Chapter 38

1.9K 36 5
                                    

Kathryn's POV:

P-paano kung... si Barbie ang niloloko lang ako? Paano kung sinisiraan lang ni Barbie si Daniel para--- Ugh. Ang hirap mag-isip. Nakakapagod. Nakakapagod na. Naiinis na ako.

Humiga nalang ako dito sa kama nila Julia, "Pahiga, bes ha!" pagpapaalam ko.

"Ano nga palang sinabi sa'yo ni Barbie?" Julia.

Kailangan ko bang sabihin sakanya yung sinabi ni Barbie? Or I just keep it to myself kase problema naman namin 'to ni Daniel?

"Kase, Julia..." tapos ikwinento ko sakanya at ipinakita pa ang mga pictures.

Nanlaki ang mga mata niya, "What? P-pero... Diba sabi niya nagbago na siya para sa'yo?"

"Paano kung lahat ng iyon, Julia ay akala ko lang? Paano kung nagkamali ako sa pagsagot sa kanya agad?" nalilitong sabi ko kay Julia.

Niyakap lang naman niya ako at hinaplos ang likod ko. Maiiyak nanaman ako.

Hindi pa nga nasosolusyunan ang Kiss Problem na yan, may ganto pang dumagdag.

Pero, hindi ako naniniwalang kayang gawin sakin 'to ni Daniel, eh. Pero at the same time, parang gusto kong maniwala sa mga sinasabi ni Barbie.

--------------------------------------------

Daniel's POV:

Nasaan na ba si Kathryn? Kailangan naming mag-usap. Naalala ko yung sinabi ni Diego, ipang-ibabaw ang pagmamahal, pagtibayin. May sisira ng relasyon nyo.

Ugh. Nakakapagod. Ah! Alam ko na, nakila Julia siya. Tumakbo ako agad-agad papunta sakanila.

Kumatok ako, at si Julia ang nagbukas ng pinto.

"Kath... Pwede ba tayong mag-usap? Please, ayoko na kasing mag-away tayo, kaya pag-usapan na natin 'to.." sabi ko.

Napasmile naman si Julia at tinapik ang braso ko. Lumabas siya. Siguro, nakuha din niya na gusto namin ng private time.

Lumapit ako sakanya, "Kath, shh. Bakit ka naiyak? Sorry na. Hindi mauulit yung paghalik na yun, please, magbati na tayo?" sabi ko at niyakap siya.

"Sige, Daniel. Pero, pwede magpaliwanag ka dito?" sabi niya sabay pagpapakita ng mga pictures na may kasama akong ibang babae, kayakap, kaakbay at kahalikan.

"T-teka... Dati pa yan..."

"Dati pa?" tapos pinakita niya yung date. Ngayong taon lang.

Pero, wala naman akong kalandiang mga babae this past few days dahil si Kathryn lang. Si Kathryn lang ang mahal ko at wala ng iba pa.

"Kath, maniwala ka sakin... Wala akong alam diyan, saka, sino bang nagbigay sayo niyan?"

"Hindi na mahalaga kung sino, ang mas mahalaga, yung paliwanag mo." Kath.

"Kath, pangako, dati pa yan. Kath, ikaw lang ang mahal ko talaga," tapos lumuhod na ako sakanyang harapan, "Ikaw lang talaga, Kath, nagbago ako sa'yo, hindi na ako yung playboy, at yang mga fcking pictures na yan? Dati pa yan, Kath, kaya please, ayoko ng mag-away pa, maniwala ka sakin, please..."

Nakatitig lang saakin si Kath, ganito yung feeling ko nung tinanong ko siyang maging girlfriend ko.

"I trust you, Daniel." tapos bigla niya akong niyakap.

No worries. No problems, pero alam ko, pansamantala lang 'tong kasiyahang ito. Dahil alam ko, may susubok pa sa pagmamahalan namin ni Kath.

--------------------------------------------

Kathryn's POV:

Naniniwala naman ako kay DJ eh, nagdadoubt lang kase ako sa mga binigay saakin ni Barbie.

Hay nako, kung ano mang balak mo, Barbie, sana itigil mo na. Nakakainis na kase. >___

Napahiga nalang ako dito sa kama, "Haaay." pang-ilang exhale inhale ko na yan? -___-

"Baby, tara sa baba?" Daniel.

"Sige." tapos bumaba na kami.

--------------------------------------------

Barbie's POV:

Bakit back to sweetness nanaman sila? Diba dapat nag-aaway sila ngayon? Ugh, hindi nangyare yung plano. -____-

"Khalil, they're not arguing each other! Paano na?"

"Diba, ikaw na nga mismo nagsabi, simula pa lang, madami pang pwedeng plano dyan. Psh."

May iba kay Khalil eh. Parang hindi siya game dito.

"Khalil, tapatin mo nga ako, napipilitan ka lang ba?"

"Oo. Kase, may iba akong mahal. Hindi ko na mahal si Kathryn. Tanggap ko na Barbie! Tanggap ko na!" Khalil. Tapos bigla siyang lumapit saakin.

"Sino, Khalil? Paano? Hindi mo na ako tutulungan?"

"IKAW BARBIE. IKAW ANG MAHAL KO."

Khalil's POV:

Through the bad side of Barbie, nagawa ko siyang mahalin. Oo, tanggap ko na, na hindi ako kayang mahalin ni Kath, sa pinagsamahan namin ni Barbie, sa pagpaplanong sirain ang relasyon ni Daniel, unti-unti akong nahulog kay Barbie.

Mabait, sweet girl. Maganda, kahit minsan, maarte.

"M-me?" nagtatakang tanong ni Barbie saakin.

I just nodded at niyakap ko siya.

"Oo, Barbie... Ikaw, ikaw ang mahal ko, kaya please, let me love you... at alam kong matututunan mo din akong mahalin, tanggapin mo na... Tanggapin mo ng wala kang pag-asa kay Daniel..." sabi ko.

"Itutuloy ko parin ang plano, Khalil, kahit anong mangyare, okay I'll let you love me, but I'm not really sure na matututunan din kitang mahalin, si Daniel pa rin ang mahal ko." Barbie.

Parang dinudurog ang puso ko. Mahal pa din niya si Daniel. Matututuhan mo din akong mahalin, Barbie.

--------------------------------------------

OMG. I can't take this anymore, parang end of my story na noh? Pero hindi pa. Madami pang revelations. Hold back, sit and relax.

xoxo,

imxyrelleann

Can This Be Love? (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon