Chapter 22

2.4K 28 4
                                    

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

by: Nayat

Chapter 22

6 years ago..

"Mama..." lingon ko sa batang tumatawag sa akin..

Nasa school ako ngaun. Hatid-sundo ko ang aking anak.. Oo tama kayo ng nabasa. Heto na ang anak ko. Isang napakagandang anak. Sobrang mabait at lambing nya.. Nasa Kinder Garden na sya ngayon..

Pagkalapit ni Kayllan sa akin, sinalubong ko sya ng mahigpit na yakap. Yumuko ako para

pumantay kaming dalawa.

"How's my baby?" ngiti kong tanung sa kanya.

"Look mama oh, ang sabi ni teacher ang galing-galing ko daw po kaya binigyan nya po ako ng star." pagmamalaki nya

sabay pakita dun sa star na nakadikit sa kaliwang dibdib nya.

"Wow! Talaga? Ang galing naman ng baby ko. Pahalik nga baby.." sabay pinugpog ko sya ng halik. At tawa ng tawa sya

dahil nakikiliti sya sa mga

pinaggagawa ko.

"Hehehe si Mama po talaga nakikiliti po ako eh hehehe." reklamo nya habang tumatawa sya.

"Eh kasi po nakakakigigil ang baby ko." sagot ko. "saan mo gustong pumunta baby? Dahil

 sa nakakuha ka ng star papasyal tayo ngayon, ok ba yun anak ko? Total wala ka na klase."

"Hmmmmm..." sabi nya habang nakalagay ang hintuturo sa may ulo nya na kunwari nag-iisip. "hmmm mama sa mall na lang po tayo. Bibili po ako ng gitara."

Nabigla ako sa sinabi nya.

Gitara? Saan to nalaman ng anak ko. Wala naman sya nakikitang gitara sa bahay. Simula nagkahiwalay kami ni --- hmm basta yon na yon hindi na ako humawak ng gitara.

"A-anak ko, saan mo nakita yang sinasabi mo?" gulat kong tanung.

"Hmm sa isang mama po. Nung nasa park po tayo mama, nung bumili ka ng makain natin diba po iniwan mo ako sabi mo babalikan mo po ako mama. Kaya ayun may nakita po akong mama na nag-gigitara po habang kumakanta." paliwanag nya sa akin. Etong anak ko parang hindi limang taon, ang tanda makipag-usap eh hehe.. "kaya ayun po pinanuod ko po sya at gusto ko po magkaroon ng ganun mama, sige na po mama ko.."

Ayan! Nagpapouty lips na sya. Pag ganito na ginagawa nya hindi ko sya mahindihan. Sa tuwing nag-pa-pouty lips sya naaalala ko tuloy si---

Nakakainis! Ayoko na sya

maalala eh..

"Are you sure baby ganun ang gusto mo? Pwede ka pa mamili ng kahit ano baby ko." paniniguro ko, baka kasi magbago pa isip niya. Ibang klaseng bata to, tulad nga ng sabi ko para syang matanda. Kung ano ang sinabi pinaninindigan nya.

"Eh mama yun po talaga ang gusto ko eh. Sige na po mama." paglalambing na nya sa akin. Hay naglalambing naman tong anak ko, alam nyang hindi ko sya mahindian. Pero nabigla ako sa sunod nyang sinabi---

"Kung ayaw nyo naman po ako bibilhan ng gitara, tawag nalang po tayo kay papa mama. Sige na po! Di po ba sa abroad marami po ganun?" bigla sumikdo ang puso ko sa sinabi nya. Nakaramdam naman ako ng sakit sa sinabi nya. Hindi ko alam hanggang kailan ko to mararamdaman. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago sa anak ko na hindi pa sya kilala ng papa nya.

Sinasabi ko kasi sa kanya nasa malayo ang papa nya kaya hindi sila nagkikita at nagkaka-usap. Nasasaktan kasi ako sa tuwing umuuwi syang umiiyak. At pag tinanung ko bat sya umiiyak. Parati daw sya binabully na wala daw sya papa.

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon