Chapter 3

144K 3.2K 213
                                    

"Good morning!" Nakangiting bati sa akin ni Trei pagkalabas ko ng kwarto ko. I looked at my watch, it's only six in the morning at nakapag ayos na ako para sa seven am kong trabaho. I hate being late. "I made our breakfast!"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Wala ka pa bang pambayad sa renta kaya mo ako ipinagluluto ng breakfast araw-araw?" He laughed.

"No.I just hate eating alone and you're always gone whenever I wake up, so I figured, if I cook early, we can eat together. Tara?" I eyed him suspiciously as we sat on the chair and started to eat.

"Wala ka ba talagang trabaho? San ka kukuha ng pambayad kung hindi ka magtatrabaho?" He laughed. Nakakapagduda, parang masiyado siyang masaya. I eyeing him habang sumusuno siya ng battered egg na ginawa niya. Siya rin kasi ang nag grocery ng mga pagkain dito sa bahay.

Di ko talaga gets. Kung sino pa ang walang trabaho yun pa ang may lakas ng loob gumastos ng gumastos. Napasubo yata ako dito sa taong to, baka sa mga susunod na buwan wala na tong pambayad ng renta dahil inubos na lahat sa pagkain. Baka mamaya mautangan pa ako dito ng wala sa oras.

"Gusto mo ba ng trabaho?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Tutulungan ko nalang siya maghanap ng trabaho kesa ako ang mahirapan. Kahit pambayad niya lang sa akin ng renta ayos na. "Hiring kami sa isang trabaho ko ngayon, gusto mo ba tulungan kita na makapasok?"


"And what kind of work is that?" Wow. May lakas ng loob pa siya na pumili ng trabaho. Sa lahat ng unemployed siya pa ang may lakas ng loob na magtanong.

"Crew. Game?" Umiling siya.

"No thanks." Hindi makapaniwala na tinignan ko siya. Siya na nga binibigyan ng trabaho, siya pa choosy!

"Ang choosy mo naman! Mayaman ka ba para mag inarte ng ganyan ha?" Tinawanan niya lang ulit ako. Tatawa tawa, pogi sana tambay naman! "Kunin mo na. Ikaw na nga tong tinutulungan aarte arte pa. Tutulungan nalang kita."

"Alright. Since I have nothing else to do." Alanganin na sabi niya. Ngumiti ako sa kanya ng malapad. Ayun naman pala. Kukunin din naman.

• • •


"Judea, I'm glad you're here we have a problem." Bungad sa akin ni Mrs.Davidson, ang manager namin dito sa restaurant ng isang hotel na pinag tatrabahuhan ko. Magulo ang blond na buhok niya na dati ay palaging maayos. "Mason got into an accident and we don't have a pianist for tonight. You can play the piano right? I heard you playing with Mason one time."


There's an event here at the restaurant later and the client strictly requested for a pianist tonight while we serve the food. It was his birthday and he was planning to propose to his girlfriend while dancing. Hindi ko naman pwedeng hayaan na masira ang gabi at ang image ng hotel restaurant kung saan ako nagtatrabaho dahil lang nahihiya akong tumugtog. Isa pa miss ko na rin ang tumugtog sa harap ng maraming tao.


"Sure, Mrs Davidson." Nakahinga naman siya ng maluwag at ngumiti sa akin.


"You can play?" Sabay kaming lumingon kay Trei. Oo nga pala kasama ko itong isang to.


"And who's he?"


"Maam, this is my friend Terrence. He's here to apply—"


"You're hired. Submit your resume later. You can start today." Mrs Davidson winked at me before she went back to her office.


"Wow. That escalated quickly." Nagbibiro pero halata ang pagka-mangha sa mukha niya. Tumingin siya sa akin. "I didn't know you can play the piano."


Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon