Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

CHAPTER 3

88.3K 2.2K 202
                                    

CHAPTER 3

Limitations


"Hindi ka ba nahihirapan? Tingnan mo, ngayon na nga lang ang pahinga mo nagtatrabaho ka pa," magkasalubong ang kilay na tanong ni Dane habang gumagawa ng kape.

Pinunasan ko ang counter dahil sa mga tilamsik ng gatas na natapon ko kanina.

"Hindi naman. Saka wala rin naman akong gagawin sa bahay."

"Hindi ka napapagod?" mangha niyang tanong.

Tinapos niya ang ginagawa. Pumunta siya sa harapan para ibigay ang kape sa customer na um-order habang ako naman ay pumunta sa lababo para maghugas ng kamay.

"Hindi naman. Mas magaan pa nga ang trabaho ko rito kaysa sa mga naging trabaho ko noon."

Bumalik siya sa tabi ko. Napahinto ako dahil sa lalong pagkunot ng noo niya.

"Kung tutuusin ay pwedeng hindi ka naman na magtrabaho. Hindi ka ba talaga pinipigilan ni Mr. Vergara?" Siniko ko siya nang dahan-dahang umangat ang magkabilang gilid ng kanyang mga labi.

"Dane, alam mo naman na gusto ko pa ring magtrabaho. Kahit paano, kailangan ko pa ring suportahan ang mga kapatid ko. Hindi ko 'yon magagawa kung mag-aaral lang ako. Wala kaming kakainin."

"Oo na, gets ko naman pero bakit dito pa? Pwede ka naman sigurong magtrabaho na lang sa opisina ni Eros o kahit ano na mas malaki ang kikitain mo."

Napabuntonghininga ako sa sinabi niya. Naisip ko na rin 'yon noon. Eros offered me part-time jobs too pero hindi ko na tinanggap. Maliban kasi sa kailangan ako sa bahay ay kailangan ko pa ring tulungan si Nana sa computer shop pagkatapos ng klase ko. Lalo na ngayong hindi na masyadong nakakapagbantay ang mga kapatid ko dahil sa pagiging abala sa eskwela.

Gustuhin ko mang bumalik sa club para sa mas malaking kita sa pagpa-part-time ay alam kong hindi na ako pwede roon lalo na't hindi ako papayagan nina Valerie at Eros.

Ang coffee shop na ito ay tamang-tama lang din sa akin. Kakilala ni Ramiel ang may-ari at isang sakay lang ito simula sa West Side.

Mabuti na nga lang din at pumayag sila na tatlong araw lang ang pasok ko pero twelve hours naman ang duty sa kada araw. Ayos na rin at mabait ang may-ari kaya pumayag na ako.

Kapag narito rin ako ay wala rin masyadong nakakakilala sa akin dahil sa payak naming ayos. Nakatali ang mga buhok na may net, sumbrerong itim, pares ng itim na T-shirt at pantalon, at ang kulay kapeng apron. Maliban din sa lipstick ay wala na akong inilalagay sa mukha ko.


Malayong-malayo ang ayos ko sa babaeng naging ako sa harapan ng camera.

Hindi ko na sinagot si Dane. Dahil sa pagdagsa ng mga customer ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap ulit.

"Hello, Sir! Good day!" malakas na hiyaw ni Dane pagkatapos naming maglinis ng mga lamesa.

Buong araw kaming naging busy dahil hindi pumasok si Jusly na siyang kapalit ng isang morning shift kanina.

"Hi."

Tumalon ang puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko man gustong mataranta ay wala na akong nagawa. Napangiwi ako nang muntik ko nang mahulog ang gatas na hawak ko.

Calm the fuck down, Skyrene!

Pigil ang paghingang lumapit sa akin si Dane para ibalitang nandiyan na si Eros.

"Ikaw na ang kumuha ng order! Natatae na naman ako sa kilig sa inyo, e!"

Napahagikhik ako at agad siyang siniko dahil sa lakas ng boses niya. Mas lalo siyang natawa dahil sa pag-irap ako.

How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon