Chapter 18

3K 62 5
                                    

PAGKATAPOS NG duty ng asawa niya sa St. Peter's Medical Center ay inaya siya nito na kumain sa labas. Wala naman siyang ibang alam na sagot kundi ang sumang-ayon sa gusto nito. Tinatahak na nila ang Quezon Avenue nang biglang tumunog ang cellphone ni Isaac. Pero dahil abala ito na magdrive ay hindi agad nito nasahot ang tawag. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at pasimpleng sinilip ang screen ng cellphone.

"Lolo mo tumatawag."

Napatingin naman siya sa asawa dahil sa sinabi nito. Hawak nito ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin. Namatay na ang tawag pero maya maya'y tumunog ulit ito.

"I-connect mo sa earpiece ko," sabay abot sa kanya ng cellphone at sinuot nito ang earpiece.

Siya na ang sumagot ng tawag saka iyon ni-connect sa bluetooth earpiece  ng asawa.

"Good evening, sir," bati ng asawa niya sa kausap sa kabilang linya. Hindi naman niya marinig ang boses ng lolo kaya nagawa na lamang niyang pagmasdan ang asawa at basahin ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nagdadrive po kasi ako. Kakain kami sa labas. Sinama ko po siya sa ospital kanina."

Kahit hindi naririnig ang lolo ay alam niyang kinakamusta siya nito base sa mga sagot ng asawa.

"Po?" may bakas ng pagtatakas sa boses ni Isaac. "Bukas?" bigla namang sumulyap sa kanya ang asawa pero binalik rin ang tingin sa windshield ng sasakyan. "Sige po. Okay po. Bye." Tinanggal ni Isaac ang earpiece at binalik sa lagayan nito.

Nakita naman niyang namatay na ang tawag sa screen ng cellphone. Inabot niya iyon pabalik sa asawa. Binalik naman iyon ni Isaac sa bulsa nito.

"Pinapapunta ako ng lolo mo sa Chen Group. Sa Makati?"

Tumango-tango lamang siya sa sinabi ni Isaac. Hindi rin naman niya alam ang dapat sabihin.

"Sama kita."

"Hindi na," tanggi niya. "Hindi ako kailangan ni lolo doon."

"Kailangan kita."

Hindi naman niya alam kung bakit bigla siyang natahimik sa sinabi ni Isaac. Seryoso lang naman itong nakatingin sa windshield nang sulyapan niya ito. "Sasabihin lang sa'yo nun 'yong parte natin sa kumpanya. Tsaka baka hindi mo naman maasikaso iyon. May trabaho ka na."

"Sa tingin mo kaya pipilitin niya akong magtrabaho sa kumpanya niyo?"

Umiling-iling siya. "Hindi naman siguro. Baka idagdag ka lang nun sa will and testament. Advance si lolo. Gusto nun laging nakaplano na ang lahat. Ikaw ang ipapangalan niya sa parte ko since ikaw ang asawa ko."

Nakita naman niyang kumurba ang mga labi ni Isaac pero hindi nakatingin sa kanya.

"Bakit?"

"Wala lang. You said I'm your husband. Good to hear. Sweet."

Bigla naman niyang naiba ang direksyon ng mga mata. Pakiramdam niya ay namumula na ang mga pisngi niya.

Limang minuto pa ang lumipas ay pinarada na ni Isaac ang kotse sa taoat ng isang restaurang along Quezon Avenue. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Isaac. Binuksan naman niya ang pinto pero bago pa siya makababa ay umikot naman ang asawa niya para pagbuksan siya.

"I want you to feel you are worth it all," anito habang nakangiti sa kanya nang makababa na siya ng kotse. Hinawakan naman siya nito sa bewang na medyo kinailang niya. Iginaya siya nito sa loob ng restautant. May sumalubong sa kanilang isang waiter.

"Any reservation, Sir?" ani ng waiter.

"For Mrs. Margaux Panganiban."

Napatingin naman siya kay Isaac sa binanggit nitong pangalan.

"Dito po tayo, Sir."

Sinundan nila ang waiter. Hindi naman niya maiwasang mapatingin sa mga kamay nilang makasaklob. Pakiramdam niya ay anumang oras ay sasabog na ang puso niya sa sobrang kilig na ginagawa sa kanya ng sariling asawa.

Dinala sila ng waiter sa pinakadulo ng restaurant kung saan kitang-kita nila sa salaming pader ang mga nagdadaang mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Avenue.

"Wait na lang po sa ni-reserve niyo. Hinahanda na po," ani ng waiter saka sila iniwan roon.

Hindi naman niya alam kung saan titingin dahil sa nakakailang na titig sa kanya ng asawa. Malawak ang ngiting ibinibigay nito sa kanya. Kagat-labing napatingin na lamang siya sa labas ng restaurant.

"Are you feeling better?" maya-maya'y putol ni Isaac sa pagkakailang niya.

"Medyo. Pero naiilang pa rin ako sa maraming tao."

"We need to start going out para masanay ka sa maraming tao. Tapos next time, makikihalubilo ka na sa iba para masanay ka."

Tumango-tango siya sa sinabi ni Isaac. Alam naman niyang part pa rin iyon ng therapy niya. Kahit na nakakangiti na siya ay ilang pa rin siyang makisalamuha sa ibang tao.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumalik na ang waiter dala ang mga pina-reserve ng asawa niya. Hindi niya maikakailang ngayon lang siya makakakain ng lutong-restaurant. Hindi siya lumalabas dati kahit pilitin pa siya ng mama niya. Napatitig naman siya sa mga hinain ng waiter. Hindi niya alam kung kaya nilang ubusin lahat iyon.

Nakita naman niyang hinihiwa ni Isaac ang steak sa malilit na piraso saka nilagay sa plato niya. Sinalinan rin nito ang baso niya ng wine.

"Konti lang. Tikman mo," anito.

Tumango-tango siya. Hindi naman niya alam kung anong dapat sabihin. Tinikman na lamang niya ang wine. Naramdaman niyang humagod ang mainit na likido sa kanyang lalamuna.

"Ako na ang uubos nito."

"Ang dami pa niyan," aniya. "Halos hindi nabawasan."

"Hindi ka puwedeng uminom ng marami. Mag-juice ka na lang."

Hindi naman niya alam kung bakit pakiramdam niya ay pinagbabawalan siya nito pero wala naman siyang magawa dahil utos ng asawa.

Pero nakangiti lang siya habang pinagsasaluhan ang mga pagkain. Kahit papaano, pakiramdam niya ay pinapahalagahan siya nito. And she even felt this sweet feeling from her husband. Even her heart is smiling.

First date with my husband.

BOOK 5: Margaux, The Lost Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon