"MALAPIT NA ang kasal niyo. You should be prepared at this time."
Inimbitahan si Isaac ni Harry Chen para sa isang hapunan ng gabing iyon. Hindi naman siya nakatanggi dahil halos ito ng nag-asikaso ng magiging kasal ni Margaux.
Nasa harap na sila ng hapagkainan ng buksan ng matandang Chen ang usapan tungkol sa gaganaping kasal. Napatungo lamang siya sa matanda nang tanungin siya nito.
"How about your parents?"
Bigla naman siyang nasamid nang banggitin nito ang tungkol sa mga magulang niya. Inabutan siya ni Margaux ng isang baso ng tubig na agad niyang kinuha.
"I don't think they can attend the ceremony. Hindi po agad sila nakapag-book ng ticket pauwi dito. Maybe, hahabol na lang po sila," palusot niya.
"I can help them to book their tickets as early as before the date of your wedding."
Bigla niyang nalunok ng sariling laway. "H-Hindi rin po kasi sila agad makaalis dahil sa work nila. Pasensya na raw po. Babawi na lang po sila." Halos tumulo ang pawis sa kanyang noo kakaisip ng lusot na lulusot sa matandang Chen.
Laking pasalamat na lamang niya nang wala nang sinabi pa ang matandan at nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Hindi naman siya nabusog sa hapunan dahil wala sa pagkain ang utak niya kundi sa maaaring mangyari kapag nalaman ng mga magulang niya na nagpakasal siya nang hindi mga man lang nito nalaman.
Bahala na.
"ALAM BA talaga ng mga magulang mo na ikakasal ka?"
Napalingon naman siya kay Margaux nang akmang papasok na siya sa kanyang kotse. Hindi niya alam kung tama bang lungkot ng nakikita niya sa mga mata ng dalaga. Hinawakan niya ang kanang kamay niyo at pinisil-pisil iyon.
"Don't worry. The wedding will still happen."
Hindi makatingin sa kanya ng diretso ang dalaga. "Hindi nila alam, no?"
"They don't need to know."
Marahas na napalingon ulit sa kanya ang dalaga. "Bakit?"
Napalunok naman siya sa tanong ng dalaga. Hindi niya alam kung tama pa bang sabihin dito ang dahilan.
"Hindi ba sila papayag?"
Napabuntong-hininga naman siya sa sunod-sunod na tanong ng dalaga. Matagal silang nagkatinginan at mukhang wala itong balak na magpatalo sa kanya.
"This weekend na ang wedding natin pero hindi nila alam? Alam mo ba 'tong ginagawa mo? Kung gagawin mo pa rin ang isang bagay na labag sa kanila baka naman magalit sila sa'yo."
Niyakap niya si Margaux para maibsan ang pag-aalala nito sa kanya. "I will still marry you no matter what happen."
"Bakit? Bakit gustong-gusto mong matuloy ang kasal? Matatali ka sa akin kahit na wala naman tayong nararamdaman para sa isa't isa. Puwede naman nating kausapin si lolo."
Bigla niyang nahigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. Hindi niya alam kung bakit parang ang sakit-sakit marinig mula sa dalaga ang mga salitang iyon. Gustong maiyak ng puso niya sa pinaparamdam nitong dahil lang sa isang patriarchial system kaya sila makakasal sa isa't isa.
Pinigilan niya ang sarili na maiyak, sa halip ay dinampian niya ng halik ang sentido ni Margaux. "Mamahalin mo rin ako," buling niya rito.
BINABASA MO ANG
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]
RomanceAngel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood days, she was afraid to play with her classmates and friends. She used to stay at home and never to com...