Chapter 8

115 51 7
                                    

Chapter 8: The Earth Wizard

*Carlo's P.O.V.*

"Aw, sakit ng pagkakabagsak ko."

Mukhang nasa isang bundok ako dahil bihira lang akong makakita ng mga puno at puro bato lang ang nakikita ko.

Elemental world na ba 'to?

Bakit parang mukhang normal na mundo lang?

Inakyat ko pa ang bundok para makahanap ng kakaiba mang bagay na mahahanapan ko ng orb.

Naglakad-lakad ako para hanapin 'yon ngunit wala akong nakita.

Inabot na ako ng tanghali sa kakahanap sa orb ngunit wala akong nakita kaya naghanap nalang ako ng map-puwestuhan Para makapagtanghalian.

Gumawa ako ng tent, kumain at pumasok sa loob para makaidlip ng sandali.

Gumising ako at tinignan ang oras sa aking cellphone.

Alas tres na pala ng hapon.

Bumangon at lumabas ako sa tent para makapagligpit. Nilagay ko na ang nakatuping tent sa bag at isinakbit para makapaghanap ulit.

Sinubukan ko muling hanapin ang orb ngunit wala akong nakita.

Grabe! Walang katapusang easter hunt!

Parang unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa...

Inabutan ako ng gabi ngunit wala talaga akong mahanap.

Hay! suko na 'ko! Hindi ko na mahahanap 'yon kasi paano naman magkakaroon ng magical orb sa bundok na 'to.

Lala naman, insan.

Napanghinaan na 'ko ng loob dahil sa pagod na nararanasan ko.

Naghanap muli ako ng map-puwestuhan na matatatayuan ko ng tent.

Kinuha ko ang nakatuping tent sa bag at intinayo ito.

Naghanap na rin ako ng mga punong kahoy para makagawa ng apoy.

Gumawa ako ng bonfire at nagpadarang dito habang kumakain. Nagcellphone ako kahit walang signal hanggang sa mahila ng antok bago makatulog.

Nagising ako dahil nanginginig ang lupa mula sa kinahihigaan ko.

Bumangon ako at lumabas sa tent para malaman kung ano ang nangyayari.

Shit! Gagi!

May mga batong nahuhulog mula sa pinakatuktok ng bundok patungo sa'kin. Dali-dali kong Niligpit ang tent at nilagay sa bag bago tumakbo.

Carlo, takbo!

Tumakbo ako nang tumakbo ngunit sumusunod pa rin sa akin ang mga malalaking bato kaya kumanan ako ng takbo na dahilan ng pagkahulog ng mga bato sa bangin.

Woooh! Muntik na 'ko ro'n ah!

Tiningnan ko ang pinakatuktok ng Bundok kung saan nanggaling ang mga batong nahulog pababa.

Mukhang nandoon ang bagay na hinahanap ko.

Tinignan kong muli ang oras sa cellphone ko. Mag a-alas kwatro palang pala ng madaling araw.

Ang aga pa!

Nagsimula na akong maglakad at umakyat sa bundok.

Inabutan na ako ng umaga sa pag-akyat sa pinakatuktok ng bundok.

Grabe ang pagod!

Lala talaga, insan!

May nakita akong isang malaking kuweba rito na natatabunan ng maraming bato. Ito siguro ang dahilan kung bakit may mga bato na nahulog sa baba kaninang madaling araw.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now