Chapter 29

3.4K 75 6
                                    

NAGISING SIYA na may humahalik sa kanyang pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at tumambad sa kanya ang alagang aso na si Peanut. Ngumiti siya at niyakap ito. Namiss niya ang alaga. Bigla naman itong bumaba ng higaan nang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Umupo siya nang makita ang kanyang ina.

"Good morning," bati niya rito.

Lumapit ito sa kanya at naupo sa gilid ng kanyang kama. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

Tinitigan niya ang ina at pilit na ngumiti. Hindi naman niya alam ang tamang isagot kaya nanatili na lamang siyang tahimik.

Hinawakan ng ina niya ang kanyang mg kamay. "Kumusta ang puso mo?"

Tuluyan nang nabura ang kanina'y pilit na ngiti lang. Hindi niya maiwaksi sa isip ang mukha ng asawa. Pilit niyang kinakapa ang sariling damdamin. Nangilid sa kanyang mga mata ang luha. Gusto niyang piliin ang pagmamahal para sa asawa pero nandoon sa isng sulok ng puso niya ang galit.

"He's the one who bullied me."

"Pero ginawa naman niya ang lahat para makabawi."

Napatigil naman siya sinabing iyon ng kanyang ina. Gusto niyang itanggi ang tumatakbo sa kanyang isip. "Alam niyo rin?"

Hinigpitan ng ina niya ang pagkakahawak sa mga kamay niya. "Dalawang linggo na ang nakakaraan, bumisita siya mag-isa. Kinausap niya kami ng ama mo. Inamin niya ang tungkol sa arrangement. Ang pagkakautang ng pamilya niya sa isnag businessman sa California." Huminto saglit ang ina niya at tinitigan siya sa mata. "Pati ang tungkol sa nangyari labinwalong taon na ang nakakalipas. Inamin niya sa amin na siya ang gumawa n'un sa'yo. Humingi siya ng tawad. He even kneeled at your father. At nakita ko naman ang sinseridad sa paghingi niya ng tawad. And I really see how he loves you so much."

Umiling-iling siya. "Nagsinungaling pa rin siya. Kailan niya balak sabihin?"

"Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon para sabihin sa'yo. Nangako naman siya sa amin na aaminin niya sa'yo nagkataon lang na natuklasan mo bago pa niya masabi."

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan ko matatanggap ng nangyari. Masakit lang malaman na nagsinungaling siya sa akin. At malamang sarili ko pang asawa ang gumawa n'un sa akin." Nag-isahang bumagsak ang mga luha niya.

Hinawakan ng ina niya ang kanyang pisngi. "Pero alam ko mahahanap mo rin ang kapatawaran sa puso mo. Alam kong mas mananaig ang pagmamahal ko sa kanya kaysa sa galit."

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Hinatid niya ng tingin ang ina hanggang sa pinto.

"Hihintayin ka namin ng ama mo. Sabay-sabah tayong mag-almusal."

Tumango-tango siya hanggang sa lumabas na ito ng kanyang kwarto. Bumaba na naman siya ng kanyang kama ngunit biglang napaupo ulit nang biglang umikot ng paningin niya. Napahawak siya sa kanyang sentido at hinilot-hilot iyon. Naramdman niyang humihilab ng tiyan niya at para siyang madudwal kaya mabilis na tumakbo siya sa kanyang comfort room at doon nilabas ang sama ng kanyang tiyan.

"Anong nangyayari sa'yo?"

Mabilis naman na hinugasan ang kanyang bibig at napaangat ng ulo. Nakita niya ang ina sa repleksyon ng salamin. Biglang lumihis ang takot sa kanyang mukha.

"Ma," tawag niya rito.

"Buntis ka?"

At biglang lumihis sa kanyang isipan ang gabing hinding-hindi niya malilimutan. Ang gabing pinagsaluhan nila ni Isaac ang isang masaya at mainit na gabi.

NASA HAPAGKAINAN na sila ng kanyang ina nang may biglang nagdoorbell. Bigla naman siyang binalot ng takot. Tumayo ang kanyang ina at sinenyasan siyang huwag ng tumayo. Pagbalik ng kanyang ina ay laking gulat niya nang makita ang bisita nila.

"Janelle?"

Pagkatapos nilang kumain ng almusal ay niyaya niya si Janelle sa verandah. Hindi naman niya alam ang sasabihin matapos ng nangyari isang linggo na ang nakakaraan.

"Isaac is too depressed now."

Bigla naman siyang nag-aalala sa asawa. Alam niyang masakit rin para sa asawa ang nangyari. Hindi naman niya alam ang sasabihin kaya nanatili siyang tahimik.

"Hindi ko man alam ang buong kwento, alam kong wala akong karapatang manghimasok sa relasyon niyo pero sana maayos niyo na ang problema. Nagpunta lang ako para kumustahin ka. Kahit ilang beses sinubukan ni Isaac pumunta ay lagi siyang pinipigilan ng mga magulang niya at sinasabing bigyan ka ng oras para makapag-isip."

Tumango-tango siya. Hindi rin naman niya alam ang gagawin kung sakali ngang dumating ang asawa niya.

"Sana mas mamayani ang pagmamahal mo sa kanya. 'Yung nangyari sa nakaraan, puwede niyong baguhin iyon sa kasalukuyan."

Bigla naman siyang natauhan sa sinabi ni Janelle. Ano ba talaga ang gusto niya? Ayaw na ba talaga niyang ayusin ang gusot nilang mag-asawa? Hahayaan na lang ba niya na magkaganoon ng relasyon nila?

"Actually, kasama ko si Ethan pero hindi na siya sumama dito sa loob. Naghihintay lang siya sa kotse." Niyakap siya ni Janelle. "Sana mapatawad mo na si Isaac bago pa siya tuluyang mabaliw at kailanganin niya rin ng psychiatrist."

BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon