CHAPTER 7
Yes
"Excuse me, ladies and gentlemen. May I have your attention, please?" ani Ellis na ngayon ay nakatayo na sa stage.
Naramdaman ko ang pag-alis ni Jaxel pero hindi ko na iyon pinansin lalo na't ang atensiyon ko ay napunta na rin sa lalaking nasa harapan.
Naramdaman ko ang pagbuntonghininga ni Eros pagkatapos ay binitiwan ang katawan ko para hawakan ang aking kamay.
Sinulyapan ko siya. Gusto ko na sanang magpaliwanag pero pinigilan niya ako at sinabing ang intindihin na lang muna namin ay ang party ni Ellis.
"Thank you, everyone, for coming to this typical event where we celebrate another year of getting old," panimula niyang nagpatawa sa lahat.
"I want to thank my parents." Nilingon niya ang dalawang taong magkayakap na nasa kanyang harapan. "Thank you for welcoming me here and still accepting me as your son," biro niya.
"Sa mga kaibigan kong dumalo at sa girlfriend ko. Babe?"
Inilibot niya ang paningin sa crowd para hanapin ang tinatawag. Maya-maya pa ay dinaluhan na siya ng girlfriend niya. Sinalubong niya ito ng yakap at halik sa pisngi na agad namang ikinapula ng huli. Naghiyawan ang mga kaibigan nila.
"Now, this day is not about me." Muling nagseryoso ang lahat at naghintay sa mga susunod niya pang sasabihin.
Pakiramdam ko'y bumalik ako sa huling araw ng shoot kung saan nag-propose sa akin si Eros dahil sa agarang pagluhod ni Ellis sa harapan ng kanyang girlfriend. Nakita ko agad ang pagiging emosyonal ni Juliana at ang mga babaeng nasa tabi niya habang ang mga lalaki naman ay hindi na rin maitago ang sobrang kasiyahan.
Natutop ng girlfriend ni Ellis ang bibig lalo na nang hawakan nito ang kanyang kamay.
"Nesca Tiangco, baby..." He paused and smiled. The girl in front of him blushed profusely. "I wanted to do this for so long, you know? Kneeling in front of you in a large crowd with my family..." Dinukot niya ang bagay sa likod ng kanyang pantalon at agad iyong binuksan. "Giving this to you as a sign of my unending love..."
Tumulo na ang luha ng kanyang girlfriend. Maging ang emosyon ko ay tumaas dahil sa nasasaksihan.
"Lahat ay matagal ko nang na-imagine at pinagplanuhan pero mahirap pala. I'm waiting for the perfect time pero hindi ko alam kung kailan dahil baka isipin mong nagbibiro na naman ako. Yesterday, I said to myself, well fuck it. I'm going to propose to her. I'm going to marry her. Kahit hindi ako sigurado kung seseryosohin mo ako basta ang alam ko lang sa ngayon ay gusto na kitang maging asawa."
Wala sa sariling napayakap ako kay Eros dahil parang nahahawa na ako sa masasayang luha ni Nesca. Napapikit ako nang maramdaman ang buong puso niyang paghalik sa aking buhok.
"Naiiyak ka ba ngayon kasi tatanggihan mo ako at nagi-guilty ka sa pag-hindi o masaya ka? Kinakabahan ako sa 'yo e," natatawa't kinakabahang sabi ni Ellis dahilan para sapakin siya ni Nesca nang mahina sa braso.
"Alright. I know you will never say no. Baby, you can't say no, okay? Nakakahiya 'yon!"
"Ellis!"
Mas lalong lumakas ang tawanan sa harapan lalo na sa gawi ng mga kaibigan ni Juliana.
"Excited ka na ba o ano?"
"Ellis, isa pa!" nahihiyang sambit ni Nesca habang patuloy ang pagluha at pagsipat sa mga taong nanonood.
Napakamot ng ulo si Ellis dahil sa sinabi nito pero bago muling magsalita ay huminga muna siya nang malalim.
"I'm just making sure... Alright. I'm ready. Ikaw ba?"
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte