"HOW COULD you marry a man that is already engaged with other woman?!"
Halos yakapin ni Margaux ang sarili dahil sa malamig na simoy na hangin na dumadampi sa kanyang balat. Nandoon siya ngayon sa verandah ng condo unit ni Isaac kung saan sila dumiretso matapos ang komprotasyon ng huli sa mga magulang nito. Malayo ang tanaw niya sa maliliit na ilaw na nabibigay liwanag sa kalawakan ng Makati. Malalim ang iniisip at hindi mawala-wala sa balintataw niya ang linyang iyon ng ina ni Isaac. Kagat-labing pinipigilan niyang mamuo ang mga mumunting tubig sa gilid ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay kasalanan niya ang lahat ng iyon. Napakapit naman siya sa railings ng verandah dahil sa palagay niya'y babagsak na siya anumang oras dahil sa sama ng loob na nararamdaman.
Hindi na naman niya napigilan ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran.
"Magsalita ka naman. Alam kong galit ka. Sampalin mo ako. Saktan mo ako. Ibuhos mo sa akin lahat ng galit mo. Mas matatanggap ko pa 'yon kaysa ganito na hindi mo ako pinapansin. Mas masakit makita kang nanahimik rito at nagkikimkim ng sama ng loob."
Naipunas niya ang sariling palad sa mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi. Sa sobrang sama ng loob, hindi niya alam ang dapat sabihin sa asawa o tama pa bang sabihing niyang 'asawa'.
Naramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Isaac at ipinatong nito ang ulo sa kanyang balikat at pinagsiksikan ang mukha sa kanyang leeg.
"M-Margaux," basag na tawag nito sa kanya. "Ilabas mo lahat ng tumatakbo sa utak mo. Please."
Pilit niyang pinipigilan ang paghikbi pero mukhang ayaw magpakontrol ng sariling damdamin. "M-Minahal m-mo ba a-ako bago m-mo ako p-pina--kasalan?" Pinilit niyang pakalmahin ang sarili pero hindi niya nagawa. Pinilit niyang hindi mabasag ng hikbi ang mga salita niya pero hindi niya napigilan.
Naramdaman niyang may malamig na likidong tumulo sa kanyang leeg. Naririnig niya ang impit na iyak ni Isaac. "M-Mahal kita, Margaux."
Pero mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya at nagpatuloy ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanyang mga mata. "M-Minahal mo ba ako bago mo ako pinakasalan?"
Bumitaw si Isaac sa pagkakayakap sa kanya pero ginawa lang nito iyon para iikot siya at magkaharap silang dalawa. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya saka hinawi ang mga buhok na humarang sa kanyang pisngi. Pinunasan rin nito ang luhang kumalat sa kanyang mukha. Nakita naman niya ang kumikislap nitong mg mata ng dahil sa luhang namuo roon. Pinagdikit nito ang mga noo nila at ramdam niya ang hirap na dinadala nito sa dibdib.
Pero tinulak niya ito. Gusto niyang malaman ang totoo. "Minahal mo ba ako bago mo ako pinakasalan?"
"M-Margaux," bakas ang paghihirap nito sa pagtawag sa kanyang pangalan.
"Hindi?" hula niya dahil hindi ito makasagot agad.
Umiling-iling ito na wari ba'y sinasabing hindi ganoon. "Mas importante 'yung ngayon. Mahal kita at hindi ko na kakayaning mawala ka sa akin!" Hinawakan ni Isaac ang mga pisngi niya.
"Naisip mo ba kung papakasalan mo siya, baka matutunan mo rin siyang mahalin?"
Marahas na umiling si Isaac sa sinabi niya. "Hindi! Hindi ko siya mamahalin!"
Hinawakan niya ang mga kamay ni Isaac na nakasapo sa kanyang pisngi. Gusto niyang pigilan ang mga luhang bumabagsak mula sa kanyang mga mata pero hindi niya magawa. "P-Pumayag kang magpakasal sa akin dahil gusto mo siyang takasan?"
"S-Sorry," bigla siyang niyakap ni Isaac pero sinubukan niyang magpumiglas ngunit hindi niya kaya ang lakas ng asawa. "Huwag mong isiping ginamit kita para lang makatakas sa arrangement na 'yon. Hindi 'yun ganoon."
Hindi niya magawang yakapin pabalik ang asawa. Pilit niya itong tinutulak pero hindi niya magawa. "A-Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon?" pinipilit niyang pigilan ang paghikbi. "Pakiramdam ko inagaw kita! Baka katulad lang din nangyari sa atin. Baka matutunan mo rin siyang mahalin pagkatapos ng kasal ninyo."
Marahas namang napabitaw si Isaac at tiningnan siya sa mga mata. Sunod-sunod na iling ang binigay nito sa kanya. "Hindi mangyayari 'yon!"
"Hindi mo ba naiisip na kung binigyan mo siya ng pagkakataon na makilala ka at makilala mo siya, baka hindi ako ang mahal mo ngayon?"
Bigla namang natahimik si Isaac sa sinabi niya. Pilit nitong pinipigilan ang paghikbi. Hindi naman niya magawang salubungin ang mga tingin nito.
"Mahal mo ba ako?"
Hindi naman niya alam kung bakit nagawa niyang tingnan ang asawa sa mata. Gusto niyang ikaila ang lungkot na nakikita niya sa mukha ni Isaac. Pakiramdam niya ay hindi niya dapat lumabas sa bibig niya ang huling sinabi pero hindi na niya kaya pang bawiin ang mga iyon.
"Minahal mo ba ako, Margaux?"
Kinapa niyabang sariling damdamin. Alam niya sa sarili niyang hindi niya kaya pang mawala ang asawa sa tabi niya pero hindi niya nagawang buuin iyon sa mga salita.
"Kung saka-sakali ba, ipaglalaban mo ako?"
Pinunasan niya ang mga pisnging basang-basa ng luha. Sinalubong niya ang mga mata ni Isaac na bakas ng pagmamakaawa.
"Sorry," nilakasan niya ang loob para masambit iyon. "Alam mo namang bata palang ako, duwag na ko. Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko. Ikaw pa kaya." At iniwan niya ito sa verandah mag-isa. Tulala. Pumasok siya sa loob ng kwarto at nagkulong magdamag.
At doon na sa isang unan niya binuhos ang lahat ng luhang kanina pa niya gustong ilabas.
BINABASA MO ANG
BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]
RomantiekAngel With A Shotgun Series #5: Margaux, The Lost Smile Margaux is diagnosed of gelotophobia; the fear of smile and laughter. Since her childhood days, she was afraid to play with her classmates and friends. She used to stay at home and never to com...