Bachelor Girls Series 1: You and Me (Kayzee's Story)
By: Nayat
Chapter 19
Niyaya na ako ni Raymar umuwi para na daw makapagpahinga ako. At lumipas ang ilang minuto nasa bahay na ako.
"Sige na Kayzee magpahinga kana. Alam kong pagod kana. Bukas, daanan kita dito, mamasyal tayo." ngiti nyang sabi. Alam ko pilit ako pinasasaya ni Raymar pero hindi ko mapigilan ang maging malungkot at masaktan.
"Next time na lang Raymar, gusto ko muna mapag-isa." lungkot kong sabi at napabuntong hininga si Raymar sa sinabi ko.
Nakatitig sya sa akin, kita ko sa mga mata nya ang awa sa akin.
"Sige na Raymar, pasok na ako." sabay bukas ng gate.
Ayoko mona sya papasukin sa bahay, gusto ko muna mapag-isa. At basta ko na lang sya iniwan sa labas ng gate. Bastos na bata! Pero hindi ko na naiisip yun ng dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Pagpasok ko ng bahay, diretso agad ako sa kwarto at dun ako nilabas ang mga luha.
Sinubsob ko mukha ko sa unan at dun umiyak ako ng umiyak habang nakadapa ako sa kama ko.
Naaalala ko ang lahat ng masasayang araw namin ni Callan. Ang una naming pagkikita kung panu kami magbangayan.
Napapangiti ako pag naiisip ko yun. Ang pagnakaw nya ng first kiss ko, sobrang asar na nararamdaman ko time na yun. Pero parang wala lang sa kanya.
Ang mga surpresa nya nung naging kami na. Ang saya-saya namin. Pero bakit sa isang iglap nagbago sya. Hindi na ba ako mahalaga sa kanya? Hindi na ba nya ako mahal? Miss na miss ko na sya.. :'(
Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin. Sa amin ng magiging anak namin.
Bigla ako napabalikwas ng bangon at napaupo ng tuwid nang pumasok sa isip ko ang baby sa sinapupunan ko.
At hinimas ko ang aking tummy na maliit pa lang, hinipo ko ang tiyan ko.
"Oo nga pala, andito kapa baby ko. Tama! Makakaya natin to dalawa anak ko kahit wala na ang papa mo. Andito lang ako anak ko, hindi ka iiwan ni mama." iyak ko habang kinakausap ko ang nasa sinapupunan ko.
Patuloy parin ang iyak ko. Pasensya naman masakit lang eh. Hindi ko lang mapigilan ang masaktan. Ayoko ng ganito!
Sana pag-gising ko bukas wala na to. Sana hindi na masakit.
Maya-maya, narinig ko tunog ng phone ko.
'Cause it's you and me and all the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all other people
And i don't know why.
I can'tkeep my eyes off of you.'
Takte! Bakit ba napakamasokista ko. Sinasaktan na nga ako ni Callan pero bakit hindi ko pa pinapalitan tong tones ng phone ko. Haizt! Kelangan ko na to tanggalin dito. Baka katagalan to mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya.
Kinuha ko phone ko sa bag na katabi ko lang sa kama, tiningnan ko sino tumatawag.
"My god Kayzee! Where have you been? Bakit mo kami pinag-alala ng ganito? Are you okay." hindi pa ako nagsasalita yan na agad ang talak sa akin ni Sam pero ramdam ko yung pag-alala nya sa akin.
Hindi ako makapagsalita. Hikbi ko lang ang naririnig ni Sam.
"Girl, nasan ka ngayon? Please sabihin muna at ng mapuntahan ka namin." si Jenn, inagaw siguro ang phone kay Sam.
"Ahm.. I-im o-okay girls. Dont worry. A-andito na ako sa bahay. Hinatid ako ni Raymar kanina kaya okay lang ako." mahina kong sabi sa kanila.
"No girl! Your not okay kaya pupuntahan ka namin dyan." pagpipilit ni Jenn.
"Wag na Jenn, gabi na rin. Bukas na lang tayo magkita." pigil ko sa kanila.
"Are you sure? Oh sige, wala din naman tayo pasok bukas. Puntahan ka na lang namin dyan okay. Remember girl, andito lang kami ni Sam." sabi ni Jenn, i nod kahit hindi nya ako nakikita.
"I know! Thanks girl." at pagkatapos ng usapang yun binaba ko na ang phone.
Pagkababa ko ng phone, dumapa naman ako ulit para ipagpatuloy ang iyak ko. Hindi ko alam kong panu ko ihinto 'tong iyak ko. At hindi ko alam kung panu ko sasabihin kay Callan na mgkakaanak na kami. Kung tama bang sabihin ko pa to sa kanya? Panu kung hindi nya matanggap? Eh di mas lalo ako masaktan? Tama nang ako ang masaktan, wag lang ang baby ko.. :(
Si Kuya Chris panu ko 'to ipapaliwanag? Sina Jenn at Sam panu ko na din 'to sasabihin, nahihiya ako sa kanila?
Arghh! Ayoko mona mag-isip. Gusto ko na magpahinga..pagod na ako. Pagod na pagod na ako.
Raymar's Pov..
Hindi ko kaya tingnan ng nasasaktan si Kayzee, sobrang naaawa ako sa kanya. Hindi ko alam kung anu pa pwede kong gawin para lang hindi na sya nasasaktan ng ganyan.
Lalo na ngayon buntis pa naman sya. Gusto kong magalit kay Callan. Ganun na ba sya kawalang puso? Ano ba dahilan nya bakit nya sinasaktan si Kayzee? Akala ko ba mahal nya si Kayzee?
Kung alam ko lang gagaguhin nya si Kayzee, tinuloy ko na sana yung plano kong ligawan sya. Eh di sana kami na dapat.
Kung sa akin hindi sya masasaktan ng ganito. Subra ko sya mahal. Halos hinayaan ko sya maging masaya kay Callan sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Ang tagal kong nagtiis! Kahit masakit sa akin sa tuwing nakikita ko sila masaya ni Callan, hinahayaan ko dahil mahal ko sya.
Tapos, ganun lang ang gagawin ng tragis na yun >.< animales lang! Sarap magmura eh! Pasensya naman badterp talaga ako sa Callan na yan.
Ngayon, hindi ko na hahayaan makalapit-lapit pa sya kay Kayzee. Putragis lang! Tamaan talaga sya sa akin.
Hindi ako nagte-take advantage sa nangyayari kay Kayzee ngayon. Heto lang ang way para naman maiparamdam ko sa kanya kung gaanu ko sya kamahal. Diba ganun naman talaga tayo pag nagmamahal? Kung anu at sino pa sila tanggap natin sila. Lalo na ang baby tanggap ko.
Alam ko nung nasa rooftop kami ni Kayzee, sinundan kami ni Callan. Alam ko naman kahit ganun ginawa ni Callan ramdam ko mahal nya si Kayzee. Nakikita ko yun! Nasasaktan sya nung umiiyak si Kayzee, lalo na nung niyakap ko sya.
........
Nung hinatid ko si Kayzee sa kanila, gusto ko syang samahan pero kelangan nya mapag-isa kaya hinayaan ko na lang.
Sana matutunan na ako mahalin ni Kayzee.. Sana nga....
...tbc
BINABASA MO ANG
Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)
Ficțiune adolescențiBachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story ) By: Nayat ~~~~~ Teaser.. ~~~~~ Alam nyo yong pakiramdam na subrang saya mo,kasama mo mga barkada mo,kabanda mo. Oo! May banda po kame magkakaibigan. Actually kwentong to, related lng sa mga kan...