Chapter 9

2.6K 32 0
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story )
By: Nayat

Chapter 9

Para kame na-freeze sa kinatatayuan namin nung umalis na ang mga Mean Girls.

"A-ahm a-ayos lang ba kayo? Ano ba nangyari?" biglang salita ni Raymar sa likod naming tatlo at sabay kame napalingon sa kanya. "sino ba mga yon?" tanung nya habang dala-dala nya yong tray na may laman na inorder's nya para sa merienda namin.

Naawa tuloy ako kay Raymar! Cute pa naman nya hehe..

"Ah wala yon." sabi ko tapos umupo na lang kame.

"Alam nyo,asar talaga Mean Girls na yan. Arghh! Lalo na Melissa na yan. She's so mean talaga. Bagay nga sa kanila ang Mean Girls." sabi ni Sam habang pinaglalaruan ang straw sa softdrinks nya.

Kita ko talaga kay Sam ang asar sa Mean Girls na yon. At si Jenn,tahimik lang.

"Jenn,what happen?" tanung ko.

"Ahm..wala! Bilisan na natin baka ma-late pa tayo. Tsaka nakakahiya na kay Raymar. Naiistorbo na natin sya." malumanay na sabi ni Jenn sa amin.

"No! Okay lang yon Jenn. Ako nga ang dapat ang mahiya naistorbo ko pa ata kayo." sabi ni Raymar sabay ngiti at kamot sa batok.

Gesture na talaga ni Raymar ang kumamot sa batok pag nahihiya. Ano yan,may buni ba ang batok nya hahahaha... Pero infairness cute nya pag ganun sya.

After 1234567890 years,salamat naman natapos na din kame kumain. Nauna ng umalis sina Jenn at Sam dahil may klase pa sila..

Kame naman ni Raymar,sinama ko sya ng tambayan namin sa may tabi ng Library. May punong NARRA dun at sa ilalim may sementadong mesang nakapabilog sa puso pati na din upuan.

Bukod kasi sa Music Room at tinatambayan namin,dito din kame madalas tumatambay,wala kasi masyadong nagpupunta dun.

"Anung oras ba klase mo?" tanong ko sa kanya pag-kaupo namin sa may bench ng punong Narra.

"Ah! Ahm mamaya pang 11:30." sagot nyang nahihiya.

Hmm..taong to masyadong mahiyahin. Pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Uy! Wag kayo mag-isip ng kung anu-ano dyan ah.

Tingin ko naman kasi mabait sya eh. Wala lang,ramdam ko lang..

Pero napapaisip ako? Ano kaya problema ni Jenn? Bakit ganon na lang galit ni Melissa sa kanya? Tsaka yong binulong ni Melissa sa kanya na narinig ko? Anong ibig sabihin nun? Sinong nagbalik?

Si Jenn kasi may pagka-misteryosa yan eh. Masyadong malihim? Minsan lang magku-kwento yan sa personal nyang buhay?

Sabagay,huli lang ako na naging kaibigan nila. Si Sam ang bestfriend nun kaya baka si Sam ang may alam?

Hayyy...(buntong hininga) ano kaya nangyayari sa babaeng yon. Tapos si Sam may death threat pa? Anu to suspense story ang peg?

"Ang lalim naman nyan?" sabi ni Raymar,nakalimutan ko kasama ko pala taong to hehe!

"Ah..hehe! Wala naman,may iniisip lang. Oo nga pla,bakit ka pala nag-transfer dito?" tanung ko.

"Ah yon ba? Dito na kasi nakapagtrabaho pinsan kong babae. Si Ate Aiko,kaya ang gusto nya dito na ako mag-aaral. Sya na kasi nagpapaaral sa akin. Wala na kasi parents ko. Kaya ang laki ng utang na loob ko kay Ate Aiko." kwento nya sa akin.

"Ang bait naman nya noh? Sana katulad nya ang mapangasawa ng kuya ko. Sorry kung masyado ako matanung." hingi kung paumanhin sa kanya.

"Ok lang yon." ngiti nyang sabi sa akin. "bakit ilang taon na ba ang kuya mo?"

"Naku! Matanda na yon noh. Kaya nga kinukulit ko mag-asawa na. Ang bait din ng kuya ko. At ako talaga priority nya. Ang sabi nya kasi hanggat hindi pa ako tapos mag-aral hindi muna daw sya mag-aasawa. Asar talaga yon,pinalayas na nga sya ng calendar dahil sa edad nya. At saka kahit ganun yon,nagbabangayan kame subrang love ko yon? Ikaw anong kwentong Rebisco mo?" seryoso kong tanung.

Pagkatapos bigla na lang sya natawa sa sinabi ko.

"Hahahaha! Ikaw talaga." tawa nyang sabi.

Hmmm cute talaga ng isang to? Siguro may girlfriend na to? (bakit mag-aaplay ka kung sakali wala?) hehe! Sana....hahahaha!

Bigla na lang ako napatigil tumawa dahil tinititigan na pala nya ako.

"B-bakit Raymar?" kaba kong tanung. Bakit ganito makatitig to.

"H-ha! W-wala" hiya nyang sabi. "agmgjpdgagt mo kasi." bulong nya.

Ha! Hanu daw? -.-

"H-ha?! May sinasabi ka?" tanung ko kasi naman hindi ko naintindihan yong huling sinabi nya.

"Ah wala!" sabi nya.

And meron syang kinuha sa kanyang bag..

Ipod pala at saka headset.

"Habang wala pa tayo prof soundtrip mode muna tayo. Pakinggan mo tong kanta. Gusto ko kasi." at binigay sa akin isang pares nung headset at nilagay ko sa kanang tenga ko habang yong isa nasa kaliwang tenga nya.

SUPERHUMAN by Chris brown ang nakasalang sa ipod nya.

Raymar:
Weak
I had been crying and crying for weaks
How'd i survive when i could barely speaks?
Barely eat,on my knees

Ang cute naman ng boses nya. Tapos sinabayan ko sya kumanta.

Me:
But that's the moment you came to me
I dont know what your love has done to me
Think im invicible
I see through the me I used to be.

You change my whole life
Don't know what you're doing to me with your love.

Im feeling all superhuman you did this to me
A superhuman heart beats in me
Nothing can stop me here with you...

...
After ko lng kantahin part na yon,bigla na lang may humila ng braso ko at napatayo ako agad.

Namalayan ko na lang may kumaladkad na sa akin.

'Putek naman! Sino ba-' napatitig ako sa taong kumakaladkad sa akin. Bigla naman bumilis tibok ng puso ko.

Sobra naman puso to? Kung makakakabog akala mo naman gusto nang kumawala sa kinalalagyan ah. Pusang gala naman oh!

"Ano naman bang problema mo?" sigaw ko kanya. Hindi ko alam kung saan nya ako
dadalhin ng mayabang na to. "bitiwan mo nga ako." pagkasabi kong yon,lumingon sya sa akin na nakasimangot.

Kita ko sa hitsura nya ang galit. Hmp! Bakit naman galit ang isang to?

Lechugas talaga! Kahit nakasimangot,ang pogi parin. Kahit saan mong anggulo tingnan ang pogi-pogi parin.

Haizt! Kayzee,tumigil kana,pogi nga,mayabang naman.

Siguro nung sumabog ang kayabang nung unang panahon,tulog ang lahat ng tao. At sya lang ang gising kaya nasalo nya lahat.

...itutuloy

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon