Chapter 28

2.6K 26 0
                                    

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

by: Nayat

Chapter 28

a/n: lilinawin ko lang dahil nalito ata ang tsaroterang admin kenth na to hahaha. Ung park kasi katabi lang sila sa school ng bata. At dahil wala mama nya dahil nasa ofiz eh ayun sya lang dun sa school dahil malapit lang din bahay nila. Ibig sabihin abot kamay lang ni Callan mg-ina nya hahaha. Ayan malinaw na ah.. :p

"Kaylla po." sabi nya.

Napangiti ako pagkarinig ko sa pangalan nya. Similar pa pala kami ng pangalan. Nakakatuwa naman batang 'to.

"Nasaan nga pala ang Mama at Papa mo? Bakit nag-iisa ka lang? Sinong susundo sayo?" pauwe na siguro sya dahil may dala dala syang stroller bag. Baka hinihintay nya lang dumating.

"Wala na po susundo sakin, malapit lang naman po bahay namin eh. Dyan lang po sa unahan. Si Mama po nasa office pa po yun. Si Papa naman po, nasa abroad daw po." pagkasabi nyang yun, nakita ko sa mga mata ng bata yung lungkot. At hindi ko maintindihan, parang piniga ang puso ko na para bang ako ang nasaktan para sa bata. Nayakap ko agad ang bata. Ewan ko kung bakit ko 'to ginawa. Grabe, ganito siguro pakiramdam ng may anak. Ang sarap pala. Sa pagyakap ko sa kanya, pakiramdam ko parang pinuno nya yung kakulangan sa buhay ko. Ang sarap sa pakiramdam totoo yun. Ang hirap ipaliwanag yung pakiramdam ng isang ama.

"Gusto mo My Princess ako muna ang Papa mo?" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun, siguro dahil sa magaan talaga ang loob ko sa kanya at sabik na din ako sa anak. Pagkasabi ko nun, kumalas sya sa yakap ko at nakita ko sa mukha nya yung saya.

At ang sayang yun na nakita ko para ako nasa alapaap. Ewan ko ba basta masaya ako. Nagniningning pa yung mga mata nya.

"O-opo, gustong gusto ko po P-papa." sa pagtawag nya sakin na Papa, parang gusto kong umiyak. Naiiyak ako sa tuwa.

Umabot na kami ng alas sinco. Naglaro pa kasi kami. Kaya nung alas 5 na hinatid ko na sya sa kanila. Nilakad lang namin papunta bahay nila. Totoo nga ang sabi nya na malapit lang ang kanila.

Nakakatuwa lang, ngayon lang ako sumaya ng ganito. Katulad ng naramdaman ko dati noong kami pa ni Kayzee. Siguro, kung hindi lang ako naging gago dati, baka kaedad ni Kaylla ang anak namin ni Kayzee. Tama, si Kayzee talaga ang gusto ko makasama habang buhay. Sya ang gusto ko magiging ina ng magiging mga anak ko. Nakakainis lang, bakit hindi nya ako hinintay.

"Dito na po tayo. Ayan po bahay namin." sabi ni Kaylla sabay hila sa kamay ko. Magkahawak kamay kasi kami habang naglalakad.

Binubuksan nya ang gate para pumasok kami pero hindi na ako pumasok, tumanggi ako

"Sige na po, pumasok na po kayo, baka andyan na po si Mama, ipapakilala ko po kita kay Mama." pagpipilit nya.

"Next time na lang My Princess ha, promise yan. Ang importante naihatid kita umuwe." tamang tama naman may lumabas na medyo katandaan na babae galing sa loob ng bahay.

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon