Chapter 5: The Water Wizard
Patricia's P.O.V.
"Wow! Ang ganda pala ng Elemental world!" Pagkahanga ko dito nang makita ko ang buong paligid nito.
It is a beach. Napakainit at tila kumikinang ang pagkaasul-asul na dagat na tila isang jelly na nagsasayaw sa malawak na karagatan. isama mo pa ang napakamaaliwalas na kalangitan at mga ibong nagsasayawan at humuhuni ng papuri sa iyo bilang pagdating ko. Kumikinang ang mga buhangin rito na parang bituin sa kalangitan tuwing gabi paglalarawan ko sa lugar.
Ito na ba talaga ang elemental world? Napakaganda talaga ng lugar na 'to!
Muntik ko nang makalimutan ang paghahanap dahil sa ganda ng lugar.
Naghubad ako ng damit at magpapalit sana ng swimsuit nang may matandaan ako:
Wala naman pala akong pang swimming na dala!
Inilibot ko ang tingin ko at nang makita kong wala namang tao sa parte na to hinubad ko nalang ang shorts ko at itinira ang aking mga panloob.
Pero agad naman nagbago ang isip ko at ibinalik ang damit ko alam ko namang sexy ako at walang dapat ikahiya pero mahirap na haha.
"Napakalamig naman ng tubig samantalang sikat na sikat naman ang araw." reklamo ko nang ako'y sumugod sa dagat at lumangoy.
Napakasaya talaga ng araw na ito! Nagswimming ako hanggang tanghali at umalis sa dagat para mananghalian.
Bumalik rin agad ako sa dagat para makapagswimming at makapaglaro ulit.
I love water so much! bata palang ako ay mahilig na talaga akong lumangoy-langoy kahit hindi gaanong marunong kaya lagi akong nakatambay sa swimming pool namin.
Nagswimming ako maghapon pagkatapos ay nagpalit ng damit at nagpalipas ng gabi sa beach.
Nagising ako na halos matabunan ako ng mga buhangin.Napadura pa ako sa mga buhangin
Kadiri!
Kumain ako ng almusal at nagcellphone saglit kahit hindi ko ito magamit masyado dahil walang signal.
Nagpalit akong muli ng damit at naglaro sa dagat. Halos mangitim na ako dahil sa kakaswimming nito.
Habang naglalaro sa dagat, bigla ko nalang naisip ang tungkol sa powers daw na kailangan kong hanapin.
Pwede bang 'wag nalang?
Napa buntong hininga ako bago umahon sa dagat, nagpalit ng damit at kinuha ko na ang aking mga gamit para makapaghanap na.
Naghanap ako nang naghanap ng mga bagay na kakaiba na sakaling mahanapan ko ng aking kung ano man.
Inabot na ng tanghali ang aking paghahanap pero hindi ko parin mahanap 'yon kaya sumilong ako sa isa sa mga puno para makapagpahinga at makakain ng pananghalian.
Buti nalang talaga marami akong dalang pagkain. Good for two days.
Matapos makakain, Umalis na ako sa puno at nagpatuloy sa aking paghahanap.
Maghapon na akong naghahanap sa beach na ito ngunit wala pa rin akong makita kahit isa man lang na bagay na kakaiba.
Lagi akong tumitigil dito para makapagpahinga at nagpapahinga saglit bago maghanap muli.
Ginabi na ako sa paghahanap ngunit wala talaga man lang kahit isa ang aking nakita. Ang dagat, mga buhangin at ang mga puno lang ang aking nakikita.
Hay, suko na talaga ako. Hindi ko na mahahanap 'yon!
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...