Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

PROLOGUE

196K 3.5K 176
                                    

PROLOGUE

Hate



"How can you love him when he's a troubled man?"

Marahang hinaplos ni Mama ang aking buhok habang kinakalma ako. Sa kabila ng kanyang pagngiti ay nakita ko ang matinding lungkot na nakapaloob sa kanyang mga mata.

I knew she's hurt. Hindi lang dahil sa pisikal na pananakit ni Papa kung hindi dahil na rin sa emosyonal na sakit. Iyong sakit na paulit-ulit na lang at wala nang katapusan.

"Mabait ang papa mo, anak."

"You're lying, Ma. We all know that he is not. Kung talagang mabait siya, hindi ka niya sasaktan. Hindi siya maglalasing at hindi ka niya bibigyan ng sakit sa ulo."

Ang kanyang paghaplos ay dahan-dahang nahinto. Bumaba ang kamay ni Mama sa aking pisngi at banayad na pinasadahan ng kanyang malamig na daliri ang aking inosente't batang mukha.

"Hangga't hindi niya kayo sinasaktan, mananatili siyang mabait para sa akin," baluktot niyang pahayag.

Gusto ko pa sanang magsalita pero natigil iyon dahil sa malakas na kalampag sa pintuan dahilan para mapasiksik ako sa katawan ni Mama. Kahit na hindi ko siya tingnan ay ramdam ko ang takot niya.

Ano pa nga ba'ng bago? Lasing na naman si Papa at tiyak akong sa pambubugbog na naman ang hantong ng lahat ng ito.

"Sige na, Skyrene. Magpahinga ka na, ha? Takpan mo na lang ang tainga mo para hindi ka maistorbo sa pagtulog. Mama is gonna be fine. Huwag ka nang magtanong ng kung ano-ano dahil sisiguraduhin kong hangga't nabubuhay ako ay hindi niya kayo masasaktan. I promise."

Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang kanyang mukha. Nakita ko ang mga luhang pilit niyang pinipigilan. Ang lungkot na pilit niyang nilalabanan...

"Pinky swear?" I said.

Ilang ulit akong napasinghap at napapikit nang marinig ang muling malalakas na pagkalampag ng pintuan sa ibaba.

Mabuti na lang at tulog na ngayon ang mga kapatid ko dahil kung hindi ay baka kanina pa kami nagsiiyakan.

Ngumiti si Mama at agad na inilahad sa akin ang kanyang kamay.

"Pinky swear, anak," she promised.

Ngumiti rin ako matapos niyang sundin ang gusto kong mangyari.

My little finger embraced her cold pinky. Sa pagluwag n'on ay nagmamadali niya akong hinalikan sa noo at inayos sa kama bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Nang marinig ko ang paglapat ng pintuan sa hamba ay tuluyan ko nang ibinalot ang aking sarili sa comforter dahil alam ko, kahit na nasa baba silang dalawa ay kulang ang lahat ng pagtatakip ko sa aking tainga para hindi sila marinig.

Pumikit ako nang mariin nang marinig ang malakas na sigaw ni Papa na agad namang sinundan ng mga iyak at hinagpis ni Mama.

Nayakap ko nang mahigpit ang aking unan nang sunod-sunod nang magsiiyakan ang mga kapatid ko.

Kahit na nailipat ko na ang unan sa aking tainga ay dinig ko pa rin ang lahat ng ingay na posible kong marinig. Patuloy iyong rumaragasa sa aking magkabilang tainga kahit pa mariin na iyong nakatakip gamit ang mga unan.

Maingay. Magulo. Mahirap.

Iyan ang araw-araw kong naging pananaw sa buhay. My father started his drinking habits when Cassy was born. Nangyari iyon simula no'ng mabinyagan ito.

Noong una ay naging ayos lang naman sa amin pero nang katagalan na ay ilang linggo nang humaba ang selebrasyon niya sa pagtungga ng alak. Hindi ko alam kung sinasabay na rin ba niya ang mga kaarawan namin para lang magkaroon siya ng dahilan para makipag-inuman sa mga tambay naming kapitbahay o talagang naadik na siya.

How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon