Chapter 7

3K 44 0
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You and Me ( Kayzee's Story )
By: Nayat

Chapter 7

< Callan's Pov >

"Tigilan mo nga ako Callan,kanina ka pa eh." inis nyang sabi sa akin at tuluyan nya ako tinalikuran.

Tsk! Tsk! Tsk! Napapailing na lang ako sa pagka-amazona ng babaeng yon. Habang lakad-takbo sya paalis ng lugar na to. Tinitingnan ko syang maigi..

Ibang klaseng babaeng sya? Simula nagkita at nagkakilala kame kanina. Aminado ako ang lakas ng atraksyon ko sa kanya.

Ang sarap nyang asarin. Gustong-gusto ko sya tingnan pag namumula na sya sa galit at tatarayan nya ako nyahaha! :D

What a day? Gusto ko ang araw na to simula nakilala ko sya.

Aaminin kong napapangiti nya ako at nakakalimutan ko ang problema ko..

Hayyy.... (buntong-hininga) bigla ko naman naiisip problema ko.

Pumasok na ako ng dressing room kung saan andun sina Sam at Jenn
.

"Hi Kuya.." bati ni Sam. Nag-nod ako.

"Saan pupunta si Kayzee?" tanung ko. Wala kasi ako idea saan pupunta yon at bakit nagmamadali.

"Uuwe na sya Kuya Callan." sagot ni Jenn.

"Ano?? Uuwe sya? Bakit nyo sya pinayagan umuweng mag-isa? Madaling araw na?" sabay tingin sa relo pagkatapos kong sabihin yon. Tinalikuran ko na sila at lumabas ako ng kwartong yon.

Hinabol ko sya hanggang sa labas. At nakita ko na lang si Kayzee kasasakay lang ng taxi. Pumunta ako agad ng parking lot kung saan nakagarahe ang kotse ko para sumakay at sundan ang taksing sinasakyan ni Kayzee..

Hindi ko maintindihan bakit ko sinasundan ang babae na yon? Basta ang alam ko,nag-aalala ako para sa kanya.

Madaling araw na kaya? At baka mamaya may mangyaring masama sa kanya at kung saan-saan sya dalhin ng taksing driver na yon..

Baka hindi sya makarating ng bahay nila. 'Hay napaparanoid na ako'.

Medyo may distansya pagitan ng kotse ko at ng taksing sinasakyan nya. Ayoko malaman nya sinusundan ko sya. Basta ang importante nasusundan ko sya.

Kung sakali may mangyari? Agad-agad ko sya matutulungan.

Pagkatapos ng mahigit tatlumpong minutong pagbibyahe. Nakita ko na lang pumasok ang taxi sa isang village. At nakita ko medyo di-kalayuan kung saan bumaba si Kayzee..

Nakita ko na rin pagpasok nya sa gate. Nakahinga ako ng malalim dahil nakauwe syang ligtas.

Pagpasok nya,nakita ko na lang pagsalubong sa kanya ng lalaki at ang pagyakapan nila..

May hitsura ang lalaki...

Sino sya?

Kaanu-ano ni Kayzee yon?

Bakit ganun sila magyakapan?

Asawa kaya yon ni Kayzee?

Asawa???

Imposible yon?? Wala sa hitsura nya ang may asawa?

Boyfriend kaya?

Imposible din. Kung boyfriend nya yon eh di sana sinundo nya si Kayzee sa Grilled Bar.

Haizt! Naguguluhan ako? Bakit ganito? Parang nalungkot ako sa nalaman ko.

Nang dahil sa nalaman ko,nagpasya na lang ako umuwe. Ang mahalaga,ligtas na syang nakauwe sa bahay kasama ang lalaking yon? Anu ba to? Bakit iba nararamdaman ko.

Pinaharurot ko ang aking kotse para makaalis na sa lugar na to.

< Kayzee's Pov >

Pagpasok ko ng gate. Nakasimangot na hitsura ni Kuya Chris ang nabungaran ko.

"Bakit ngayon ka lang?" hindi ko pinansin ang sinabi nya. Bagkus bigla ko na lang sya niyakap. At nabigla sya sa ginawa ko. "baby,bakit?" takang tanung nya.

At sa sinabi nyang yon bigla ko sya tinulak.

"Nakakainis ka naman kuya eh. Ilang beses ko ba sabihin sayo? Huwag mo ako tawagin ng ganyan." inis kong sabi.

"Hehehe! Ikaw naman baby? Masyodong mainitin yang ulo mo?" sabi nya sa akin sabay patong ng kanang kamay nya sa aking ulo,sabay hipo.

Haizt! Si Kuya talaga kahit kelan ginagawa akong bata.

"Nakakainis ka naman kasi eh." pagkatapos kung sabihin,nagulat kame ni Kuya kasi bigla na lang may humarorot na kotse. Nasa labas pa kasi kame ng bahay.

"Ha!" sabi ko,at saka lumingon sa kalsada sa labas ng aming gate. Nakaharap kasi ako kay kuya sa may pinto.

"Grabe namang driver yon? Parang galit sa mundo ah." sabi ni Kuya.

"Oo nga. Hmm tara na,pasok na tayo Kuya gusto ko nang magpahinga." sabi ko na lang.

"Nakapag-hapunan ka na ba?" tanung nya.

"Tapos na po Kuya." sabi ko habang papasok ng bahay. "mag-asawa ka na kasi Kuya. Tumatanda ka na eh. Katulad ngayon pag-ginagabi ako dapat may kasabay kang kumain."

"Andito na naman tayo! Alam mo naman hindi kita pwedeng pabayaan. Tsaka wala pa akong girlfriend." katwiran nya.

Ewan ko ba kay Kuya,nasa tamang edad na sya pero bakit ayaw pa nya mag-asawa. Ako na lang ang palagi nya dinadahilan. Iniisip ko tuloy parang kasalanan ko pa.

"Kuya! Hindi ko naman sinasabi porket mag-aasawa kana ay pabayaan mona ako. Ako pa yata ang dahilan kung bakit ka magpapakatandang binata eh. Tsaka nasa tamang edad kana Kuya. Huwag mo na ako alalahanin! Konte na lang makakatapos na ako." mahaba kong sabi.

"Teka lang ah? Bakit ba gustong-gusto mong mag-asawa na ako? Pinapaalis mo ba ako sa pamamahay na to. Ikaw ba Keanna Zandra magsabi ka ng totoo? May boyfriend ka na ba?" sabi nyang nakapameywang pa sa akin.

Napataas kanang kilay ko sa sinabi nya. Haizt! Si Kuya talaga? Hindi ba nya alam NBETWB ako. Meaning.. NO BOYFRIEND EVERSINCE THE WORLD BEGUN.

"Boyfriend?! Anung connect sa sinasabi kong pag-aasawa mo? Hay nako Kuya,ang slow mo talaga? Palibhasa matanda na? Hmp! Dyan ka na nga,antok na ako." at iniwan ko sya.

Hahaha..ang sama kong bta noh? Hay nako,ganyan na talaga kame ni Kuya Chris. Pero love ko yan kahit parati kame nagbabangayan. Panu naman kasi napakapasaway nya. Hahaha sya pa talaga ang pasaway ah!

"Aba'y salbaheng bata ka ah. Hoy! Kaya hindi pa ako mag-aasawa dahil BABY ka pa." sigaw na nya nung nasa may pintuan na ako ng aking kwarto habang binubuksan ko ang doorknob.

Humarap ako sa kanya ng nanlilisik ang aking mga mata dahil si sinabi nyang pagdidiin ng BABY. Si Kuya alam nya talaga kinagagalit ko yon.

"Ilang beses ko ba sabihin sayo Kuya hindi na ako BABY at dalaga na ako. Arghh! Sumasakit ulo ko sayo kuya. Mornights! Maaga pa pasok ko bukas. Hmpp!" sabay irap at tumalikod na ako para pumasok ng kwarto.

< Author's POV >

Samantala,pagkapasok ni Kayzee sa kwarto,tawa ng tawa si Chris. Ugali na talaga nyang asarin ang kanyang kapatid.

"Eto talagang batang to,hindi ko maintindihan ang ugali. Kaya nga sarap asarin hahaha.. Pinipilit pa ako mag-asawa. Saka na pagka-graduate nya at papakasalan ko na ang girlfriend ko. Shhh...wag kayo maingay ah. Hindi ko lang sinasabi sa kapatid ko meron na ako girlfriend. Baka mamaya nyan,malaman pa nya eh pwersahan pa nyang pakasalan ko hehehe... Nangako kasi ako sa sarili ko pati na rin sa parents namin na saka ako lalagay sa pag-aasawa (wag naman tahimik,hindi pa ako handa mamatay hahaha) pagkatapos nya mag-aral. Oh okay diba? Oh sya matulog na tayo. Kahit kayo rin na mga mambabasa matulog na rin kayo. Tulog-tulog din pag may time!hehe. Goodnights! Ay mali,mornights daw sabi ni Kayzee hehe zzzzzzz...

...itutuloy

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon