"Jude! Di ba close kayo ni Trei?" Sumulyap ako kay Clair nang lumapit siya habang naghuhugas ako ng mga pinggan. Isa siya sa mga Pilipino na katrabaho ko dito sa restaurant. "Crush ko kasi siya."
Parehas kaming napatingin kay Trei na nagmo-mop ng sahig. Halata na hindi talaga siya marunong ng nga ganitong bagay. Ang awkward niyang mag mop ng sahig. Napa-iling nalang ako. Siguro sunod sa luho ang taong to nung lumaki. Kawawang nilalang.
"Anong nagustuhan mo diyan?" Medyo sarcastic na tanong ko.
"Hindi mo ba makita? Aside from being good looking, he's also super kind." I snorted. Kind? Kung alam niya lang kung ano ang pakiramdam na kasama yang taong yan sa bahay.
"Di talaga kita ma-gets. Friends kayo, you even recommended him to the manager pero parang ayaw mo sa kanya." I glanced at her. "Or baka naman crush mo din?"
"Crush? Wag nalang. Kahit siya nalang ang lalaki sa mundo di ko siya magiging crush." Balewalang sabi ko habang nagpupunas ng plato.
"And why is that?"
"Ay kabayo!" Muntik ko nang mabitawan ang pinggan na hawak ko dahil sa gulat ko nang marinig ang boses ni Terrence. "Trei ano ba? Gusto mo ba na mag abuno pa ako nitong pinggan? Ikaw pabayarin ko."
"Bakit di mo ako magiging crush kahit ako nalang ang natitirang lalaki sa mundo?" He said with an amusement on his face. I rolled my eyes.
"Di kita type." His lips lifted to one side and walked slowly towards me.
"Talaga?"
"Talagang talaga. Ano ba? Layo ka nga!" I pushed him away when he was already too close. "Di ako affected sayo. Di ka ganon ka pogi. Mas pogi pa nga yan si Kuya Warren sayo eh. Di ba Ren?"
Natawa at napailing nalang si Warren nang marinig ang sinabi ko. Isa din siya sa mga kasamahan namin dito. Mas matanda siya sa amin at may asawa at anak na siya.
"Wag mo ko idamay diyan. Nananahimik ako dito. Mag focus ka lang diyan kay Chinoy." Inirapan ko lang din siya at pinagtawanan niya lang ako. "Ingat ka Jude, yang mga ganyan na linyahan narinig ko na yan sa asawa ko."
They all laughed at me and I just scowled at them. Mga walang magawa sa buhay. Tinignan ko ng masama si Trei pero nginitian niya lang ako. Hmph. As if naman.
• • •
"Jude! You wanna go out?" Tinaasan ko ng isang kilay ang nakangiting si Trei.
"Niyayaya mo ba akong makipag date?" Mas lumawak ang ngiti niya nang dahil sa tanong ko.
"I mean, let's go out with them." Itinuro niya sa likod sina Warren, Mason, at Clair na kumakaway sa akin. "Bakit ano ba ang naisip mo?"
Shit. Patay malisya nalang. Kunwari hindi ko pinahiya ang sarili ko na akala ko niyaya ako ni Trei makipag date. Ito naman kasing lalaking to kung makapag aya akala mo naman nangyayaya makipag date.
"Maaga pa ang trabaho ko bukas."
"We won't be out that late. Tara na." I hesitated. Lumingon siya sa mga kasama namin. "She doesn't want to. Hindi ko alam na may kasama tayong natandang killjoy!"
They started to cheer KJ on repeat kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama. Wala akong social life pero siguro naman kahit papano kilangan ko din ang mag unwind.
We went to a bar near our place. Hindi ako sanay sa ganito, masiyadong maraming tao at ang maingay. May mga naghahalikan din sa mga sulok. I think we're too old for this place. Puro kasi mga kabataan ang nakikita namin dito. Baka mamaya magsilapitan sila sa amin at mag mano.
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
General FictionHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5