Chapter 29

2.7K 35 1
                                    

Bachelor Girl's Series 1: You And Me (Kayzee's Story)

by: Nayat

Chapter 29

Kayzee's pov

Andito kami ni Callan sa bakanteng lote kung saan magpapatayo ng building na Condominium.

Sinundo kasi nya ako sa office kanina, ngayong araw kasi namin uumpisahan puntahan ang lugar na pagtatayuan ng building. Ichecheck din kasi nya ang mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo.

Habang pinapakita ko kanya ang plano at nagpapaliwanag, hindi sya tumitigil sa kakatitig sakin. Kanina pa 'to eh. Kanina pa sinundo nya ako iba na ang aura nya.

Kaya habang nagpapaliwanag ako, bigla ba naman tumawa. Hindi ko nga alam kung nakikinig ba? Nakakainis, hindi sya nagseseryoso.

Naisip ko, hindi parin sya nagbabago. Wala sya sineseryoso sa lahat ng bagay. Ako pa seseryosohin nya eh kahit nga 'tong trabaho namin hindi seryoso.

"Alam mo, kung hindi mo sineseryoso ang trabahong 'to, pede ka ng umuwe. Marami pang Engr na pede pumalit sayo." galit kong sabi. Nakakainis na kasi eh, hindi sya nakikinig. Kung anu-ano naman kalokohan siguro ang iniisip nya.

Nabigla sya sa sinabi ko, para nga sya nataranta eh, kaya ang ginawa ko tumayo na lang ako para makaiwas. Hindi din naman sya nakikinig, hindi din sya seryoso. So dapat gawin ko na lang magisa yung parteng trabaho ko dito.

"Kayzee.." tawag nya sakin habang nakahawak sa braso ko.

"Kelan ka ba seseryoso? Wala ka nang ibang ginawa sakin kundi ang paglaruan ako." parang gusto ng tumulo luha ko sa pagkabanggit kong yun, buti na lang nakatalikod na ako sa kanya. Kaya pagkasabi kong yun, bumitaw na ako sa pagkakahawak nya sa braso ko at umalis na ako.

/////

Pagkatapos ko gawin kung ano ang dapat kong gawin sa loob ng comfort room. Nakaharap na ako sa salamin. Tinititigan ko mukha ko. Nakakainis lang kasi si Callan. Kaya siguro sinaktan nya ako dati kasi kahit kelan naman talaga hindi sya naging seryoso sakin. Laro lang ang lahat sa kanya. Shett lang, masakit parin eh. Nahihirapan na nga ako sa sitwasyon namin 'to dahil baka hindi ko mapigilan sarili ko eh bibigay na ako. Tapos lalo na kung araw-araw kami magkakasama. WTH!! Ano ba klaseng parusa 'to? At alam ko hindi din magtatagal malalaman at malalaman din nya about Kaylla.

Gusto ko na matapos 'tong project na 'to. Para hindi na kami magkita pa dalawa.

After kong magdrama sa loob ng comfort room, pinunasan ko mga butil ng luha ko. Comfort room na ginawa ko na atang shock absorber kasi sa tuwing umiiyak ako ng dahil kay Callan comfort room ang pinupuntahan ko. Sa kanya ako nagsusumbong. Wala naman kasi ako mapagsabihan ng nararamdaman ko eh. Ilang taon kinimkim ko lang yung sakit dito sa dibdib ko. Halos tumakas na ako sa sitwasyon dati makalaya lang sa sakit na naidulot nya sakin.

Nag-aayos na ako sa sarili ko, para hindi mahalatang umiiyak ako. Kaya nung okay na ako saka ako lumabas. Pagkalabas ko, nabungaran ko si Callan nakasandal malapit sa pintuan ng CR. Nakahalukipkip sya at seryosong nakatingin sakin.

Bachelor Girls Series 1: You And Me (Kayzee's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon