Chapter 13: Skrytorioss Kingdom
A/N:Sorry po kung ngayon lang ulit ako nagupdate,nasira kasi phone ko pero meron na kong cellphone sa wakas yey ksya asahan niyong lagi nakong makakapagupdate.
Skrytorioss also know as Assasins
Enjoy.
*Ivan's P.O.V.*
Patuloy naming sinusundan ang babae habang buhat buhat ko si Patricia na nasa malalim na pagkakatulog.
Mahigit isang oras narin naming sinusundan ang babae nang may matanaw kami sa di kalayuan na isang kaharian.
Hindi ito masyadong kalakihan tulad ng inaasahan kong mga napapanood ko sa tv. maliliit lamang ang mga pader nito at gawa lang ang mga ito sa kahoy. May dalawa ring tore dito na nakalagay sa bawat gilid ng kaharian.
Kinausap ng babae ang taong nagbabantay sa gate. Nang matapos ng kausapin ng babae ang nagbabantay,unti-unting nagbukas ang gate.
Kinuha ng babae sa akin si Patricia bago kami pumasok sa loob.
Nang makapasok na kami,agad kong napansin ang mga nagkalat na tent sa paligid. Marami ring mga tao ang nagsasanay na gumamit ng dagger at shuriken na halos makikita sa bawat gilid ng kaharian. May mga tao rin kaming nakakasalubong at napapatingin na mukhang nagtataka dahil ngayon lang nila kami nakita pero pagkatapos nun bigla rin silang iiwas ng tingin at babalik sa kani-kanilang mga gawain.
Sa di kalayuan, may natanaw kaming isang mas maganda at mas malaking tent kumpara sa ibang tent.
Pumasok ang babae sa tent habang buhat si Patricia. Sumenyas siya sa amin na sumunod sa kanya kaya pumasok na rin kami.
Napakaraming sandata sa loob ng tent tulad ng iba't-ibang klase ng dagger, shuriken at iba pang short range weapons.
At meron rin isang lalaki na mukhang nasa taong 40 na gulang na nakaupo sa harap namin.
"Ikaw Roxie kung sino-sinong tao ang pinapapunta mo sa kaharian ko" banggit ng matanda
"Hindi naman sa ganon pinuno, kailangan nila ang tulong natin dahil inatake sila ng isa sa mga kalaban natin at nakatulog pa ang isa sa kanila dahil sa lason ng ahas."
"Hmmm... Ganun ba? Kung hindi ako nagkakamali ay kampon ni Lexus ang mga yon dahil sa ahas na iyong nasambit"
"Opo pinuno, At mukhang maaaring matagalan pa magkamalay ang kanilang kasama kung hindi ito maaagapan agad" Dinig kong sambit nung babae na naging dahilan ng paglaki ng aking mga mata
"O sige, pahigain mo muna ang babaing iyan sa bakanteng kwarto" utos ng matanda at agad naman itong sinunod ng babae
"Hangga't hindi pa namin alam ang lunas sa lason ay tumuloy muna kayo sa kaharian namin para sa ikabubuti niyo" Saad nung ng matanda na tinanguan nalang namin bago lumabas ng tent.
Gumala gala muna kami sa kaharian para makapaglibot at nadaanan nanaman namin ang mga tauhan na nagsasanay gamit ang mga kutsilyo at iba pang weapons kaya pinuntahan namin ito para makita.
"Alam niyo ba ang tungkol sa limang maalamat na sandata?" Tanong ni Roxie.
"May idea ako tungkol sa sinasabi mo pero limitado lang ang alam namin" sensiryong sagot ko
"Ang limang maalamat na sandata ay ang mga sandata na ginamit ng mga dating tagapagligtas sa aming mundo. Dahil hinahanap ito ng mga kalaban ay napagdesisyunan nilang itago ang mga ito sa iba't-ibang lugar para maprotektahan ito.Tinago nila ang bawat sandata sa lahat ng mga kaharian kaya nasa amin ang isa sa mga yon." Mahabang kwento niya.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...