CHAPTER 9
Exhibit
"Do you think it will be put on the bidding list?" tanong ni Malfred kay Yael habang nasa daan ang paningin.
Pagkatapos ng klase ay umuwi lang ako saglit para magbihis dahil nag-offer sina Malfred na sabay-sabay na kaming pumunta sa event para hindi na ako mahirapan pang mag-commute.
"For sure!" ganadong singit ni Ylona sabay tingin sa akin.
Magkatabi kami sa backseat samantalang ang dalawa naman ay nasa unahan.
"'Yong picture ko?" walang ideya kong tanong sa kanya.
"Yup!"
Kinalabit niya si Yael kaya napabaling ito sa amin.
"Will you bid?"
"Definitely."
"Me too! Para lang tumaas at mahirapan kayo," pang-aasar niya.
"Bring it on!" natatawang hiyaw ni Yael.
"Ilang pictures ba ni Sky ang pag-aagawan natin ngayong araw?" tanong ni Malfred.
Pinakinggan ko ang mga usapan nila kahit na medyo naiilang ako. Naiisip ko pa lang na magiging sentro ako ng atensiyon mamaya ay parang gusto ko nang umuwi nang maaga. Hindi ko rin nasagot ang tanong nilang ilan dahil kahit ako ay wala ring ideya. Ni hindi ko nga sigurado kung sure ba si Kade na isasama niya ang mukha ko ro'n.
I texted Eros before we arrived at the venue.
Ako:
Malapit na kami. I wish you were here though.
Baby:
I'm sorry, baby. Babawi na lang ako pagbalik ko. Have fun, okay? Send me pictures. I want to see how beautiful you are on that wall. I love you.
Ako:
I will. I love you too!
Baby:
And I'm so proud of you.
Kumurap-kurap ko para pigilan ang pagiging emosyonal dahil sa nabasa. Sobrang in love lang siguro talaga ako kay Eros dahil lahat na lang ng mga salitang galing sa kanya ay naaapektuhan ako kaagad. I'm so in love with him... at wala nang makakapigil n'on.
Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ay marami ng sasakyan ang nakaparada. Ang mga tao naman ay pagroo't parito na sa loob ng building ni Kade.
Sumunod ako nang bumaba si Ylona pero huminto muna ako para mag-selfie at ipadala kay Eros. Nangingiti akong nag-pose ng nagpa-flying kiss.
Ako:
I gotta go! XOXO!
Sabi ko kasama n'ong picture na aking kinuha. Nagmamadali na akong naglakad dahil naiwan na ako nina Ylona.
Gusto ko sanang isama si Valerie ngayon pero dahil busy siya sa trabaho ay hindi rin siya makakasama. Minsan na lang din kami kung magkita dahil magkasaliwa ang mga schedule namin sa buhay. Mabuti na nga lang ay nagtagpo kami kanina dahil kung hindi ay baka wala akong damit na naisuot ngayon.
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob at daluhan ang mga kaibigan ni Kade. The room was very pleasant. Kung noon ay medyo madilim, ngayon naman ay maliwanag na iyon dahil doble ang dami ng ilaw na nakabukas.
Hindi ko mapigilang kabahan lalo na't marami ngang tao ang pumunta.
Hinawakan ni Ylona ang kamay ko ng ipakilala niya ako sa mga ka-blockmate nilang nasalubong namin. Ilang minuto pang kwentuhan bago ako na-bore at agad na sinuri ang iilang portraits na natatanaw ko. All of the photos were black and white.
BINABASA MO ANG
How To Be The Bachelor's Wife (Book 2 - TBS2)
RomanceReality show winner Skyrene Del Rio faces a new wave of problems when circumstances arise between her and Eros. Suddenly unsure if she's ready to be the bachelor's wife, will the love of Skyrene for Eros be enough for them to reach the end? *** Now...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte