Chapter 13

3.2K 66 10
                                    

HABANG TUMATAGAL ay nararamdaman ni Margaux na ginagawa ni Isaac ang lahat para magkalapit silang dalawa. Hindi naman niya alam kung para saan ang lahat ng iyon. Naguguluhan ang puso't isip niya kung ginagawa lahat ni Isaac iyon dahil sa kasal pero ayaw naman niyang umasa na baka nga puwedeng mahalin niya ang doktor.

Nagulat naman siya nang bigla siyang sunduin kanina ni Isaac at heto nga siya't nakasakay sa kotse ng binata at hindi alam kung saan sila pupunta.

"Anong me'ron?" putol niya sa katahimikan nilang dalawa.

"Sa susunod na araw na ang kasal natin. I don't wanna make you feel that it's just because your grandfather's will."

Hindi naman niya maintindihan ang ibig sabihin ng binata kaya nanahimik na lamang siya. Minabuti na lamang niyang pagmasdan ang maliwanag na gabi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Nakita na lamang ni Margaux na nasa bahay na pala sila ni Isaac. Hindi niya alam kung anong nagpakaba sa kanya at tinitigan ang buong bahay. Hindi niya miwasang isiping doon na siya titira pagkatapos ng kasal nila. Kakayanin niya kayang pakisamahan ang binata. Bigla siyang napatingin kay Isaac na kababa palang ng kotse.

Hanggang saan kaya tayo dadalhin ng kasal na 'to?

Napapitlag naman siya nang lumapit si Isaac sa kanya at hawakan ang kanyang kamay. Biglang dumaloy ang kaba sa buong niyang katawan nang maramdaman niya ang mainit na pald ng binata.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya nang imbes na sa main door tumuloy si Isaac ay sa gilid ng bahay ito dumaan.

Bigla siyang napanganga nang makarating sila sa likod bahay kung nasaan ang garden. Halos mamangha siya sa magandang lugar na iyon. Parang umiilaw ang bawat bulaklak roon dahil sa liwanag ng buwan dagdag pa ang enggrandeng table set sa gitna ng garden. Ang mga candle light ang nagpapaningning ng gabi. Ang mga bulaklak ay animo'y nagsasayawan kasabay ng isang malamyos na awitin na biglang umalingawngaw sa buong gabi.

Bigla siyang napatingin kay Isaac na may nagtatanong na mga mata. Pero wala itong sinabi. Kinuha nito ang mga kamay niya at dinala sa balikat nito. Halos kumabog ng dibdib niya sa mga pinaparamdam sa kanya ni Isaac. Hindi niya alam kung deserve niya ang mga pinapakita nito sa kanya. Naramdaman niyang iniikot nito ang mga kamay sa kanyang bewang.

"Can I have a dance with you?"

Gusto niyang maiyak. This is the first time that a man made something like this for her. Hindi niya inakalang makakaramdam pa siya ng ganoong kaligayahan matapos ang madilim niyang nakaraan. Naramdaman na kamag niyang sinasabayan nila ang malamyos na awitin sa gabing iyon sa ilalim ng maliwanag na buwan.

This is the way I feel. I can't wait for you to be my wife. To live this life together.

Halos mangilid na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. How could someone wanted her to be the girl of his life? Hinawakan ni Isaac ang batok niya at marahang dinampian siya ng halik sa noo. Dinadala nito ang puso niya sa sobrang pagmamahal kasabay ng mahinang galaw kasunod ng bawat lirikong tumatatak sa kanyang utak.

And I won't let you go. I need you to know. That you are my heart forever.

Kusang gumalaw ang mga kamay niya para yakapin ang binata. She felt she's already drowning from the love that Isaac makes her feel. Bigla niyang natanong na baka nga puwede? Baka puwede niyang mahalin ng binata. Naramdaman niyang mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Isaac. Mas lalo namang kumabog ang dibdib niya nang sabayan ni Isaac ang kantang mukhang nilaan talaga ni Isaac para sa kanya.

"For better or for worse. No matter how it hurts. You've got me to hold your hand. I promise you the world..."

She closed her eyes and felt the sweet voice of the man that makes her heart beats a little bit faster. Kung handa si Isaac na isakripisyo ang sarili para lang mabigay ang gusto ng kanyang lolo, sino siya para tumanggi pa sa isang binatang handang ibigay sa kanya ang lahat ng pagmamahal. Once and for all, she wants to give back the love that this man is giving to her.

"And in your wedding dress. We'll dance til no one is left..."

Sinabayan niya ang bawat mababagal na sayaw habang nakakulong silang dalawa sa yakap ng isa't isa. Alam niyang masaya ng kanyang puso. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng nangyari at salubungin ng bagong buhay kasama si Isaac. Hinanda niya ang sarili na kumalas sa yakap ng binata at pinagtama ang kanilang mga mata. Hinawakan niya ang mga kamay nito at kinulong sa sarili niyang mga palad.

Once and for all, I want it to try. Baka nga puwede. Baka nga puwedeng kalimutan ko na ang lahat ng masasakit na nangyari at harapin ang bagong bukas na kasama ka.

Nagtaka naman siya nang parang gulat na gulat si Isaac habang nakatingin sa kanya. Naramdaman niya ring humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

"B-Bakit?" takang tanong niya.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makitang kumurba ang mga labi nito habang nakatingin sa kanya.

"You smiled!" sigaw nito. "Ngumiti ka na!"

Kinapa niya ang sariling damdamin. Hindi naninikip ang dibdib niya. Hindi niya hinahabol ang sariling hininga. Bagkus, katuwaan ang nararamdaman niya sa kanyang puso. Galak at kasiyahan lamang ng bumabalot sa kanyang pagkatao sa mga oras na iyon.

"You smiled at me, Margaux!" bigla nitong hinawakan ang mga pisngi niya. "Ngumiti ka sa akin kanina! A-Anong nararamdaman mo?!"

Hinawakan niya ang mga kamay nitong nasa pisngi niya. "W-Wala. H-Hindi naman ako nahihirapang huminga."

Bigla ay kinabig siya nito at kinulong sa mga bisig nito. Narinig niya ang mahinang paghikbi ni Isaac samantalang siya ay gulat na gulat pa rin sa nangyari. Hindi niya ring magawang yakapin pabalik ang binata dahil lutang pa rin ang kanyang isip.

I smiled? I smiled. Isaac makes me smile. He makes me smile again.

At nakita na lamang niya ang sariling umiiyak sa balikat ng binata. Hindi niya akalain na magagawa niya ulit ngumiti nang hindi na nagkakaroon ng epekto sa kanya. At nagawa niya iyon dahil kay Isaac. The moon witnessed this miracle that Isaac's love made to her. She hugged him tightly while the sweet melody makes her feelings more intense for the man who's with her tonight.

I can't wait for you to be my wife. To live this life together.

BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon