Chapter 1

473 78 71
                                    

Chapter 1: Dream

Ivan's P.O.V.

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking mga balat.

Kay sarap pagmasdan ng mga puno at halamang tila sumasayaw dahil sa mga hangin.

Kakaiba ang kapaligirang aking nasisilayan ngayon. Ang puno ay nagliliwanag na akala mo ay christmas tree gawa ng mga libo-libong tila alitaptap.

May mga nakikita rin akong iba't-ibang kakaibang nilalang na hindi mo makikita sa isang normal na mundo.

Nasaan ako?

Kinikilabutan man pero naglakad-lakad ako para makaalis sa lugar na ito.

"Pakawalan niyo kami rito!" Sigaw ng isang pamilyar na boses na ikinatigil ko.

Teka, ang boses na iyon ay. . .

"Ang pinakamalakas na itinakdang magliligtas sa mundong ito ay nakagapos at hindi makawala sa isang simpleng spell, walang kwenta!" Tinig naman ng isang boses na tila nangmamaliit habang humahalakhak.

Kinilabutan ako sa narinig ko, parang may nangbababanta sa kanila.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses hanggang sa matanaw ko sa 'di kalayuan ang isang imahe na nakagapos at nagpupumiglas kasama ang kaniyang mga kaibigan habang nakaharap sa isang lalaki.

Tumakbo ako patungo sa mga nakagapos upang tulungan sila ngunit kahit anong gawin ko sa pagtakbo ay hindi ako makapunta patungo roon at mukhang mas lalo pa itong lumalayo sa akin.

Napayuko na lamang ako dahil sa pagod habang hinahabol ang hininga.

"Pakawalan mo sila! 'Di ba ako lang naman ang kailangan mo? Ano pang hinihintay mo? Kunin mo na ang kailangan mo sa'kin!"

"Hindi iyon ganon ganon nalang matapos ng lahat ng ginawa mo sa akin. At bilang ganti, uunahin kong tapusin ang iyong kaibigan."

Itinutok ng lalaki ang kaniyang palad sa pamilyar na imahe ng babae habang nagpupumiglas ang pamilyar na imahe ng lalaking nakagapos.

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sigaw ng pangalan ng isa sa mga taong importante at mahalaga sa akin

"Patricia!"


Napabalikwas ako sa kama dahil sa masama kong panaginip. Napa hawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang aking hininga.

Sobrang bilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Takot na baka mawala ang isa sa mga taong malapit sa'kin.

"Masamang panaginip lang 'yon, 'Di 'yon totoo." pagkukumbinsi ko sa sarili upang huminahon.

Elementalist AdventurersWhere stories live. Discover now