CHAPTER 5
Natural
"Kapag ba may ginawa akong raket, magagalit ka?" pagbubukas ko ng topic galing sa kawalan.
Ilang araw kong pinag-isipan ang pangungulit ni Ylona sa akin. Simula noong araw na mabanggit niya ang exhibit ni Kade ay hindi na natigil ang pagte-text niya sa akin tungkol doon.
Si Kitty, ang model kasi na kinuha ni Kade ay gusto na ngayon ng dobleng bayad. Hindi naman makapag-decide ang huli na tumanggi dahil halos isang linggo na lang simula sa araw na ito ang kanyang exhibit.
Napaangat ako nang gumalaw si Eros para dungawin ako at ialis ang atensiyon sa pinapanood.
"Raket?" kunot-noo niyang tanong.
Pinagdiin ko ang mga labi ko at inisip mabuti kung tama ba ang gagawin ko. Pero malaking pera din 'yon at makakaraos kami ng ilang araw.
Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa kanyang katawan at marahang hinaplos ang kanyang dibdib.
"Hmm, kapag ba may ginawa akong photo shoot, papayag ka?" pigil ang paghinga kong tanong.
Hindi naman sa natatakot ako kaya kailangan ko pang magpaalam. Simula lang talaga nang maging maayos kami ay ipinangako ko sa sarili kong magiging tapat na ako sa kanya. Lahat din ng gagawin ko ay gusto kong alam niya.
"Photo shoot?" kunot-noo niyang tanong.
Tumango ako at umayos ng pwesto para harapin siya nang mabuti.
"May kaibigan kasi akong nangangailangan ng model sa photo exhibit niya. Gusto ko lang sanang tumulong saka malaki rin ang bayad kaya pinag-iisipan ko."
Naningkit ang mga mata niya na tila nakulangan sa naging paliwanag ko.
"Isang araw lang naman 'yon saka portrait lang tapos kikita pa ako."
Nanatiling magkasalubong ang mga makakapal niyang kilay. Sa nakikita kong reaksiyon ni Eros ngayon ay negatibo na ang sagot na nakukuha ko.
"How much?" he asked.
Napanguso ako.
"Eros... Alam mo namang ayaw ko ng ganyan. I want to earn my own money—"
"I'm just asking how much," he cut me off.
Huminga ako nang malalim dahil ramdam kong hindi talaga siya papayag.
"Twenty-five thousand," halos pabulong ko ng sagot.
"Only?" Napaahon ako sa pagkakahilig sa kanyang katawan nang umupo siya. Mas lalo yatang nalukot ang mukha niya nang harapin ako at malaman kung magkano ang presyo ng bayad n'on.
"Baby, you know you're worth more than that." Hinuli niya ang kamay ko. "Make it fifty."
Pakiramdam ko'y tumalon ang puso ko sa tuwa dahil kahit na hindi niya sinabing pumapayag na siya ay nagkaroon pa rin ako ng positibong pag-asa!
"Papayag ka?!"
"Fifty thousand," nangingiti niyang sabi bago ako hapitin palapit sa kanya at niyakap ako galing sa likuran.
Nakagat ko ang labi ko nang halikan niya ang aking balikat. There he goes again, seducing me.
Pinigil ko ang pagwawala ng puso ko para masagot siya nang maayos.
"S-sobrang laki na n'on. Isa pa, he's my friend. Gusto ko lang rin siyang tulungan."
"Oh, it's a he?"
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte