A/N: The full appearance of enchanted book, Enjoy!
Chapter 2: The Enchanted book
Ivan's P.O.V.
8:00 na ng umaga nang magising ako. Kumain ako ng almusal at bumalik na sa aking kwarto para tapusin ang binabasa kong libro nang maalala kong maglilinis nga pala ako ng basement mamaya.
Hinanap ko si mama para maitanong sa kanya kung itatapon ba ang lahat ng gamit sa basement pero wala siya. Siguro namamalengke Kaya bumalik nalang ako sa kwarto para maichat ang mga kaibigan ko sa Messenger.
Ivan: Uy guys.
Mia: Whyness?
Patricia: Why?
Kenn: ?
Carlo: Yow
Ivan: Pwede ba kayong pumunta rito sa bahay mamaya?
Patricia: Para saan?
Ivan: Magpapatulong sana ako na maglinis ng basement
Carlo: Busy ako eh 'di ako pwede.
Mia: Sorry Ivan, di rin me pwede baka, 'di ako payagan ni mommy.
Ivan: Sige naman na guys mabilis lang naman tayo dun eh pwede niyong kunin lahat ng magustuhan niyong gamit do'n. Tsaka libre ko narin meryenda niyo mamaya.
Kenn: anong oras ba?
Carlo: sige, baka naman magawa ko pa lahat ng gagawin ko mamaya.
Patricia: Oo ba, pero baka malate ako ha.
Mia: sige try ko magpaalam kay mommy! Teka, what time ba?
Ivan: Salamat guys! kita nalang tayo mamaya ng 2:00pm
(basta talaga pag libre parang mga nasapian sila eh hahaha)
Carlo: Hahaha sige! Mamaya nalang
Mia: Oki!
Patricia: See you!
Buti nalang talaga napapayag ko sila. nagbasa lang ako nang nagbasa at nagtanghalian ng alas dose at naghintay hanggang sa dumating sila.
Ano ba 'yan ang tagal nila! Chinat ko ulit sila
Ivan: Uy guys asan na kayo? Ang tagal niyo naman!
Patricia: Ito na papunta na ko riyan
Mia: Otw na 'ko tih.
Ivan: Ano kenn, pupunta ka ba?
Kenn: /*like
(Ang tahimik talaga ni Kenn, nagheart react nalang ako sa message niya kahit like lang)
Carlo: Otw na 'ko... sa cr hahahaha wait lang maliligo nako
Ivan: Ano bayan maliligo kapa? 'Wag na marurumihan ka rin naman sa basement eh hahahha bilisan mo ikaw nalang yung laging nal-late.
Carlo: Oo na bibilisan ko na!
Ivan: bilisan mo ha
Unang-una pumunta si Patricia sa bahay na sinundan naman nina Mia at Kenn. Si Carlo lang talaga ang pinakahuling pumunta.

YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...