Chapter 15

3.1K 69 3
                                    

BIGLA NIYANG nasapo ang kanyang sentido sa sakit na nararamdaman. Kahit nakapikit pa ay pakiramdam niya ay nahihilo pa rin siya. Hinayaan muna niya ang sarili na ipahinga ang kanyang ulo. Balak niya sanang sapuin ang mukha ng dalawang kamay nang maramdaman niyang may kung anong nakadagan sa kaliwang braso niya. Bigla naman niyang naidilat ang mga mata at mabilis na sinulyapan ang kung sinong katabi sa higaan. Bigla ang dagsa ng mga daga sa kanyang dibdib nang masilayan ang mahimbing na 'asawa'.

Doon bumalik sa kanya ang lahat ng nangyari. Nilasing ako ng lolo niya. Hindi niya alam kung bakit may kaunting panghihinayang siyang naramdaman bagamat may sumilay ring ngiti sa kanyang labi nang marahan niyang sapuin ang pisngi ni Margaux na malalim pa rin ang tulog habang nakaunan sa kanyang braso.

Paano nga pala kami nakarating dito sa bahay? Bigla niyang naalalang sa bahay ng mga Chen ang reception ng kasal nila pero pinagpilitan niyang uuwi rin sila ng gabing iyon sa kanyang bahay.

Hindi na niya pinilit ang sarili na maalala ang nangyari bagkus ay sinamantala na lamang niya ang pagkakataong masilayan ang maamong mukha ng asawa.

"I will give you the love that you deserve," bulong niya. Napakagat labi naman siya nang biglang gumalaw ang asawa pero mas lalo nitong pinagsiksikan ang sarili sa kanya. Nagawa na lamang niyang yakapin ng mahigpit ng asawa.

Natawa naman siya nang ma-realize na nakasuot pa rin pala sila ng damit pangkasal. Maging si Margaux ay suot pa rin ang wedding gown. Bigla naman niyang nahawakan ang kamay ni Margaux kung saan nakasuot ang wedding ring nila. Pinagsaklob niya ang mga kamay nilang suot ang wedding ring nila at nakangiting inapala ang mga wedding vows nila.

"I will make you fall in love with me."

Mas lalong pinagdikit niya ang kanilang mga katawan at dinampian ng muntik halik sa noo ang asawang mahimbing na natutulog sa kanyang bisig.

UNTI-UNTING inimulat ni Margaux ang kanyang mga mata. Sinalubong naman siya ng eleganteng pabango ng lalaking nakayakap sa kanya. Bigla naman ang dating ng realidad sa kanya. Yakap-yakap siya ng 'asawa' at halos mahalikan naman niya ang leeg nito. Bigla naman niyang nakagat ang kanyang labi at pigil ang kilig na nararamdaman. Natulog siyang nakaunan lang sa bisig ng asawa pero nagising siya sa yakap nito.

Hindi naman niya alam kung paanong kilos ang gagawin. Sa alagay niya'y tulog pa ang asawa kaya hindi niya magawang kumilos. Ayaw naman niyang istorbohin pa ito sa pagpapahinga. Gusto sana niyang iangat ang kamay nang maramdaman niyang makasaklob ang mga kamay nila. Noon niya na-realize na ang mga kamay nilang magkasaklob ay kung saan nakasuot ng kanilang wedding ring.

Hindi niya maitatangging may kung anong tuwa siyang nararamdaman. Hindi niya akalain na totoo na ang lahat ng ito. She is now Mrs. Isaac Panganiban.

Dahan-dahan niyang iniangat ang ulo upang magpantay ang mga mukha nila ni Isaac. Sumilay ang maliwanag na ngiti nang mapagmasdan niya ang mukha ng mahimbing na asawa. Kinuha niya ang kamay na saklob ng mga kamay nito at dinala sa pisngi ni Isaac.

This is so real. The man that makes me smile again is now my partner, my husband.

"Isaac," mahinang tawag niya rito. "Good morning." Napangiti na lamang siya nang batiin niya ito kahit alam niyang tulog pa ito. First day as husband and wife. She found herself leaning down towards Isaac's lips to give him a good morning kiss.

But as soon as the distance between her and her husband is almost a small thin thread, Isaac opened his eyes. And she got it frozen in a moment, her heart beats faster and her mouth widely opened. She saw confusion on his eyes. She felt so embarassed like a kid who had been caught doing a wrong thing.

She planned to move away from him but her husband is more faster than her that he held the back of her neck and claimed her lips. She tastes the sweet lavender in the morning. And because her lips were widely opened earlier, Isaac made to play with her freely. She found herself kissing him back, passionately. They were both panting when Isaac let off her lips.

She saw desire on his eyes as well as she wanted him. She held his cheek and smiled to him. Her heart felt this happiness when she saw him smiled back at her. Umayos na siya ng upo. Ngayon lang bumalik sa alaala niyang naka-gown pa pala niya. Akmang tatayo siya at baba ng kama nang bigla siyang itulak ni Isaac dahilan para mapahiga ulit siya sa kama.

"Bakit-----"

Nanlaki naman ang mga mata niya nang ipagsiksikan ni Isaac ang mukha sa kanyang leeg at iikot ang kamay sa kanyang tiyan.

"Dito muna tayo. Gusto ko pang matulog."

Nakagat naman niya ang labi sa kabang nararamdaman at parang gusto niyang mapabuga ng hininga dahil sa pinaparamdam sa kanya ng asawa.

"H-Hindi pa tayo nagpapalit ng damit," pagdadahilan niya. Pero nasilip niyang nakapikit na ng nga mata ang asawa. Mas lalo naman nitong pinagsiksikan ang sarili sa kanya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Please," anito habang nakapikit. "Masakit pa ulo ko. Ang daming pinainom sa akin ng lolo mo."

Bigla naman siyang nakonsensya sa sinabi nito. Nilasing nga ito maigi ng kanyang lolo pero alam niyang tuwang-tuwa ang matanda sa asawa niya.

Nakita na lamang niyang nilalaro niya ang malambot na buhok ng asawa habang mahimbing itong natutulog sa kanyang balikat. Hindi na rin niya namalayang unti-unti na rin siyang nakakatulog habang nakangiti.

BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon