Nagkatinginan kami ni Wendy nang magtawanan nanaman yung mga kasama namin. Umiling ako sa kanya at pingilan siya dahil mukhang isa nalang sasabog na sa inis si Wendy.
We're having a dinner with Trei, Connor and Vivian. Pumayag kami ni Wendy na sumama dahil ang akala namin ni Wendy double date tapos nung papunta dito nalaman namin na kasama yung Vivian. Kanina nga halos saksakin ni Wendy si Connor nang imbitahan nito sa kasal si Vivian, mabuti nalang napigilan ko siya.
"Oh my gosh, I really missed you guys." Vivian said and held Connor and Trei's hand. Lahat kami napatingin kay Wendy nang bigla siyang tumayo at walang sabi ni tumayo papunta ng cr.
"Excuse me." Sabi ko at agad na sinundan si Wendy.
Nakita ko siya na nakasandal sa lababo at nakatulala lang. She immediately looked at me as I went in.
"Hoy, anyare sayo? Ang drama mo naman." Pagbibiro ko pero ni hindi manlang siya ngumiti sa akin. Halatang hindi siya okay.
"I can't believe that two! Parang wala tayo sa lamesa! Edi sana hindi nalang nila tayo isinama kung ganyan din naman pala ang gagawin nila." Galit na sabi nito.
"Eh di ba nga sabi nila isinama nila tayo para makilala natin si Vivian." She scoffed.
"Naniwala ka naman?" I shrugged. "I just can't stand that bitch. At yang si Connor? Ang lakas ng loob maging friendly sa ex niya!"
"Ex niya?" Tumango naman si Wendy.
Hindi ako makapaniwala na ex ni Connor si Vivian. Kapag pinagmasdan mo kasi sila makikita mo na friendly lang talaga si Vivian at isa pa, mabait lang talaga si Connor at ganyan lang talaga siya kahit kanino, may pagka malandi. Pero hindi ko yun sinasabi kay Wendy at wala akong balak sabihin.
"But you're engaged and he brought you along. Meaning you have nothing to worry about. Wag ka nang oa diyan." Seryosong tinignan ako ni Wendy. Bihira ko lang siya makitang ganyan. Kapag nakikipag break lang siya sa mga ex niya.
"And you're fine with Terrence being close to that... that hoe?" She said with disgust.
"Grabe ka naman!"
"But it's true though, being the girl ng dalawang magkaibigan. I'm sure she's a hoe." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Sinong mag kaibigan?" Wend's lips parted as she looked at me with narrowed eyes.
"Hindi sinabi sayo ni Trei?"
"Na ano?" I said, not knowing what she's talking about. Or I do, I just don't want to admit it to myself.
"Naging sila ni Vivian! My gosh! Ex ni Trei si Vivian!" Hindi ako nakapagsalita sa sobrang pagkabigla.
Bumalik sa akin yung mga kamay ni Vivian kapag humahawak siya kay Trei. Kung gaano ka kumportable si Trei sa kanya. Hindi ko pinansin yun dahil ang sabi niya magkaibigan lang sila. Binalewala ko yung mga kutob ko. Pero yun ang sabi niya eh. He said their only friends, nothing more and I should believe him.
"T-tapos naman na sila. Wala nalang sa kanila yun."
"M-hm, try convincing yourself first then maybe you'll convince me." Hindi ako sumagot. "Gising friend! That girl has been in a mutual relationship with Trei for 5 years. Five long years and they separated without any proper closure. Tapos ngayon magpapakita siya as a friend? I don't think so."
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
General FictionHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5