Chapter 4

173 68 5
                                    

Chapter 4: The Fire Wizard

Ivan's P.O.V.

"Ow." ang sakit nang pagkakabagsak ko sa lupa.

Teka nandito na ba 'ko sa Elemental World?

Ako lang ang mag-isang nandito, wala ang mga kaibigan ko.

Nagkahiwa-hiwalay ba kami?

Tumingin ako sa buong paligid para makita ko talaga kung ito na ba ang Elemental World.

Maraming bato at sa 'di kalayuan, may malaking bulkan na tumutulo pa ang lava mula sa tuktok nito. Mukhang sasabog na ata ang bulkan.

Kaya pala init na init ako ngayon.

Elemental world ba talaga 'to?

"Patricia! Carlo! Mia! Kenn!"

Naglalakad-lakad ako para hanapin ang mga kaibigan ko at baka kung sakaling may makita man akong bagay na pagmumulan ng orb.

Tiningnan ko ulit ang libro sa bag.

Nagliliwanag ito.

Pagkalabas ko ng libro sa bag, kusang bumukas ito at may ipinakita sa akin sa isa sa mga pahina.

Nagliliwanag ang fire element.

Ano ibig sabihin nun?

Siguro sinasabi ng libro na 'yun ang dapat kong hanapin dito.

Kinuha ko ang compass sa bag ko ngunit wala rin itong kwenta dahil mukhang nagloloko ang compass, patuloy lang ang mga kamay nito sa pag-ikot parang trumpo.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad.

Halos isang oras na akong naglalakad pero wala akong makitang kahit ano. Mga puro bato lang na nagliliwanag dahil sa lava at ang higanteng bulkan lang ang nakikita ko.

Ano ba 'yan! Pa'no ko mahahanap ang kapangyarihang tinutukoy ng nasa libro kung hindi ako makakaalis sa lugar na ito.

Habang naglalakad, nakarating na ako malapit sa isang malaking gusali. Mukha siyang colliseum.

Pinuntahan ko ito at pumasok sa loob.

. . .

Someone's P.O.V.

Hindi ako makapaniwala na ang limang batang ito ang magliligtas sa buong elemental world ayon sa kagustuhan ng libro.

Habang tinitingnan ko ang propesiya, may nararamdaman akong naglalakad sa di kalayuan mula sa aking tirahan.

Nagulat ako nang makita ko ang unang bata sa propesiya.

Ang batang magmamana sa mga kapangyarihan ko, at higit sa lahat ang batang magiging bagong fire sorcerer.

Akmang susundan ko ang bata nang makita kong pumasok ang bata sa Great Colliseum of fire.

Bigla nalang akong kinabahan dito.

Dali-dali kong sinundan ang bata dahil pumunta siya sa isang lugar na kung saan maaaring mawakasan ang kaniyang buhay.

. . .

Ivan's P.O.V.

Napakadilim naman dito sa loob ng building na 'to.

Tumingin ako sa paligid ngunit mga upuan lang ang nakikita ko at ang pagkalaki-laking espasyo sa gitna na parang stadium.

kinuha ko ang flashlight sa aking bag.

Siguro may switch dito o kung ano man para magliwanag ang buong paligid.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now