Additional Chapter: Selos

2.9K 43 0
                                    

OH MY GOD GUYS HELLO!

Dahil namiss ko ng bonggang bongga ang pinakaunang story ko, mayroon akong Additional Chapter!

Konting silip sa kung anong nangyayari sa dating mortal enemies na sina Kathryn at Daniel; sa mga kaibigan niyang sina Julia at Diego, EJ at Kiray, Neil at Yen, Albie at Zharm, Barbie at Khalil.

Sana masiyahan kayo ng bonggang bongga dahil wala lang. Sana masiyahan talaga kayo!! Namiss ko ang Can This Be Love?.

Enjoy!

-----

"Sinong katext mo?" pagalit na tanong ko. Buong byahe ba naman papunta dito sa Tagaytay, nakangiti 'tong si Daniel habang nagtetext. Parang timang.

"Nako! Babae 'yan Kath!" sigaw ni Neil na napadaan sa inuupuan namin ni DJ. Nakaakbay nga siya sa'kin pero yung isang kamay niya gamit sa pangtetext.

Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Nakaupo kami dito sa may cottage at nagbubusy-busyhan ang buong tropa sa pag-aayos nitong cottage habang itong katabi kong 'to, busy sa pagtetext.

"Sino ba yan ha? Nakakainis ka." ani ko sabay nguso. Nakuha ko naman ang atensyon ni DJ kaya ngumuso rin siya, "Cute naman ng prinsesa ko," aniya sabay bitaw sa cellphone niya. "Babae nga 'to." dagdag niya kaya kumunot lalo ang noo ko.

Babae? Anak ng. Nandito kami para magsaya dahil sobrang nakakapagod maging college student tapos... babae lang pala katext niya?

"Sinong babae?" Alam ko na! Babae pala ha? Tignan lang natin.

Kinuha ko ang phone ko at brinowse ang contacts.

Enrique

I pressed call at agad agad namang sinagot ni Enrique. Enrique has been our friend at tanggap niya na kami na ni DJ. Mayroon na nga ata siyang girlfriend or ka- MU or, nililigawan. I'm not sure tho. Her name is Liza.

"Hello!" masayang bati ko. 'Yung tipong maiinis si DJ. Alam ko namang pinagseselos lang niya ako, pero gusto ko ring pagselosin siya.

From my peripheral view, napakunot ang noo ni DJ kaya sa loob loob ko, napapahalakhak na ako.

"Hello Kath! Kamusta?"

"Ayos lang, Quen. Nandito kami ng barkada sa Tagaytay. You?" sagot ko at napaungol naman si DJ. Ayan kasi. Babae pala ha?

"Uy! Bakit di niyo naman kami inimbita? Btw! Kami na ni Liza! Gwapo ko kasi e!" masayang anunsyo niya sa kabilang linya. Nakarinig pa ako ng paghagikhik ng babae at iniisip kong si Liza 'yon.

"Talaga! I'm happy for you, Quen! Anong connect? Oo na! Gwapo ka na!"

"What the..." rinig kong bulong ni DJ kaya kinagat ko ang labi ko at pinigilan kong tumawa. Mananalo na naman ako sakanya! Bwahahahaha.

"Oh sino yung nagmura? Si DJ ba?" aniya sabay tawa. "Nagseselos ata! O baka naman pinagseselos mo? Ako pa talaga ginamit mo Kath ha!" natatawa ako sa sinabi ni Quen.

"Oo e. Sige na Quen! Baka sumabog 'yung bulkang katabi ko," pabulong kong sabi. "Bye Enrique! Ingat!"

"Bye Kath! Ingat din! Sa susunod imbitahin niyo kami ni Liza ha! Nag-aalboroto na ba si Mt. Daniel? Hahaha! Sige na, bye Kathryn!"

Call ended.

"Sino 'yun?" tanong ni DJ. Naitago na rin pala niya ang phone niya. Natakot? Biro lang.

"Si Enrique." cold na pagkakasabi ko. Pero jusko, yung mukha ni DJ. Oh my god. Hahahahahaha, ang sarap tumawa!

"Oh? Tapos...?" aniya at tinaasan ako ng isang kilay. Jusko! 'Wag naman ako matawa please!

Can This Be Love? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon