Yung lunch na plano naming dalawa naging early dinner. I overslept and when I woke up, It's already 6 in the evening. Paglabas ko ng kwarto nandoon na siya sa sala at nanonood ng tv. Akala ko nga hindi na kami tutuloy pero nakabihis na siya nang makita ko.
"So where do you like to eat?" Nagkibit balikat lang ako. Wala naman akong masiyadong alam na kainan dahil hindi naman ako mahilig lumabas. I'm used to eating cereals and noodles, kapag naman sinipagan ako nagluluto din ako pero sobrang bihira dahil wala naman ako sa bahay kadalasan.
We took the subway for us to get to downtown, isang sakay lang iyon at halos three minutes lang para makarating doon. It's one of the reasons why I love that apartment. Tipid sa pamasahe at hindi time consuming para sa kagaya ko na maraming part time jobs.
"You don't talk too much, do you?" Tinignan ko lang si Trei at umiling. Pasalamat nga siya sinasamahan ko siya ngayon, kung ako lang ang masusunod magkukulong lang ako sa kwarto. "Alright. Ako na ang bahala kung saan tayo kakain."
Hindi naman yata siya pipili ng mamahalin na kainan dahil wala pa siyang trabaho. Alangan gumastos siya ng mahal. Safe ako, hindi rin ako mapapagastos.
"What do you want to eat? Burger? Pizza?"
"Kahit ano." He sighed.
I stopped when he stopped walking at parang nanigas ang katawan ko nang makita kung nasaan kami ngayon. Jusko. Sa lahat ba naman ng titigilan namin bakit dito pa?
Naglakad na siya papasok pero hindi ako gumalaw. Parang napako ang paa ko habang nakatitig sa pintuan. Napansin niya yata na hindi ako sumunod kaya hunakbang siya pabalik sa akin.
"Let's eat here. I've tried their chicken and it's my favorite." Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin, then his forehead ceases. "Is there something wrong?"
"Uhh, pwede ba sa iba nalang tayo?" He was about to say something when the door suddenly opened and the person whom I dreaded to see walked out the exit. Nakangiti siya sa babaeng nakahawak sa braso niya at nagtatawanan sila. Parang may kumurot sa puso ko nang makita ang ganong eksena.
Sabi nila time heals all wounds pero bakit masakit parin? Ang tagal na pero hanggang ngayon nasasaktan parin ako.
His smile disappeared when he saw me. The same with the girl who's looking at me with full of disgust. Umiwas ako ng tingin. This is one of the reason why I hate passing this street, I hate how they look at me whenever they see me.
"What the hell are you doing here?" Zia said through greeted teeth. Hinawakan naman siya sa kamay ni Cole upang patigilin dahil mukhang may sasabihin pa ito. Zia shut her mouth and let out an angry sigh.
"Jude, what brings you here?" I looked up and met Cole's eyes. Those blue eyes that I used to stare at everyday.
Parang nawalan ako ng boses dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa ganitong sitwasyon. Ilang taon din akong umiwas na dumaan dito dahil kinatatakutan kong mangyari ang ganitong eksena. I bit my lip as I try to find the right words to say in this awkward situation.
"Jude? You know them?" Agad akong napatingin kay Trei. I just stare at him without knowing what to say or do. Paano kapag nalaman niya na ganong klaseng babae ako? I don't want him to look down on me. Then he smiled at me. Lumapit siya sa tabi ko at ipinalibot ang kamay sa balikat ko bago tumingin kina Zia at Cole. "Hi. I'm Terrence. Nice to meet you."
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
General FictionHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5