"Hoy ano pang ginagawa mo diyan? Tara na." Yaya sa akin ni Clair papunta sa mga tao. Kanina pa kasi nagsisimula ang party pero nandito lang ako sa gilid at nakangiting pinapanood sila.
"Sige na. Susunod nalang ako." She looked at me asking if I'm sure kaya naman tinulak ko siya palayo. "Go! I'm fine. Mas gusto ko dito promise."
"Alright. Punta ka rin dun mamaya." I nodded my head at her and gave her thumbs up before she walked away to let her now that I'm really fine right here.
Christmas party namin ngayon and today's theme was Paskong Pinoy. Nakaka-miss lang dahil ang nostalgic tignan ng mga designs na nakasabit at mga kakanin sa lamesa. We're also wearing simple traditional pinoy dresses.
It's a way for us to feel the Christmas spirit in the Philippines. Iba pa rin kasi talaga ang pasko kapag nasa sarili mong bansa, lalo na sa Pilipinas. Mas ramdam mo yung masayang okasyon because tend to make every occasion special. Filipinos love being happy... loves thinking ways to make other people happy. It is one of the trait we have that I am really proud of.
"Hey, want some drink?" I looked at Trei as he approached me. Pasimpleng napahawak ako sa dibdib ko. Heto nanaman yung puso ko. Nag aalburuto dahil nakita siya. "I was looking for you. Bakit nasa gilid ka?"
"Wala." Sabi ko habang umiiling. Tumabi siya sa akin. Sandali kaming natahimik at sabay na pinapanood ang mga kasamahan namin na nag eenjoy at nagtatawanan. Ang gandang tignan na kahit ang mga katrabaho namin na foreigner nag eenjoy sa party.
"How many years have you been away from our country?" He asked as he sipped from his beer.
"Hm? Five years?"
"And you haven't been home since then? How about your family?"
"Wala na akong pamilya, di ba?" Sabi ko at uminom ng beer.
"There must've been someone?" Napangiti ako.
"Meron. Yung ate ko." But I'm sure she's fine without me. Siguradong masaya siya kasama ang asawa at anak niya... at ganon din ako. Masaya din ako para sa kanya. She deserves everything that she's having right now, lalo na yung asawa niya na mahal na mahal siya.
Minsan nakakainggit pero sa lagay kong to, kung mawawala man ako ng maaga tanggap ko na dahil alam ko na may mag aalaga sa kanya.
"Jude? Do you want to dance?" Trei offered his hand at tinitigan ko lang iyon pagkatapos ay napatingin ako sa mga taong sumasayaw. Umiling ako at inirapan niya ako bago hinila papunta sa gitna. "Let's dance."
Halos lahat sila nakatingin sa amin at nakangiti habang hawak ni Trei ang isang kamay ko.
"Put your hands here." Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya. "Can I hold you?" I shrugged as he put his hands on my waists. It feels warm, him holding me like this. It feels comfortable.
Paano mo malalaman itong pag-ibig ko sayo
Paano mo maramdaman ang tibok ng puso ko
Kung lagi kang kinakabahan na ika'y masasaktan
Pangako ko ang puso mo'y hindi pakakawalanPaano mo maiintindihan na ako'y nananabik
O kelan ko kaya madarama ang tamis ng iyong halik
Kung lagi mong inaatrasan ang sugod ng nagmamahal
Sana nama'y pagbigyan mo hiling ng puso ko
BINABASA MO ANG
Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)
General FictionHe's a billionaire doctor. She works multiple jobs to survive. Riding the air in a whirlwind, she fell in love and tied the knot without knowing that she exchanged her vows with a billionaire. League of Billionaires series #5