Chapter 24

2.4K 29 0
                                    

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)
By: Nayat

Chapter 24

Unti unti bumubuhos ang aking luha habang nagkakatitigan kami.

Habang nakanta sya, papalapit ng papalapit naman sya sa deriksyon ko. Promise hindi ko mapigilan sarili ko ang hindi umiyak. Ang tagal! Ang tagal ko sya hindi nakita. Ang tagal hindi ko sya nasilayan. Ang tagal hindi ko sya nayakap, nahaplos. Ang tagal hindi ko sya nahalikan. All this years, hindi parin nagbago ang damdamin ko sa kanya.

Yung hikbi at iyak na nangyayari sa akin hagulhol na! Naman eh! Hindi ko kasi mapigilan eh.

Namalayan ko, nasa harap ko na pala sya. Nakita kong inangat nya kamay nya para haplosin ang mukha, sabay pinunasan nya ang mga patak ng luha ko. Nakikita ko sa mga mata nya ang luha!

Huh! Umiiyak din pala sya? Anong ibig sabihin nun?

"I- I miss you!" sabi nya habang nakatitig sya sa mga mata ko.

God! How I miss him too badly :'( ! Yung boses nya! Ang tagal! Ngayon ko lang narinig. Wala na ako pakelam sa mga nakapaligid sa amin. Basta ang alam ko kaming dalawa lang ang andito. Kaming dalawa lang ang tao sa lugar na to.

Iyak parin ako ng iyak! Gusto ko syang yakapin. Gusto ko ring sabihin namimiss ko din sya. Pero para ako itinulos sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Ang alam ko lang pedeng gawin sa mga oras na 'to ang umiyak habang nagkakatitigan kami.

Sa isang iglap! Bigla pumasok sa isip ko ang sakit na naramdaman ko dati. Ang dahilan ng lahat kung bakit patuloy parin ako nasasaktan sa loob ng ilang taon. Ngayon ko narealize, bilanggo parin ako ng nakaraan.

Nagbalik sakin ang lahat. Kung panu nya ako sinaktan ng sobra. Kung bakit ako lumayo. At nang lumayo ako, umaasa akong hahanapin nya ako pero nabalitaan ko ikakasal na sila ni Adrianna..

Sige nga! Sabihin nyo nga sakin, masisisi nyo ba ako kung bakit ganito nararamdaman ko ngayon?

Napalitan ng sakit yung nararamdaman ko na saya nung nakita ko sya. Tatangkain sana nya ako yakapin pero tinalikuran ko sya agad at lumakad paalis sa lugar na 'to.

Palabas na ako ng bar nang marinig ko ang pagtawag nya sa akin pero hindi ako lumilingon. Tuloy tuloy parin ang lakad ko.

Paglabas ko, sakto namang may paparating na taxi. Binuksan ko ang pintuan ng taxi nung tumapat na sya sa akin at mabilis na sana ako papasok ng may naramdaman akong humawak sa braso ko para pigilan..

"K-kayzee let's talk!" pigil nya sa akin at paglingon ko, sampal ang sinalubong ko sa kanya.

"B-bakit ka pa bumalik?" madiin kong sabi habang nagbabadya na naman malaglag luha ko. At saka ko na sya tuluyang tinalikuran.

Pagkapasok ko sinabi ko kay Manong driver kung saan nya ako ibababa. At saka ko itinuloy ang iyak ko.

Ang tanga-tanga ko talaga. Hindi ko akalain magpapakita ako ng kahinaan sa kanya. Sigurado ko nagtataka sa akin si Manong driver pero kasi naman hindi ko mapigilan eh.. Kababanggit ko lang hindi pa ako handang makaharap sya pero my God, bakit po ganun? Agad agad andidito na sya.

Sobrang nanginginig ang katawan ko. Walang mapaglagyan ang bilis ng tibok ng puso ko sa pagkita namin kanina.

Hindi ko akalain magkikita kami. Sa totoo lang, hindi pa ako handa malaman nya ang  tungkol sa anak namin. Natatakot ako kunin nya sa akin ang anak ko.

Teka lang, bakit kelangan ko matakot? Samantala pinabayaan na nya kami. And I'm sure naman meron na silang anak ni Adrianna.

"Maam, dito na po tayo." sabi ni Manong.

"Ah sige po, salamat po manong." at saka ako nagmamadaling bumaba ng taxi.

////

"Si Kayllan po Nana?" salubong ko kay Nana Bebe pagkapasok ko ng bahay.

"Ay anak, nakatulog na sya kakaantay sayo. Oh akala ko ba mamaya ka pa uuwe? Ang aga mo naman?" puna agad ni Nana sakin kaya pagkasabi nyang yun, niyakap ko sya habang naiiyak ako.

"May nangyari ba anak?"

"N-nay! A-akala ko okay na ako? P-pero bakit ang sakit sakit parin po?" hagulhol ko na, ewan ko ba? Alam ko, oa na talaga ako pero pakshet! Hindi parin talaga ako move-on kay Callan.

"Bakit anak? Nagkita na ba kayo ng tatay ni Kayllan?" tanung nya nung bumitaw sya sa yakap ko.

"Opo nay! Natatakot po ako malaman nya tungkol kay Kayllan. Nay, ano na pong gagawin ko ngayong andito na sya? Ayaw ko po mawala sa akin ang anak ko, huhuhu! Natatakot po ako nay." T.T

"Shhh...tama na anak! Tama na ha! Siguro ang dapat mong gawin Kayzee anak, pagusapan nyo ng maayos yan. Alam na ba nya tungkol kay Kayllan?" iling lang ang sagot ko.

........

Hating gabi na, hindi parin ako makatulog. Andito lang ako sa terrace ng kwarto ko, umiinom na mag-isa..

Hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina sa bar. Sa dinami-dami ng bar, bakit dun pa kami nagkita. Sa dinami-dami ng tao, bakit sya pa ang nakita ko. Iniiwas iwasan ko na nga yong lugar na alam ko may possibility na pagkikitaan namin, ayun nga nangyari na talaga.

I admit, i miss him talaga! I admit it, pagkakita ko sa kanya kanina, gusto ko sya yakapin ng mahigpit, gusto ko sya hawakan. Gusto ko damhin, haplosin yung mukha nya.

Damn him! Bakit sobrang mahal ko parin sya? Dapat magalit ako sa kanya sa panloloko nya sakin, pero bakit hindi ko kaya.

"Callan, I miss you...!"

////

Callan's pov

"Alam mo pare, tama na yan, lasing kana talaga." pagpipigil sa akin ni Kell.

"H-hende pha akho l-lashing pare. Ano ka ba? P-pagbigyan mona nga ako pare. Let's celebrate okay. D-dahil sa wakas nakita ko rin sya. Sa wakas nahanap ko rin sya. M-masaya lang ako pare hahaha!!"

"Oh sige kung talagang masaya ka, eh bakit parang naiiyak ka na dyan?" o sige na alam ko gay na gay pero tama si Kell naiiyak na talaga ako hindi ko alam kung sa saya ba dahil nakita ko na o sa sakit dahil sa galit na nakita ko sa mga mata nya.

"Hahahaha! Uminom ka na nga. Lahat na lang napapansin mo."

"Pare, pagdating kay Kayzee, kilala kita. Napakahina mo." sabi nya, sabagay tama sya. Sa totoo lang nasasaktan ako ngayon. Karma na 'to sakin. Sa ginawa ko kay Kayzee dati.

"Alam mo pare, mahal na mahal ko si Kayzee. Sobrang mahal ko sya. Gago kasi ako eh. Iniwan ko sya sa takot ko na saktan sya ng tang'nang Adrianna na yun. Sinira nya buhay ko pare. Nawala sakin ang babaeng pinakamamahal ko ng dahil lang sa lentek na pagmamahal nya sakin. Pero ngayon pare nahanap ko na sya. Hindi ako titigil hanggat hindi bumalik sakin si Kayzee.."

////

Fvck! Sakit ng ulo ko! Hayan! Maglalasing pa ako. Nasan na ba ako?

Andito na pala ako sa kwarto ko. Hinatid siguro ako ni Kell. Ang sakit parin ng ulo ko ng madagdagan dahil sa ingay ng phone ko.

"'Cause it's you and me and all of
the people with nothing to do
Nothing to lose
And it's you and me and all other people
And i don't know why.
I can't  keep my eyes off of you"

Oo na, sige na! Baduy na kung baduy. Eh sa yan ang gusto kong ringtone. Kasi pakiramdam ko kasama ko parin si Kayzee.

"Kuya totoo ba?" yan na agad ang bungad sa akin ni Sam pagkasagot ko ng phone.

"Ang alin?"

"Na nagkita na kayo ni Kayzee kagabi. My God kuya, sabihin mo sa akin kung saan dahil hahanapin ko sya para lang batukan ko ng malakas. Grabe! Hindi ba nya kami namimiss ni Jenn?" sabi nya, at kahit hindi ko nakikita alam ko umiiyak na tong pinsan ko.

"Dadalhin ko sya sa inyu, promise ko yan." yan na lang nasabi ko.

"Thank you kuya. By the way kuya, pede ba kayong sumama mamaya ni Kell kay Mark para magsukat."

"Sige. Pakisabi daanan na lang ako dito. Naiwan kasi kotse ko sa bar kagabi. At para madaanan ko na rin."

"Sure kuya." at saka na kami nagpaalam.

Ikakasal na kasi si Sam, kaya kami ni Kell kasama sa mga abay.

Pagkababa ko ng phone, naglalaro naman sa isip ko si Kayzee sa nangyaring pagkikita namin kagabi....

Itutuloy....

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon