Chapter 25

2.6K 27 1
                                    

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

By: Nayat

Chapter 25

FLASHBACK..

Nasa bar kami ngayon ni Kell para pagusapan ang meeting namin ng isang Achitect sa Monday. Ewan ko ano trip ng isang ng isang to kung bakit dito pa namin kelangan pumunta.

"Alam mo pre, hindi ko maintindihan kelangan dito pa natin pagusapan yung meeting ko sa Monday. Pwede naman sa office o sa bahay." pagtataka ko.

"Huwag ka na nga magreklamo pare, eh sa gusto ko lang pumunta dito." dahilan nya sabay inom ng alak.

"Pustahan tayo, may problema ka?"

"Ayan na namang pustahan na yan? Kada marinig ko yan naaalala ko tuloy yung time na galit na galit sa akin si Jenn."

"Eh ikaw naman kasi 'tong gago. Akalain mo ba naman pumayag ka makipagpustahan kina James at Ram. Alam mo namang dalawang ugok na yun walang magawa sa buhay."

"O sige na, sige na! Kasalanan ko na talaga yun. Maginuman na lang tayo pare!" sabay tinaas nya ang boteng hawak nya para icheers sa alak na iniinom ko.

"May problema ka nga? Ano naman kaya ang problema ng isang Married man na si Engr. Mikell Bautista." pang-aalaska ko sa kanya.

"Si Jenn kasi pare, parati na lang galit sakin. Hindi ko sya maintindihan. My time na, gustong gusto nya ako makita. Ang gusto nya nasa tabi nya lang ako. My time naman kahit amoy ko ayaw nya maamoy. Ang labo talaga nya." pagsusumbong nya.

"Eh baka naman buntis ulit yang si Jenn. Inaaraw araw mo kasi, dapat nagpapahinga din kayo. HAHAHAHA!!"

"Gago!!!" sabay suntok nya sa braso ko pero yung mahina lang.

Naguusap kami medyo malakas kasi nga nasa bar kami, ang ingay kaya hindi kami nagkakarinigan pag mahina lang boses namin, samahan pa ng banda sa stage kung saan merong kumakanta.

Habang nagiinuman kami ni Kell, bigla ako napalingon sa may likod ko, kung saan merong tatlong tao na magkasama sa isang mesa. Isang lalaki na pamilyar sa akin at dalawang babae.

Bumilis tibok ng puso ko nang maaninag ko ang isang babae na kasama nila. Hindi ako pedeng magkamali? Sya nga yun? Ang tagal tinititigan ko lang sya. Gusto ko syang lapitan. Gustong gusto ko sya yakapin ng mahigpit. Naiiyak na ako sa tuwa dahil after a long years, nakita ko rin sya. Alam ko para na akong bakla, masisisi nyo ba ako? Ilang taon hinanap ko lang sya. Oo, tama kayo ng nabasa hinanap ko sya simula nung umalis na sya. Kung saang sulok ng pilipinas na ako nagpupupunta. Nagbabakasakaling mahanap ko sya.

Pagkatapos kasi nung hindi sinasadyang pagkikita namin sa mall kasama si Adrianna. Hindi ko na sya masyadong nakikita. Pumapasok din sya sa klase, yun nga lang parang umiiwas na sya kahit na sa mga kaibigan nya. Parati na lang yung lalaking kayakap nya sa Battle Of The Band-- Raymar ata pangalan nun? Oo, sya lang parati ko nakikita na kasama nya. Kita ko sa mga mata nya yung sakit  nung time na iba ang sinabi ni Adrianna yung nasa mall kami. Gusto ko talaga sya nun yakapin para lang maibsan yung sakit na nararamdaman nya. Kasalanan ko talaga ang lahat ng 'to.

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon