Chapter 14

123K 3K 96
                                    

"So basically, doctor ka ng hayop at ng tao?" He nodded his head. "Pano nangyari yun?"


"Well, our family businesses are hospitals, not just in the Philippines. So my parents thought it'll be convenient if I became a physician." Panimula niya habang nag memeryenda sa may veranda.


Ang weird lang dahil sa laki ng bahay na ito puro maid lang ang kasama namin... at mga hayop.

Literal na hayop.

May isang malaking kwarto na puro mga aso at pusa niya ang nakalagay. Binilang ko kanina, meron siyang sampung aso at dalawang pusa na sobrang mga cute at mabalbon.


"I studied a premed course, then when I was about to apply for my med course I had a change of heart." May isang Husky na aso na tumakbo papunta sa akin at dinilaan ang binti ko. "I decided that I want to be a veterinarian. I've always wanted to be a vet. That's Shibuya."


Turo niya sa aso. Hinaplos ko ang ulo ni Shibuya at napapikit naman ito kaya natuwa ako. Sobrang cute naman ni Shibuya.


"Tapos? Ano nang nangyari?" I asked as Shibuya lay it's head on my lap.


"When I became a vet, my dad convinced me to study real medicine—according to him." He said with a bit of disgust. "Like being a vet is not. I did it anyway... for my mom. She asked me to do it for her peace of mind about me and dad."


Tinitigan ko si Trei habang nakikipag kulitan sa isang Golden retriever na mas malaki pa kay Shibuya. I've never seen him with animals. Kaya pala sobrang maalaga ni Trei kasi kung sa hayop nga maalaga na siya, sa tao pa kaya.



"At least di ba? Mas marami kang magagamot at maaalagaan hindi lang tao. Isipin mo nalang na binigyan ka ni Lord ng purpose sa mundo." He smiled at me.


"That's deadly." Kumunot ang noo ko.


"Ang alin?"

"You. Don't make me fall in love with you even more than I do, wife." Nag iwas naman ako ng tingin. Feeling ko namula ako dahil sa tinawag niya sa akin. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay kapag nag gaganyan siya lalo na kapag tinatawag niya akong asawa.



Nang matapos kami mag meryenda nagpaalam siya na pupunta muna siya sa opisina niya dahil may kakausapin lang daw siya. Sana pala sumama ako para alam ko kung saan ang opisina niya dahil hanggang ngayon na madilim na wala pa rin siya dito sa kwarto. Ang tagal naman ng usapan nila.



Sa totoo lang kinakabahan ako. Ito kasi ang unang gabi na magkasama kaming dalawa na matulog sa iisang kama. Palagi ko siyang kasama noon sa apartment pero hiwalay ang mga kwarto namin. Nung unang gabi din ng kasal namin hindi natuloy ang honeymoon dahil nga pinuntahan siya ng papa niya.



Naligo na ako at hinintay siya habang nakahiga sa kama. Soot ko ngayon ang isang night dress na binili daw talaga niya para sa akin. Sa totoo lang nagulat ako dahil nang ipakita niya sa akin ang kwarto namin, itinuro din niya ang closet kung nasaan ang mga damit namin. He said that he made some adjustments in the room and he gave me a space for my own clothes in the walk-in closet.


Hindi ko na naman na nga pala kailangan dalhin ang mga damit at gamit ko mula sa bahay ni ate Jules dahil pagkakita ko ng closet space ko—na mas malaki pa sa space niya—puno na ng mga bago at magagandang damit.



Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon