dapat maging handa ka."
Napaliling siya. "Hindi ko ata kakayanin."
Bigla siyang nayakap ng ina. Sa mga oras na iyon, mas gusto niyang maging sakim at huwag nang malaman ng asawa ang katotohanang iyon.
"Nandito na kami!"
Narinig nila ang sigaw ni Ethan mula sa loob ng bahay. Dumating na ang kapatid niya at ang fiancè nitong si Janelle. Kahit na nababalot ng takot ay pilit niyang maging masigla sa get-together nilang pamilya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A.N.: Mabigat ang mga susunod na chapters. Bukas na lang. Gabi na. Lagpas na sa oras ng pagsusulat ko. Sarreh! Love lots!
BINABASA MO ANG
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood days, she was afraid to play with her classmates and friends. She used to stay at home and never to com...