Chapter 12

2.4K 29 1
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story )
By: Nayat

Chapter 12

Ano ba? Antok dalawin mo naman ako. Gusto ko ng matulog. Nakakaasar talaga bwisit na yon eh >.< .

Paano naman ako hindi makatulog eh hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina.

Arrghhh! Asar ka talagang lalaki ka. Ano ba?

Pabiling-biling ako sa aking kama. Andun na yong takpan ko ng unan ang aking mukha. Andun na yong dadapa ako. Pagkatapos hihiga naman ako.

Argh! Hindi ako makatulog ng dahil sa lalaki na yon. At buong buhay ko ngayon pa nangyari sa akin to.

Langya talaga!

Paulit-ulit nagsi-sink-in sa utak ko ang sinabi nia..

"Girlfriend na kita ngayon."

"Girlfriend na kita ngayon."

"Girlfriend na kita ngayon."

"Girlfriend na kita ngayon."

"Girlfriend na kita ngayon."

"Argh! Anu ba? Peste ka talagang Callan ka? Anung girlfriend pinagsasabi mo dyan? Ninakaw mo ang first kiss ko. At porket ginawa mo yon girlfriend mo na ako. Kapal mo talaga Callan! Hmp! Kulang pa yong sapak na binigay ko sayo." kausap ko sa sarili ko habang nakadapa ako sa aking kama.

FLASHBACK..

"Girlfriend na kita ngayon." ngisi nyang sabi.

Napanganga ako sa nangyari?

Anyare????

Hinalikan ako ng kulugo na to sa harap ng marameng tao. Tapos girlfriend na nya ako.

Arrrgghhh! Nahimasmasan ako sa nangyari kaya ang ginawa ko,pinuntahan ko kaya dahil nakatalikod sya medyo kalayuan sa akin. Hindi ko alam anong ginagawa nya,basta pinuntahan ko sya.

Paglapit ko sa kanya,kinalabit ko sya sa kanyang balikat at pagharap nya.

BOOOOGGGSSS!

Pinasalubungan ko sya ng aking kamao.

Oo! Tama kayo! Sinapak ko lang naman sya!!

Pagkasapak ko sa kanya. Wala ma akong sinabi. Basta ang gusto ko lang makalayo sa kanya. Kaya tinalikuran ko sya agad.

Hindi ko na alam kong anong nangyari sa kanya at wala na ako pakialam dun. Hmp!

Grabe kasi galit ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nang sumabog!!

Alam nyo yong pakiramdam na parang may bumubugang usok sa magkabilang tenga ko,na parang tren kung tumunog! Grrrrrrrr!!! .

Nang medyo nakalayo ako sa kanya. Saka ko naman naramdaman ang sakit ng aking kamao dahil sa pagsapak ko sa kanya. Sigurado ko may Black-eye na yon.

Kapal ng mukha nya halikan ako! At mas lalo na sabihing girlfriend nya ako. Neknek nya! Hindi pa nga nanliligaw minamanyak na ako.

"Ouchh! Ang tigas talaga ng mukha nun! Ang sakit ng kamay ko ah." kausap ko sa sarili ko habang hinihipo ko ang kamay ko sa sobrang sakit.

At nasa labas na ako ng amusement park. Nag-aabang ako ng jeep pauwi sa bahay. Hindi na ako papasok sa school,wala na akong gana.

Pag heto bumagsak ako ng dahil sa kulugo na yon. Humanda talaga sya sa akin.

_END OF FLASHBACK_

< Raymar's POV >

Yehey!! May POV din ako. Salamat Author. Idol talaga kita nyahaha! ^__^.

Napanganga ako sa nangyari. Nabigla na lang ako ng may humila at kumaladkad kay Kayzee.

Sino ba yon? Boyfriend ba nya? Kasi kita ko sa mukha ng lalaki na yon ang selos.

Taena! May boyfriend na pala ang crush ko . Sayang naman..

Umalis na lang ako sa tinambayan namin ni Kayzee.

Punta na ako ng classroom ko dahil may klase pa ako nang makasalubong ko sina Jenn at Sam.

"Raymar si Kayzee? Diba magkasama kayo kanina?" tanung agad ni Sam.

"Hah! Ah- may humila sa kanya eh." sabi ko at react agad si Sam.

"What? May humila kay Kayzee! Naku Jenn,tawag tayo sa police station. Kinidnap si Kayzee." exag ni Sam.

"Hah! Si Kayzee kinidnap?" naguguluhan kong tanong? Anu bang pinagsasabi ng kikay na to? Sa tingin ko hindi naman at kinidnap si Kayzee eh?

"Oo! Diba may humila sa kanya at wala sya dito kaya kinidnap yon?" sabi nya,habang nakapameywang.

"Tingin ko,hindi naman ata? Baka boyfriend nya yon?" sabi ko.

"Ano ba hitsura?" malumanay na tanung ni Jenn. Nagsalita din ang pipi na to. Sya lang ata tahimik sa kanilang tatlo tsaka kanina pa to tahimik eh.

"Matangkad sya,maputi at chinito?" sagot ko. Yon kasi expression ko sa lalaking yon.

"Ahhh...baka si Kuya Callan yon?" sabi naman ni Sam.

"Kuya? Kuya mo sya?" taka kung tanong.

"Pinsan ko sya." ngiting sagot ni Sam.

Magtatanung pa sana ako nang biglang may lumapit sa amin na lalaki at babae. Couple siguro mga to. Kilala siguro nila Sam at Jenn.

"Hi Sam,hi Jenn. Nakita nyo ba si Callan?" tanung ni lalaki,may kasamang babae kung makakapit sa braso ni lalaki parang mawawala na.

Pero parang kilala ko tong si babae? Ahhh...sya yong kanina sa canteen may kasamang mga alipores. Sila ata yong Mean Girls. Heto pala yong nakaaway nina Kayzee kanina.

"Hindi nga eh,pero sabi nitong si Raymar,tinangay nya daw si Kayzee. Adik talaga si kuya. Ah Kell si Raymar pala ka-klase namin. Raymar,si Kell kaibigan ni Kuya Callan." pakilala ni Sam sa amin ni Kell at nakalimutan pa ata nya ipakilala sa akin tong kasama ni Kell na chicks.

"Tol.." sabi ko sabay kamustahan sa kamay at ganun din ginawa ni Kell sa akin.

"Tol,si Melissa nga pala kababata ko." pakilala ni Kell naman sa kasama nyang chicks.

At napansin ko lang ah,parang may something-something between tong girl na si Melissa,Kell at Jenn.

Hmmm..hindi kaya love triangle tong tatlo. Tsismoso rin ako noh hehe.. Hay naku,hindi ko dapat problemahin yon? Ang poproblemahin ko ngayon kung panu magiging akin si Kayzee? Wow ah! Desperado na? Nyahaha!

"Panu guys,mauna na kame ni Jenn,may date pa kasi tong si Jenn. Alam nyo na kelangan nya ng beauty rest hehehe!" biglang paalam ni Sam at nakita ko sa hitsura ni Kell ang galit o selos nang banggitin ni Sam yong date ni Jenn.

"Sabay na tayo girls. May klase pa ako." sabi ko sa dalawa. "sige tol una na ako. It's nice to meet you Melissa." pagpapatuloy ko,sabay ngiti kay Melissa.

Nagpa-cute naman ang Melissa na to. At ayon,umalis na kameng tatlo.

"Argh! Nakaka-bwisit talaga Melissa na yan? Kung makakapit kay Kell akala mo naman mawawala ang tao. Asar sya." inis na sabi ni Sam sa amin. Ako,tahimik lang. Si Jenn,hindi na nagsasalita. Nakatungo lang ang ulo habang naglalakad kame. Halata sa kanya ang lungkot. "sa tingin mo girl,sila ba talaga ni Kell? Kita mo nga pinapakilala sya ni Kell kababata lang. So ibig sabihin hindi sila.." lingon ni Sam kay Jenn.

"Sam,hayaan mona?" sagot na lang ni Jenn,pero nakikita parin sa mukha nya ang lungkot. "nakakahiya na kay Raymar,kung anu-ano naririnig nya sa atin." pagpapatuloy nya.

"Ah ok lang yon Jenn,hindi naman to makakalabas eh." sabat ko sabay ngiti.

"Hindi ka naman tsismoso diba?" taray ni Sam with taas kilay.

"Sam- tama na!" si Jenn.

"Okay-okay im sorry. Sorry din Raymar,pasensya kana.." hingi nyang paumanhin. "saan na kaya dinala ni Kuya Callan si Kayzee?" pag-iiba na lang ni Sam.

"Ewan ko. Tara uwe na lang tayo." sabi ni Jenn.

"Uuwe? Eh diba may date ka pa?" si Sam.

"Wag na! Tinamad na ako." si Jenn.

"Eh hindi pwede! Ano kaba naman girl,kelangan mo ng boylet noh? Sige na,ipush mo na yan?" sabi ni Sam.

"Kung makapagsalita ka akala mo naman may boyfriend ka." si Jenn.

"Atleast may crush ako hehe." si Sam sabay kilig.

Hetong dalawa na to kung mag-usap parang hindi nila ako kasama. Nagiging tsismoso na tuloy ako hehe.

Ayon! Nagkanya-kanya na lang kame,hanggang sa mag-uwean na..

Itutuloy....

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon