Chapter 3: Portal to Elemental World
Ivan's P.O.V.
Napag desisyonan na naming kalimutan ang nangyare at pagkatapos ay umuwi na sila sa kani-kanilang bahay. At ako naman ay nagluluto ng mga pinamili ni mama para sa kakainin namin sa hapunan mamaya.
Pagkatapos namin kumain ay dumeretso na ako sa kwarto para matulog..
"Pakiusap, tulungan niyo kami." rinig ko na pagsusumamo ng isang matandang lalaki.
"Parang awa niyo na, kailangan namin kayo." pagtutuloy nito. Wala naman akong magawa kundi lumapit sa matanda at kausapin.
Teka, siya 'yung matandang hologram na nasa libro kanina!
"Bakit? Anong kailangan niyo?" Tanong ko.
"Unti unti nang nanganganib ang aming mundo dahil sa pagkawala ng limang salamangkero kaya kailangan namin kayo." natigilan naman ako sa sinabi nya.
Limang salamangkero? 'Wag mong sabihing totoo ang nakasulat sa libro?
"Saan ba kayo galing?"mahinahon ngunit kinakabahang tanong ko.
"Sa Elemental world." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Iho kailangan talaga namin ng tulong niyo." hindi ako nakasagot sa sinabi nya.
May kinuha syang pulang kwintas at ibinigay sa akin yun. Wala naman sa sarili kong tinanggap.
"Kakailanganin mo 'yan at siguraduhin mong 'wag itatanggal sa iyong leeg kundi mapapahamak ka. Isama mo ang iyong mga kaibigan at gawin ang sasabihin ko para maka punta sa Elemental world." Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.
"Pumunta kayo sa isang malawak na espasyo at basahin niyo ang nakasaad sa huling pahina ng libro ng eksaktong hatinggabi."
"Baka nagkakamali ka lang, tanda dahil iyon ang parte kung nasaan ang blankong pahina." Paliwanag ko pero binigyan nya lamang ako ng tipid na ngiti bago naglaho.
Napabalikwas ako sa aking kama at pinipilit na habulin ang aking paghinga. Ang weird ng nangyayari sa'kin nitong mga huling araw. Lagi nalang akong nagkakapanaginip ng hindi maipaliwanag na bagay.
Babalik na sana ako sa pagtulog nang may mapansin akong nakasabit sa aking leeg.
Ang pulang kwintas!
ito yung ibinigay sa akin nung matanda. Pero pa'no? Panaginip lang 'yon diba?
Mas bumilis pa ang tibok ng aking puso
Anong nangyayari?
Napapitlag ako nang biglang tumunog ang aking cellphone.
*Carlo started a video chat in mga mokong.
Agad ko iyong sinagot para tumigil iyon sa pagtunog dahil baka magising ang kapatid ko tsaka si mama.
Carlo: Guys, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko pero nanaginip ako tungkol sa elemental world and they give me this.
Yumuko siya para may kunin at bumungad sa amin ang brown na anklet sa kanyang kamay.
Mia: Ako rin mga te, may binigay sila sa'kin, eto oh.
Pinakita naman nya sa amin ang hikaw nya na may napakagandang diyamante na kulay lila.
Kenn: Ito sa'kin.
Pinakita naman sa amin ni kenn ang bracelet nya na kulay grey.
Patricia: Akin ang kyut oh.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...