Elementalist Adventurers is a work of ficton. Names, chacters, places, and events are all fictional.
Prologue:
Bagot na bagot ang makikita mo sa buong classroom namin kung iyong titignan.
Mga tulog, nagkwekwentuhan nang patago, nambubully ng kaklase at nanonood ng kung ano-anong kabalastugan.
Pero ako, nandito lang sa aking kinauupuan, ginagawa ang paborito kong pampalipas oras.
Pagbabasa ng libro.
Sa library, sa canteen, sa classroom mag-isa at sa bahay siyempre.
Hindi niyo ako makikitang natutulog hangga't di ko natatapos ang istorya.
Ito ang pagkatao ko.
Sa ngayon, binabasa ko ang isa sa mga paborito kong nobela.
Harry potter and the Order of the Phoenix.
Mahilig ako sa fantasy. Walang makakapigil sa aking matapos ang gusto kong basahin.
Maubos man ang pera ko ay binibili ko nang binibili ang mga libro ni harry potter mabasa at maprotektahan lang ito mula sa mga kaklase ko.
"Uy girl, tignan mo si Ivan. He's reading again."
"Oo nga eh, pogi sana kaso masyadong nerd. Yuck!"
Kahit naririnig ko ang kanilang bulong-bulungan ay nagpatuloy lamang ako sa pagbabasa.
Siguro nga isa akong geek o nerd, dahil ako lang sa aming klase ang may interes tungkol sa mga super powers at special abilities.
Isa lamang akong karaniwang mag-aaral na laging nabubulas dahil sa aking katangian.
Masaya at kuntento na ako sa ganitong buhay kung tutuusin.
Hanggang sa isang 'di inaasahang pangyayari ang bubulabog sa akin.
Natuklasan ang isang mundong hindi mapupuntahan ninuman dahil sa taglay nitong mahika, isang 'di mawaring mundo na tila mula sa ibang dimensiyon dahil sa paligid nitong nakabibighani.
Ngunit sa kabila ng taglay nitong kagandahan, ang mundong ito ay nanganganib na tanging kami ang magpapasya kung ililigtas namin ito o hindi.
Sa mundong puno ng hiwaga at magagandang likha, kakailanganin ko ng lakas ng loob at pakikisama para malaman ang mga misteryong nakakubli at matapos ang misyong naatasan.
Magagawa ko kaya at ng mga kaibigan ko ang misyong ito?
"Because it takes more than friendship to gain your trust."
Welcome to Elemental World!
Where every wonders that you see is not what you expected.
Will you be an Elementalist Adventurer?
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...