Chapter 11

101 66 5
                                    

Chapter 11: Friendly Battle

Ivan's P.O.V.

Nagdadaldalan at nagtatawanan  sila Carlo, Mia, at Patricia habang naglalakad samantalang kaming dalawa ni Kenn ay tahimik na naglalakad at nakikinig sa usapan ng tatlo.

Hindi ako mapakali sa sinabi sa akin ng matandang lalaki tungkol sa propechy kuno bago ako nakarating dito.



*Flash back



Dinala ako ni tanda sa isang kakaibang kuweba at ngayon, nakaharap kami sa isang malaking pader na may nakaukit na iba't-ibang symbols at pictures.

Sinasabi niya sakin na ako ang pinakamalakas sa grupo dahil sa kapangyarihan at ability na aking nakuha sa Colliseum.

Kaya kong maging mas malakas at mas makapangyarihan sa tuwing akoy magagalit o magpapadala sa emosyon ko parang isang Rage Effect.

"Pero dahil sa ability na ito, sinasabi ng propesiya na maaari kang mawalan ng kontrol na maaaring ikapahamak ng iyong mga mahal sa buhay," pagbibigay-babala nito sa akin.



*End of Flash Back



Natatakot ako na baka sa ability na nakuha ko,maaring malagay sa alanganin ang aking mga kaibigan. 


*Fast Forward


Mahigit tatlong oras na kaming naglalakad sa kagubatan kaya mababakas sa aming lahat ang pagkapagod hangga't sa nagsalita na si Pat.

"Ano ba 'yan! pagod na 'ko, pahinga muna tayo guys," pagrereklamo nito.

"Ako nga eh gutom na gutom na, kain na rin muna tayo," pagrereklamo rin ni Carlo.

Pumwesto kami sa ilalim ng isa sa mga puno at naglatag ng malaking sapin bago namin nilagay ang mga pagkain at kumain.

Habang kumakain, naguusap-usap kami tungkol sa kung ano-anong bagay tulad nalang ng lugar na kung saan namin nakuha ang aming mga kapangyarihan at ang aming mga nakalaban bago namin nakuha ito.

Matapos kumain, niligpit namin ang aming mga pinagkainan at nilagay sa bag.

"Uy guys tara na, mahaba-haba pa lalakarin natin para lang  mahanap ang wizard na 'yon" pag-anyaya ko sa kanila.

Nagsimula na kaming maglakad nang bigla nalang akong hinawakan ni Pat sa braso.

"Sandali lang, bago tayo umalis ituro mo muna sa'min kung paano namin magagamit ang powers namin," sambit nito.

Napabuntong hininga ako. "Sa totoo lang, wala akong idea paano ko kayo tuturuan. Ni sarili kong powers, hindi ko pa gamay paano gamitin."

Naramdaman kong unti-unting bumubukas mag-isa ang bag ko na nakasakbit sa likod.

Unti-unting lumutang palabas ang enchanted book at pumunta sa gitna naming lima.

"Anong nangyayari?" halos sabay-sabay kaming napatanong.

Nanginginig ang libro at bigla na lamang itong nagliwanag.

Nahiwalay ang libro sa lima, tila nagkaroon ng limang libro sa harapan namin ngunit naging mas malilit na version siya.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now