Chapter 12

116K 3.4K 393
                                    

"Jude, labas naman tayo? Yung tayong dalawa lang?" Ngumiti ako kay ate Jules at tumango.

I have been in the Philippines for a month. She was shocked but at the same time was very happy when I told her that I'm going back. Pakiramdam ko kasi, kailangan ko ng panibagong simula. Hindi lang dahil sa nangyari sa amin ni Trei, pero isa siya sa mga rason kung bakit ako umuwi.

I stayed there for a month without him. Sinubukan kong mabuhay ulit ng wala si Trei. Akala ko kaya kong mabuhay ng kagaya ng dati—na mag isa, but ever since he left, I felt emptier than I was before and I feel like I needed someone to help me heal.


Ate Julian is my family—the only family that I have at masaya ako na bumalik ako sa Pilipinas. Kahit minsan, hindi niya ako itinuring na iba, kahit nung mag asawa at magka anak siya hindi niya ako nakalimutan.


"Isama natin si Tori." Pag suggest ko, ngumuso naman siya kaya natawa ako. "Ayaw mo?"


"Gusto ko sana tayong dalawa lang." Magsasalita sana ako pero lumapit yung maid nila kaya pinanood ko nalang ulit si Tori na nanunood ng tv habang ginagawa ang assignment niya.


"Maam Julian nandito po si sir Trei." Mabilis akong napalingon nang marinig ang sinabi ni manang. Matagal tagal ko na rin hindi naririnig ang pangalan na iyon.


I know it's him. When I went back to the Philippines and stayed here at Kuya Demitri's house, I saw pictures of him and his friends—and that includes Trei. Halos mabasag ko ang frame nang makita ko na kasama siya sa circle of friends ni kuya Demitri. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko manlang siya nakita bago nangyari lahat sa America. Kahit nung kasal ni Kuya Demitri at ate Jules.

"Ay talaga ba manang? Sige po papasukin niyo. Hindi niya yata alam na may buisness meeting si Demitri." Agad akong tumayo pagka alis ni manang. "O san ka pupunta?"



"Punta lang ako ng CR madali." Halos takbuhin ko na ang sala papuntang cr hindi naman yun magtataka si ate Jules kung bakit ako nagmamadali. Medyo engot din yun eh. Iisipin lang niya na nata-tae ako.



Hindi naman talaga ako dumeretso papunta ng cr at nagtago lang sa gilid. Aaminin ko sa sarili ko na gusto ko siyang makita. Gusto kong marinig ang boses niya dahil miss ko na siya.



"Trei, wala si Demitri. Mamaya pa siya babalik." Habang hinihintay ko na magsalita siya, habang naghihintay ako na marinig ang boses niya hindi ko mapigilan ang mapahawak sa dibdib ko sa sobrang kaba.


"I need to see my wife."


Shit. Hindi alam nila ate na kasal ako kay Trei. I've been readying myself for when this situation comes. I just didn't thought that it would be in front of Ate Julian! He just made the situation—my situation more complicated than it already is! Balak ko palang sabihin sa kanya na kasal na ako.


"Eh? Wife? Sinong wife?" Sumilip ako ng konti at nakita ko yung medyo baliw na mukha ni ate Jules na nag iisip ng malalim. "Bago na ba ang asawa ko ngayon? Ang alam ko si Demitri ang asawa ko."


Natampa ko nalang ang noo ko dahil sa sinabi ni ate Jules. Kung di lang ako kinakabahan ngayon baka natawa na ako.


"Please, Julian. Let me see her." Lalong naguluhan si ate Julian dahil sa sinabi ni Trei. "I know she's here."

Lumingon naman si ate Julian sa paligid at hinaplos ang mga braso.


"Trei walang ibang may asawa dito kundi sila manang at ako. May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" Takot na tanong ni ate Julian. Bakit ko nga ulit naging pinsan to?


Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon