Kathryn's POV:
6 days passed. ANIM NA ARAW LANG PERO, FEELING KO ISANG TAON. DALAWA. TATLO. Ngayon DAPAT ang balik ni Daniel.
Ngayon DAPAT. Pero, wala. Nakalimutan na ba niya ako? Kung may excused man, dapat tinext niya saken kung anong dahilan kung bakit naextend siya dun.
Si Khalil ang naging sandalan ko ngayon. Alam ko na ang lahat. Pinilit ko siyang ikwento saakin ang LAHAT. LAHAT-LAHAT.
>>>>FLASHBACK
"Hello? Oh, Khalil? Baket?"
(Nandito ako sa labas ng bahay nyo. Labas ka, may sasabihin ako.)
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano bang meron?
Lumabas ako. Nakita ko si Khalil. Malungkot. Nalulungkot.
"Khalil."
"Kath, plano lahat 'to ni Barbie."
"PLANO? PLANONG ANO?!"
"Planong sirain ang relasyon nyo. Pagpasensyahan mo na kung hindi ko agad sinabi sayo. Ayokong saktan mo si Barbie," bigla siyang napayuko. "Mahal ko kasi si Barbie."
I chuckled. I'm surprised. Mahal niya si Barbie?
O___O!!
"M-mahal mo yung malditang yun?"
"She's not totally, maldita. May good side siya, Kathryn. I'm so sorry. Kasama ako sa pagpaplano niya. Nung hinalikan kita," napayuko nanaman siya. "Nung hinalikan ni Barbie si Daniel. Lahat yun, plano niya. Narealize ko na mahal ko si Barbie. Now, I'm courting her. Pero, si Daniel parin ang mahal niya."
Hindi ako nagsasalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita at ikwento saakin ang lahat.
"Alam ko ding plinano niya na papuntahin si Daniel sa US. Pinilit niya ang nanay niya na samahan siya ni Daniel, pero wala talagang sakit si BARBIE, KATHRYN! Dapat hindi mo hinayaang sumama si DANIEL!"
"P-pero, Khalil.. Nai-stroke ang papa ni Daniel."
Nasapo niya ang noo niya, "B-bakit ganon? B-baka, b-baka may tumatakbong masamang plano si Barbie sa utak niya. Kilala ko siya, Kathryn. Sabi pa niya, gagawin daw niya lahat para makuha si Daniel. Maniwala ka, Kathryn. Maniwala ka, bestfriend."
Niyakap ko si Khalil. Naiiyak na ako. Ano bang kasalanan namin para kuhanin niya saakin si Daniel?! Ngayong masaya na kami? B-bakit?
>>>>END OF FLASHBACK
Kaya ba? Kaya ba... hindi ka umuwi ngayon, Daniel? Kase, kayo na ni Barbie? Ano ba talagang dahilan?
---------------------------
The most awaited point of view;
Daniel's POV:
Miss na miss ko na si Kathryn. Sa kalungkutan kong 'to, dumagdag pa ang galit, tensyon, hinanakit.
"Pag hindi kayo na-engaged ni Barbie, hindi kita papabalikin sa Pilipinas." Papa.
"Pero, pa, may mahal akong iba. Si Kathryn. Siya lang ang papakasalan ko." mariin kong sabi.
Ngayon dapat ako uuwi sa Pilipinas. Miss na miss ko na si Kathryn.
"DANIEL. ISA. Ma-eengaged ka, o hindi ka babalik sa Pilipinas?" Ms. Forteza. (Mama ni Barbie)
"Let me think first." sabi ko sakanila.
"Before that, give me your phone. Bawal kang magkaroon ng koneksyon sa Pilipinas. Sa barkada mo at lalong lalo na kay Kathryn." Papa.
BINABASA MO ANG
Can This Be Love? (KathNiel)
Fanfiction2012. "Araw-araw tayong nagbabangayan noon. Nakakapagtaka lang isipin. Na tayong mortal enemies, ngayon, LOVERS na?" -Kathryn Bernardo