Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)
by: Nayat
Chapter 23
Sa bar..
Ang ingay! Hindi kami masyado magkarinigan nina Raymar at Rukia. Medyo nababaguhan ako, ilang taon na kasi hindi ako pumasok sa ganitong lugar..
"Mare are you okay? Oh inum pa." tanung nya sabay abot sa akin ng alak.
"Sige lang mare, okay lang." ngiti kong sagot sabay inum ng alak.
A/n: ayaw ko mambanggit ng kung anu man inumin kc wla ako alam hehe.. Ndi kc ako palainum eh hahaha. Basta imagine nyo na lang ung nasa bar cla ha.
Lumipas ang ilang minuto, nakita naming umakyat sa mini stage ang host ng nasabing bar.
Hindi ko narinig kung ano ang sinasabi nya basta nalaman ko na lang nakatutok ang spotlight sa akin sabay naghiyawan ang lahat ng tao sa naturang bar.
"Huh! B-bakit?" lingon ko kay Rukia sa may kanan ko na nakakunot noo habang nasisilaw ako sa ilaw..
"Go na mare! Meron daw nagrequest na kumanta ka." sabi ni Rukia na time na yun katatapos lang ng banda na tumutugtog kanina.
"Request? S-sino?" nakakunot ko parin na tanong kaya bigla tuloy kinabahan. Ang tagal na kasi huling kumanta ako sa entablado nung Battle Of The Band namin 6 years ago.
"Eh basta meron nag-request. Sige na mare pagbigyan mo na. Gusto ko makita ang pinagyayabang sa akin ng babe ko ang galing mo daw kumanta hehe." sabi ni Rukia kaya napatitig ako kay Raymar na nakasimangot. Baka kasi sya ang may gawa nun. Alam na nga nya ayoko talaga kumanta ulit.
"Ang sama ng tingin mo sa akin ah. Hindi ako yon." sagot agad ni Raymar kahit hindi ko tinatanong. Alam nya agad pinagbibintangan ko sya.
Kaya napilit din nila ako tumayo sa kinauupuan ko para tumungo sa mini stage. Naghiyawan sila!
Pagtapak ko ng stage, ayun umalis ang vocalist ng banda na tutugtog sana. Pero yong mga kabanda nya andun pa din.
Nung una sobrang nahihiya ako. Nanginginig ako! Ang dami kasi memories pumapasok sa utak ko nung buhay na buhay pa ang banda namin. Kamusta na kaya sina Jenn at Sam?
Nakatayo na ako habang hawak ko ang Mic Stand. At inumpisahan na ng banda tumugtog. Ngayon ko lang naisip kung ano ba dapat ko ikakanta. Haizt! Shunga lang. Nakalimutan eh. Buti na lang alam ko kantahin yong tinugtog nila.
"Alaala, Alaala, Alaala
Araw-araw ay naghihintay sa'yo
Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo
Bawat alaala mo'y nagbabalik
Hindi pa rin malimot
Ang mga sandali"
Putapete! Sino ba poncio pilatong nag-request nito? Naku ah! May naaalala tuloy ako..
"Nagbabakasakali na
Muli kang magbalik
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling Lubusang nawala
Huwag naman sana
Cho:
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako Sinta"
Ayan! Hindi ko namalayan tumutulo na pala butil ng luha ko. Nakakainis naman kasi eh. Andaming alaala pumapasok sa isip ko. Lalo na si Callan. Oo! Sobrang namimiss ko na sya. Aaminin ko mahal na mahal ko pa rin sya. Hindi ko alam ano gagawin ko sa oras mag-krus ang landas namin dalawa.
"Takbo ng oras ay kay bagal antayin
Darating kaya?
Tanong ng aking isip
Nakatulala sa isang tabi
Hindi maisip kung ano ang gagawin
Nagbabakasakali na
Hindi pa huli
Sana nama'y iyong marinig
At kung sakaling
Lubusang nawala
Huwag naman sana
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako
Sayang naman kung mawalay pa
Tuluyan na bang mawawala?
Asahan mong maghihintay
Pa rin..."
Aminado ako umaasa parin ako na babalik sya sa buhay ko. Umaasa ako mahal parin nya ako. Aaminin ko patuloy parin ako naghihintay sa kanya. Kasi mahal na mahal ko pa rin sya.
Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy parin ako umaasa sa kanya. Kung bakit patuloy ako naghihintay.
Shemay naman kantang to. Akala ko okay na ako? Akala ko move on na ako? Putakte! Hindi pa pala? Naman eh.. Hindi paba to tapos? Kung hindi lang nakakahiya gusto ko na lumayas dito. Hindi ko na kaya eh. Nananariwa ang lahat eh. Kaya nasasaktan parin ako.
"Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako nag-iisa
Nasaan ka na ba?
Samahan mo naman ako Sinta"
Pagkatapos na pagkatapos ko kumanta, umalis na ako para pumunta sa kinaroroonan ng mag-asawa. Alam ko nag-aalala sila sa akin kaya tinanong ako agad ni Rukia.
"Mare okay ka lang?" pag-aalala ni Rukia. Si Raymar tahimik lang habang matamang nakatingin sa stage kung saan ako galing. Na nakakunot-noo! Kaya hindi ko na pinagkaabalahan lingunin ang tinitingnan nya. Gusto ko na kasi umuwe.
"Guys, okay lang ba mauna na ako umuwe sa inyo. Baka kasi hinahanap na ako ni Kayllan." sabi ko sa kanila.
"Mabuti pa nga Kayzee! Mahirap na?" simangot na sabi ni Raymar kaya nagtaka ako na parang galit sya.
"Oh sige. Mare, huwag kang iinum ah, juice lang pwede mung inumin." paalala ko naman kay Rukia.
Isinabit ko na ang bag ko at akmang tatalikod na ako ng biglang may kumanta na pamilyar sa akin ang boses. Nakatalikod kasi ako sa stage!
"Darlin' I can't explain
Where did we lose our way
Girl it's drivin' me insane
And I know I just need one more chance
To prove my love to you
If you come back to me I'll guarantee
That I'll never let you go
Chorus:
Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong
Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee
I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee"
Parang may nag-uutos sa akin lumingon kaya dahan-dahan ako lumingon sa kinaroroonan ng taong kumakanta sa stage.
Napatda ako sa nakita ko! Para ako nakakita ng multo! Hindi maaari to? Nananaginip ba ako? Parang ako hihimatayin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko hinihigop nya ang lakas ko sa klase ng pagtitig nya sa akin. Oo! Sa direksyon ko nakatitig si--- Callan..
Itutuloy..

BINABASA MO ANG
Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)
Teen FictionBachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story ) By: Nayat ~~~~~ Teaser.. ~~~~~ Alam nyo yong pakiramdam na subrang saya mo,kasama mo mga barkada mo,kabanda mo. Oo! May banda po kame magkakaibigan. Actually kwentong to, related lng sa mga kan...