"So?" Hindi ko pinansin si Wendy at tinalikuran lang upang gawin ang frappe na order ng isang customer. "So ano nga?"
"So na ano?" I said with a poker face at nagkukunwari na hindi ko alam kung anong sinasabi niya.
"Anong feeling ng may boyfriend ka na?" Nakangiting tanong niya sa akin.
It has been two months since Trei and I became a couple. Hindi din naman ako makapag kwento sa kanya dati dahil nag break sila ni Connor kaya umuwi siya sa Pilipinas ng isang buwan. Sinundan naman siya nung isa at pag uwi nila dito engaged na silang dalawa. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Trei, nahulaan lang ni Wendy dahil araw-araw na akong sinusundo dito ni Trei.
"Ano bang dapat ma-feel? Syempre masaya."
"Ayiiiiieut." Sinamaan ko siya ng tingin at humagalpak naman siya sa kakatawa. "So have you done it yet?.. Aray! Nagtatanong lang eh!"
Natatawang sabi niya nang batuhin ko siya ng isang pirasong yelo. Bastos talaga itong babaeng to kahit kailan. Ni hindi nga yun pumasok sa utak ko sa isang buong buwan na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay.
"But you kissed, right? So tell me about the kiss!" Excited na sabi niya habang inaalog ako sa balikat. "Omg! Namumula ka! He must be a good kisser!"
"Tigilan mo nga ako diyan Wendy! May ginagawa ako oh!" Hindi niya ako pinansin.
"Alam mo sa umpisa pa lang talaga nakikita ko na na may spark sa inyo ni Trei eh. Sabi ko na nga ba hindi kami nagkamali ng bebe ko!" Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. "And speaking of boyfriend, ngayon lang siya na late sa pag sundo sayo ah patapos na ang shift mo."
Tumingin ako sa relo ko, tama si Wendy wala parin si Trei. May nangyari kaya sa kanya? Hindi ko tuloy mapigilang mag alala. Palagi kasi yun maaga kapag sinusundo ako.
"Ay diyan na yan nagsisimula friend." I looked at the disappointment on Wendy's face and my brows furrowed.
"Ang alin?"
"Alin pa? Edi ang coldness sa isnag relationship. Kapag matagal na kasi kayo nagsisimula nang mawalan ng time, magsawa, ganon." I rolled my eyes.
"Dalawang buwan palang kami, hindi dalawang taon. Sira ka ba?" Napakibit balikat naman siya.
"Malay mo si Trei yung klase ng tao na madaling magsawa. Depende kasi sa tao yan. There are guys who feels like two years are like two months kaya... Hoy charot lang! Wag kang maniwala sakin!"
Hindi ako kumibo. What if she's right? Paano kung nagsasawa na nga talaga si Trei sa akin? Imposibleng walang ibang nagkagusto sa kanya. Paano kung...
"Hi babe!" I immediately looked up when I heard Trei's voice. Nakangiti siya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti. "Is there something wrong?"
"Sorry." Wendy made a peace sign to Trei na nakakunot lang ang noo. Agad na umalis si Wendy at kinuha ang order ng lalaking nasa counter.
"Did something happened? What is it?" I looked at his worried face and tried to smile.
"Wala naman." Hindi siya convinced dahil siguro yung ngiti ko naging ngiwi sa sobrang pag iisip ko. "Sandali kunin ko lang yung gamit ko."
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
Fiksi UmumHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5