Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

CHAPTER 1

161K 2.8K 214
                                    

CHAPTER 1

Happy



Nangingiti kong iminulat ang mga mata ko kahit na alam kong ilang oras lang akong nakatulog. I bet I was smiling the whole time I was knocked out. Ewan ko ba. Ganito lang siguro kapag masaya ka? No, masayang-masaya was the right word to describe what I was feeling right now.

Muli akong pumikit at dahandahang ininat ang mga kamay sa ere. Dahil sa hindi pagkakapawi ng ngisi ko ay kinagat ko na ang labi ko. Nababaliw na yata ako. Hindi ko naman birthday ngayon pero yung tuwang nararamdaman ko ay nag-uumapaw. Mas masaya pa nga ako ngayong araw na ito kaysa sa nagdaang birthday ko.

Tama nga sila. Ang lahat ng problema ay lumilipas din. And there's always a sunshine after the rain.

Marahan kong inangat ang kamay ko para tingnan ang bagay na nakalagay roon. Sa pagtama ng sikat ng araw na galing sa labas ng bintanang nakabukas ay naramdaman ko na ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi lalo na nang bahagya iyong kuminang.

This ring was beautiful. Iyong sobrang ganda at mamahalin na gusto mo na lang itago kaysa suotin. Ininat ko ang mga daliri ko para matitigan iyon nang maigi. My heart was filled with so much joy right now. I was engaged with the man I love. I was Eros Ziege Vergara's fiancée at kahit na medyo matagal pa naman ang kasal ay ngayon pa lang, excited na ako.

After the day of the shooting where he proposed, napag-usapan namin na ipagpapatuloy ko muna ang pag-aaral ko bago kami tuluyang pumasok sa buhay mag-asawa. Ipinagpapasalamat ko ang lahat dahil naintindihan naman 'yon ni Eros at handa siyang maghintay kahit na alam kong gusto na niyang lumagay sa tahimik.

Sa paggalaw ng daliri ko ay naramdaman ko na naman ang mainit na bagay na patuloy ang pagyakap sa aking puso.

Holy fucking shit... I am his fiance!

Parang gusto ko nang maluha dahil sa saya. Lutang kong hinaplos ang malaking bato sa pinakagitna ng engagement ring. Sunod na umikot ang aking hintuturo sa palibot ng singsing kung saan may mga maliliit na diamante. This was expensive. Sa tingin pa lang ay hindi na ako sasantuhin ng mga holdaper kung sakaling may makasalubong ako. Worst, baka maputol pa ang kamay ko nang wala sa oras dahil dito!

Napawi ang tuwa ko sa naisip at akmang huhubarin na ang singsing pero natigil ako nang maramdaman ang mainit na kamay ni Eros na humaplos sa aking hita pataas sa aking tagiliran hanggang sa tuluyan akong mayakap.

Naramdaman ko ang pagsisitayuan ng mga balahibo ko sa katawan nang madama ang katawan niyang dumikit sa aking likuran at ang pagbaon ng kanyang mukha sa aking leeg. His hot breath sent shivers down my spine!

"Baby..." malambing kong bulong na haharapin na sana siya pero mas hinigpitan niya ang kanyang pagkakayakap sa akin kaya hindi ako nakagalaw.

"Hmm..." He groaned.

"Are you awake?"

Bumaba ang kamay ko sa kamay niyang nakapirmi sa aking tiyan at ipinagdaop ang mga 'yon.

"No," he said in his husky voice.

Napangiti ako.

"Then gumising ka na. Hindi ba may meeting ka pa sabi mo?"

"Hmm..."

Pinigilan ko ang mapamura dahil sa mainit niyang labi na nilalapatan ng halik ang aking leeg. Umangat ang balikat ko para itago ang aking leeg pero imbes na huminto ay iyon naman ang kanyang hinalikan. My eyes shut when I felt the strap of my night gown sliding down my shoulders, removing it with his mouth.

How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon