Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

CHAPTER 11

64.7K 1.4K 99
                                    

CHAPTER 11

Pagbabanta



"It's okay. I understand." Inayos ko ang bag na nakasabit sa aking balikat habang napapatuloy sa paglalakad patungo sa library.

Katatapos lang ng huling klase ko ngayon at dapat ay uuwi na pero dahil may kailangan pa ako para sa research ko ay dadaan muna ako sa library para manghiram ng librong makakatulong sa akin.

"I'll see you soon, okay?" aniya sa kabilang linya.

Napangiti ako dahil do'n. Kahit na sobrang miss ko na si Eros at hindi ko na rin alam kung hanggang kailan pa ako makakapaghintay na makita siya ulit ay magtitiis ako. Ang lahat ng mga salita niya ang siyang kusang pumapawi sa mga pangungulila ko.

"Yeah. Miss na kita nang sobra pero okay lang!"

"I miss you more, Skyrene, and Autumn misses you too..."

"I missed her."

I heard him sigh.

"Are you sure you don't want to visit here this weekend?"

Hinawakan ko ang buhok kong sinalubong ng hangin nang lumabas ako sa open hallway. Sinabi niya kasing makakauwi siya this week pero babalik din ulit sa Sabado para sa trabaho niya.

"I have work," I answered.

"Take a leave."

Wala sa sariling napabuga ako ng isang malalim na paghinga. That's so tempting but I can't just do that. Ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan ng may-ari ng cafe. Minsan na nga lang akong magtrabaho at pabor pa iyon sa oras ko tapos magli-leave pa ako.

"You know I can't. Besides, marami rin akong kailangang tapusin sa weekend kaya hindi pwede. I'm sorry..."

"It's okay. We'll figure something out."

Inipit ko ang aking cellphone sa aking tainga at balikat habang hinahagilap sa bag ko ang panali ng aking buhok. Nang makuha ko 'yon ay nagmamadali kong itinali ang mahaba't tuwid kong buhok na isinasayaw ng hangin.

"Sorry, Eros..." I mumbled.

"It's fine. Ako ang dapat mag-sorry because I've been so busy lately."

"Ako rin naman."

"We'll figure something out when I come back, okay? Just do your thing, baby," malambing niyang sambit.

Umangat ang gilid ng aking labi. Huminto muna ako sa labas ng pintuan ng library para magpaalam na sa kanya.

"Do your thing too, Mr. Vergara, and I'll always be waiting for you. I gotta go now, nasa library na ako."

"Okay. Text me when you're home."

"Always... I love you, Eros."

"I love you more."

Ibinaba ko na ang tawag at pumasok na sa loob. Sumakit ang tainga ko dahil sa nakakabinging katahimikan ng silid. Parang gustong bumalik sa labas ng mga paa ko dahil kahit na puno pa rin ng mga estudyante ang library ay wala akong marinig na kahit anong ingay.

Patuloy na naglakad ang mga paa ko habang ang mga mata ko naman ay naghahanap ng hindi okupadong upuan. May nakita akong isa sa bandang kaliwa na malapit sa section ng literature pero napailing ako at naglakad palayo roon nang makita ang mga bag na nakalagay sa upuan. It's occupied.

Naninibago man akong marami pa ring tao ngayon sa library kahit na uso na ang internet pero gano'n siguro talaga dahil malapit na ang examination.

Lumiko ako sa isang aisle kung nasaan ang mga librong pakay ko. Kinuha ko ang una kong nakita at binuklat iyon sa pahinang babasahin ko. Tumabi ako nang may mga pumuntang estudyante sa aking gawi. I started reading the book silently. Kalaunan ay kumuha pa ako ng isa at muling binasa iyon. Some of the things that I needed were in the first book, but I needed to take some notes. Pupwede rin namang picture-an ko ang libro at sa bahay na lang ito gawin pero mas gusto kong wala na akong aatupaging may tungkol sa pag-aaral mamaya pagdating ko sa bahay.

How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon