Chapter 7: The Training
Ivan's P.O.V.
Natutulog ako sa Tent nang bigla nalang akong ginising ni tanda.
"Tumayo kana riyan at may gagawin pa tayo."pag-uutos nito.
"Para saan naman?"tinatamad na tanong ko.
"Ito ang unang araw mo sa pagsasanay kung saan tuturuan kitang gumamit ng iyong kapangyarihan habang hindi pa nahahanap ng mga kaibigan mo ang kapangyarihan na para sa kanila." Mahabang litanya nito at bigla ko namang naalala sila.
"Ano po bang lagay nila?nakuha na po ba nila orb nila na para sa kanila?"sunod sunod na tanong ko.
"Nahanap na ng dalawa mo pang kasamahan ang kanilang kapangyarihan ngunit ang dalawa ay hindi pa."mahinahong sagot nito.
"Sino-sino po ba ang nakakuha na? at ano po ang nakuha nila?"
"Wag ka nang masyadong matanong dahil magkikita rin naman kayo kapag nakuha na ng dalawa mong kaibigan ang kani-kanilang kapangyarihan"sambit nito bago siya lumakad palayo.
Wala akong nagawa kundi bumangon sa aking higaan at nag-almusal bago ako lumabas sa tent.
Nang lumabas ako sa tent ay pinakuha sa akin ni tanda ang libro kaya bumalik ulit ako sa tent para kunin ito.
Ibinigay ko sa matanda ang enchanted book At binuklat niya ito sa pahina na kung nasaan ang mga magic spells sa bawat elemento.
"Ito ang iyong mga kapangyarihan." pagtuturo ng matandang lalaki sa pahina.
"Napakarami naman niyan!" pagrereklamo ko
"Hindi lang 'yan ang kailangan mong matutunan dahil kailangan mo ring matutunan kung paano maglaho para makapunta kahit saang lugar." Sambit niya.
Hay! Paniguradong mapapagod ako nito ng husto.
"O sige, magsimula muna tayo sa pinakamadali." naglabas siya ng isang kalaban na hindi gumagalaw at parang estatwa lang.
"Gawin mong muli ang ginawa mo dati sa trangkahan."
"Ang alin? 'yung fireball?" Pagtatanong ko.
"Oo." tipid nitong sagot.
Itinapat ko ang staff sa estatwa pero walang nangyari.
"Bata, tandaan mo; kapag nagpapalabas ka nang kapangyarihan ay hindi ito basta basta inuutos lang dahil kailangan mo ring isipin na magagawa mo."
Sinunod ko naman ang sinabi nya at may lumabas muling apoy sa staff na patungo sa kalaban.
"Yes! Nagawa ko!" Pagmamayabang ko.
Pero nang malapit nang tumama ang apoy sa estatwa, bigla na lamang itong bumalik at aakmang susugod ito sa akin.
Kumaripas ako ng takbo dahil baka masunog pa ang damit ko kung hindi ako tatakbo.
"Anong nangyari!? Tanda! Tulungan mo 'ko rito!" paghingi ko rin ng tulong dito.
"Mukhang mas mahirap ito kesa sa inaasahan ko." bulong nito pero umabot parin sa pandinig ko.
Patuloy ako sa pagtakbo dahil hinahabol pa rin ako ng apoy nang bigla nalang itong nawala. Siguro inalis ito ng matanda.
Habang ako'y bumabalik patungo sa istatwa at sa matanda nakita ko siyang mukhang dismayado sa nangyari.
"Hindi ba't nagawa mo na ito sa trangkahan?" tanong ng matanda.
Itinutok ko ang staff at may lumabas na apoy mula rito.
"Minsan, kahit hindi mo na kailangan sabihin ang mga magic spells ay lalabas pa rin ang kapangyarihan dito dahil iniisip mo ang gusto mong mangyari at mas mainam ito dahil hindi agad na malalaman ng iyong kalaban ang susunod mong atake."mahabang paliwanag nito
Sinubukan ko ang sinabi nya.
Apoy lumabas ka! Apoy lumabas ka!
Inuulit ulit ko ito hanggang sa may lumabas na apoy pero maliit lang.
"Kailangan mo pang magconcentrate"
Inisip ko nang inisip na may apoy na lumabas rito hanggang sa magawa ko.
"Magaling! magaling!" Paghanga ng matanda habang pumapalakapak pa.
"Nagawa mo ng tama ang isang simpleng spell sa loob ng isang oras!" Sarkastikong sambit nito.
Akala ko naman hinangaan na ako ng matandang ito pero nadismaya pa ito sa akin grabe!
Tsaka bakit parang ang bilis naman ata ng oras?
"Gawin na natin ang susunod na spell"
"Teka, pwedeng magpahinga muna tayo?" pagrereklamo ko.
"Sa tingin mo ba may magagawa ang pagrereklamo mo?!"
Hala mukhang nagalit na!
Tinikom ko nalang ang aking bibig dahil baka kung ano pang masabi ko na ikakagalit pa niya.
"Ang susunod mong gagawin ay ang pag gawa ng panangga gamit ng iyong kapangyarihan."
Hiniram ng matanda ang staff mula sa'kin at nagfocus siya bago may lumabas na malaking panangga sa braso niya na gawa sa apoy.
"Subukan mo." ibinigay naman nya sa akin ang staff at ginawa ko ito nang ginawa pero wala namang nangyari.
"Focus!"biglang sigaw nito na ikinatakot ko at sa isang iglap napalabas ko ang panangga na sinasabi nya.
"Good.ngayon naman ay kailangan mong magpalabas ng kapangyarihan galing sa iyong kamay dahil hindi lamang ang tungkod na iyan ang nagbibigay ng kapangyarihan mo kundi ang pulang kwintas na suot mo"mahabang litanya niya bago tumalikod.
"Kailangan sa pagpatak ng alas sais ay nagawa mo na ang ipinapagawa ko." pahabol nito bago tuluyang umalis.
At paano ko naman yon gagawin!?
Itinapat ko ang kamay ko sa estatwa sa harapan ko at inisip na may lalabas doon na apoy ngunit wala namang nangyayari.
Alas singko na at wala paring nangyayari. Teka baka naman linoloko lang ako nun?
napatigil ako Sa pagensayo nang may naramdaman akong gumagalaw at tunog ng dahon sa di kalayuan.
Inihanda ko ang sarili ko at pupuntahan sana iyon nang bigla akong tinawag ni tanda.
"Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sa iyo?" tanong nito at umiling lang ako bilang sagot.
May inilabas syang buhay na manok at inilapag ito.
"Alam kong nagugutom ka na kaya kailangan mo itong mahuli gamit ng iyong kapangyarihan na lalabas lamang sa iyong kamay at kapag hindi mo ito nagawa ay wala kang kakainin ngayong araw." muli siyang umalis at dahil naman sa sinabi nya tsaka ko lang naalala na hindi pa ako kumakain simula kanina kaya nakaramdam ako ng matinding gutom.
Napatingin ako sa paligid at nang hindi ko makita si tanda ay akmang kukunin ko na ang manok nang bigla syang sumulpot sa harap ko.
"Gusto ko na talagang kumain, pwedeng mamaya na 'to?" pagmamakaawa ko ngunit sinamaan nya lang ako ng tingin.
Sa inis ko ay bigla ko nalang naisip na patayin na yung manok nang bigla akong nakapaglabas ng spell na kung saan nahuli ang manok gamit ng isang kulungan na gawa sa apoy.
Napangiti naman ako sa nangyari dahil parang naiintindihan ko na paano gumawa ng spell. Ngayon pwede ko na itong lutuin.
Nagpahinga na kami pagkatapos kong kumain bago matulog.
'Di ko alam na ganito pala kasaya na magkaroon ng kapangyarihan at sana makita ko na ang aking mga kaibigan sa lalong madaling panahon.
YOU ARE READING
Elementalist Adventurers
FantasyFive normal students living in a normal world until they got a special quest to save an extraordinary magical world which is Elemental world. They need to find their powers and fight the dark wizard before it's too late. Will they take the risk for...