Chapter 12

85 40 5
                                    

Chapter 12: Patricia

Ivan's P.O.V.

Dalawang araw rin ang nakalipas bago magising si Carlo dahil sa mga matinding sugat at pasa sa kanyang katawan.

Dahil sa aming laban,si Carlo ay nagkaroon ng maraming sugat sa braso at binti.Nagkaroon rin siya ng paso sa dibdib dahil sa init ng batong tumama sa kanya.
Habang ako ay nagkaroon rin ng maraming sugat at pasa sa braso,mukha at binti ngunit magaling na ngayon.

"Ah!"Daing ni Carlo nang subukan niyang umupo.

Inalalayan ko siyang umupo at inabutan ko ito ng tubig.

"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

"A-ayos lang ako" Pautal nitong sagot habang nakaiwas ng tingin sakin.

"Ayos lang eh kung makaasta ka diyan parang tinalo mo pa ang babaeng may mens hahaha" pagbibiro ko sa kanya ngunit hindi sapat para mapatawa siya at mapatingin sakin.

"W-wala lang,hindi ko lang akalain na dahil lang sa minaliit kita...mapapatay mo ako agad ng ganon ganon na lang"

Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinabi niya.

"Sorry,Nawala lang ako sa sarili non kaya nagawa ko yun" Pagpapaliwanag ko.

"Sorry na"

Hindi parin siya sumagot at tumingin sakin kaya sinubukan ko siyang kilitiin sa tagiliran na ikinatawa naman niya.

"Hahaha Oo na tama na! Hahaha nasasaktan ako may sugat diyan. Hahaha aray!"

Sa wakas at tumingin rin siya sakin ng nakangiti.

"So Ano? Bati na tayo?" Tanong ko.

Tumango na lamang siya at
nag apiran kami.

Habang nag-uusap at nagtatawanan kami ni Carlo,pumasok rin sa loob ng tent sina Mia,Patricia, at Kenn na nakangiti sa amin.

"Ayieee may bromance na nagaganap" Bungad ni Patricia.

"Yak may namumuo hahaha!" Pang-aasar ni Mia na ikinatawa naming lahat maliban kay Carlo na sinamaan lamang ito ng tingin.

"Ok na kayo? Ano bang ginagawa niyo dito?" Tanong ni Carlo habang nakakunot ang noo.

"Tapos nakong magluto.Kumain na tayo" Pag-aaya ni Mia.

"Sige susunod na lang kami" Tugon ni Carlo.

"Sumunod nalang kayo ha!" Sambit bi Patricia bago sila lumabas ng tent.

"Hindi ka pa pwedeng lumabas sariwa pa ang sugat mo" Pagtutol ko.

"Ok na nga ko ang kulet.Kaya ko nang tumayo at maglakad"

Tumayo ito at naglakad ngunit paika-ika ang paglalakad nito.Nababakas rin sa mukha nito ang sakit sa tuwing maglalakad ito kaya napailing nalang ako.

"Bahala ka ang tigas ng ulo mo" Napailing nalang ulit ako bago kami lumabas ng tent.

Nadatnan namin sina Mia,Patricia, at Kenn na nakapalibot sa bonfire kung saan may pagkaing nakasalang habang kumakain at nagtatawan.

Inalalayan ko si Carlo na umupo
at binigyan ko ito ng pagkain bago ako umupo at kumuha rin.

Habang kumakain nag-uusap at
nagtatawanan ang tatlo ngunit kaming dalawa ni Kenn ay tahimik lang na kumakain.

"Uy Ivan ang tahimik niyo naman diyan Sali naman kayo" Pag-aaya ni Patricia.

"Pano kami sasali eh di nga namin alam yung pinag-uusapan niyo" Sambit ko.

"Ay ganon?yung laban natin nung isang araw di nyo alam?" Tugon ni Patricia na ikinatingin ni Carlo.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now