"Hoy, sure ka ba na okay ka lang diyan?" I looked up at Naya standing at my office door.
"Yes, I'm okay. Tatapusin ko lang itong mga inventory. Susunduin din ako ni Trei ngayon." She let out a malicious smile.
"Hoy, bawal mag sex dito, ah. Baka mamaya porke walang tao—Aray!" I rolled my eyes at her. Oa, tinapunan ko lang naman ng crumpled paper. Humagikhik siya habang nakatitig sa akin at hininaan ang boses para sa mga susunod na sinabi. "Pero okay lang naman. Kayo naman ang may-ari nitong lugar. Nakakakilig talaga kayo ni Doc!"
"Lumayas ka na nga." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Sige. Aalis na ako. Baka sakaling magka sex life din at mabuntis." Alam niya ata na hindi na papel ang ibabato ko sa kanya kaya naman tumakbo na siya paalis habang tumatawa. "Bye Jude! Happy sexy time!"
Naiiling na lang ako na ibinalik ang attention sa mga papel na nasa harap ko habang naghihintay sa text ni Trei. Nang makaramdam ako ng pangangalay sa likod saka ko lang din naisipan na tignan ang relo ko. It has been two hours. Kanina pa dapat nandito si Trei. Natapos ko na din gawin ang schedule ng mga employee para sa next month pero wala pa rin siya.
I took my phone and tried calling him but he's not answering which is very unusual. He usually answers my call within two rings and this is really making me worried.
"Mang Belen, nandiya po ba si Trei?" I asked as I called her phone. Baka kasi nakalimutan ni Trei na susunduin niya ako. Kakagaling niya lang sa duty kagabi at kanina lang din siyang umaga nakauwi, which means he was sleeping the whole day today. Maybe he overslept.
"Maam Jude? Wala na po si Doc. Kanina pa po siya umalis mga dalawang oras na." What I heard made my anxiety level increased.
What if he got into an accident on the way here? Bumilis lalo ang kabog sa dibdib ko sa kakaisip. Pero imposible naman di ba? Nasa kabilang building lang ang emergency room. Kung meron man, siguro naman tatawagan nila ako kaagad.
I took a couple of deep breath to relax myself and convinced myself that he is alright before I started reviewing the papers again.
I was about to get some papers when the glass of water on my desk suddenly fell. Bigla akong kinilabutan. My heart started to beat faster. Nakaramdam ako ng kaba.
I was staring at the broken glass when I heard a loud bang from outside the building. Tumayo na ako upang lumabas at tignan kung ano ang nangyari but the sudden ring of my telephone desk stopped me and I immediately grabbed it to answer.
"Maam Jude, may naghahanap po sa inyo dito sa information." Kumunot ang noo ko at nagtanong kung sino daw. "Asawa daw po ng pinsan mo. Nasa emergency daw po kasi yung pinsan mo."
I told them that I'm coming right away before I took my bag and literally ran towards the other building. Halos mag wala ang puso ko sa dibdib sa sobrang kaba. Siguradong si Kuya Demitri iyon dahil sigurado akong wala naman nang ibang asawa si Ate Jules.
"Where are they?" I asked the woman from the information. Sinabi niya sa akin na bumalik na daw sa emergency room si Kuya Demitri. Habang naglalakad ako nakita ko sa labas ng ER yung tatlong kalbo na body guard ni Ate Jules.
Halos mapangiti ako nang makita ko ang mga nag aalalang mukha nila. Agad silang tumayo ng tuwid nang makita ako at makalapit sa kanila.
"Ano pong nangyari?"
"Si Jules, e, manganganak nanaman yung batang yun." Balisang sagot ni Mang Inasal.
"Kambal pa naman." Dagdag ni Mang Juan. Oo nga pala, kabuwanan ngayon ni Ate Jules. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung anong emergency.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
Fiction généraleHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5