Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

CHAPTER 12

67.2K 1.7K 153
                                    

CHAPTER 12

The Best Part



"Rough night?" natatawang tanong ni Ross nang makasalubong ko siya sa hallway papunta sa unang klase ko ngayong araw.

Mas lalo akong napasimangot sa tanong niya. Kahit kasi sinabi kong hindi na ako mag-iisip kagabi ng mga kung ano-ano ay iyon pa rin ang naging dahilan para mapuyat ako.

"Sakto lang," tipid kong sagot.

Hinayaan ko siyang kunin ang mga librong hawak ko. Tatlong oras lang yata akong nakatulog kagabi. Maliban sa ingay ng mga naghahabulan sa labas ng bahay ay buong magdamag din akong nagbasa ng mga text namin ni Eros.

Marami pang sinabi si Ross pero dahil sa kalutangan ko ay kung hindi tango, isang sagot lang ang sinasabi ko. Nang maihatid niya ako ay nagpaalam na rin siya.

Sa unang dalawang klase ay nakakahabol naman ako kahit na ramdam ko ang puyat. My head was hurting. Maging ang mga mata ko ay parang may nakalambiting mabibigat na bato na pilit ipinipikit ang aking mga mata.

Ang unang ngiti ko ngayong araw ay sumilay lang nang makita ko si Fria na palapit sa akin sa panghuli kong klase.

"You okay?" she asked as she sat on the chair beside me.

"Yeah. Inaantok lang."

Tumango siya. Hindi na kami nagkaroon ng pag-uusap dahil pumasok na ang professor namin.

Today was dry. Sa buong klase ay wala akong naisip kung hindi gaano kasarap bumalik sa kama at matulog. Parang ngayon ko lang naramdaman kung gaano kahalaga ang bagay na 'yon. Kung gaano 'yon nate-take for granted minsan. Iyong tipong magpupuyat ka dahil sa mga walang kwentang bagay pero kapag napuyat ka naman, magsisisi ka kinabukasan. Gaya na lang ngayon.

Mabilis na lumipas ang oras kahit na ilang beses ko nang nakurot ang kamay ko para lang magising sa buong durasyon ng lecture.

"Una na ako, Sky. See you!" Kumaway si Fria nang maghiwalay kami.

"Ingat!" Ngumiti naman ako at nagpatuloy na sa library.

Binilisan ko ang mga hakbang ko para makauwi na ako kaagad. Isasauli ko ang mga librong hiniram ko kahapon at manghihiram naman ng panibago para mag-review sa ilang huling klase ko ngayong linggo.

Dahil wala na masyadong estudyante sa loob 'di gaya noong nakaraan ay mabilis akong natapos. Ilang mga freshmen ang bumati sa akin. Hindi na rin gaya noon na may nagpapa-picture pa. And I was totally fine with it. Mas natutuwa akong nawawala na sa isip ng mga tao ang show na sinalihan ko. I guess fame was not really for me. Dahil kung ako lang ay mas gugustuhin kong mabuhay nang tahimik at walang nakakakilala. Iyong simple lang at walang nagbabantay sa bawat galaw mo.

"Thank you."

Kinuha ko ang mga panibagong librong hiniram habang nakangiti sa babaeng nag-abot n'on.

I walked towards the exit. Niyakap ko ang tatlong librong hindi na nagkasya sa loob ng bag ko. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung saan ako magre-review ngayong alam kong hindi ko 'yon magagawa sa bahay namin. Hindi rin pwede sa computer shop o kina Nana dahil nasa iisang environment lang naman kami. Magulong environment.

Sa mga ganitong pagkakataon ay isang tao lang ang pumapasok sa utak ko. I miss Eros and the tranquility that I feel whenever I'm with him.

"Skyrene."

Awtomatiko akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Kade na bumilis ang lakad mapantayan lang ako.

"Kade." I smiled at him.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay CengCrdva, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni CengCrdva
@CengCrdva
Reality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 58 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @CengCrdva.
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon